Chapter 1

73 10 17
                                    

(You may think that this is a typical love story. Maybe it is, but I assure you that this story will give you a lesson. So I hope you'll read this story until the end 🤗)

"Kapagod." Sabi ni Jacob matapos naming magtawanan at mag-asaran habang naka-upo sa bench sa school gym. Naglaro kasi sya ng basketball kaya kami nandito at yun, nagkwentuhan muna kami. Boyfriend ko nga pala si Jacob, Jacob Lopez. Ako naman si Agape Tolentino. Di pa gaano katagal ang relasyon namin; 7 months pa lang kami. Parehas kaming 3rd year college student. I'm taking up Secondary Education major in Filipino while he's taking up BS Marine Transportation. We both had crush on each other before our relationship started. Ang sarap sa feeling, diba, pag crush ka rin ng crush mo?

"Pahinga ka muna." Tugon ko sa kaniya.

Tapos ang mas masarap pa sa feeling ay yung naging kayo. Hanggang ngayon nga may crush pa rin ako sa boyfriend ko kahit 7 months na kami. Kinikilig pa rin ako pag nag-uusap kami. Di pa rin nawawala yung kilig.

"I mean...satin." Wika pa niya. Nakatitig lang ako sa kaniya. Nakatingin sa mga mata niya. Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko yung sinabi niya. "Pagod na ako, Agape. Ayoko na." Mahinahong sabi niya. At dun na ako natauhan nang sabihin niya ang salitang AYOKO NA.

"B-bakit?" Naluluhang tanong ko sa kaniya.

"Kasi nga pagod na ako."

"Kanina lang naman masaya tayong nagkukwentuhan. Nagtatawanan pa nga tayo tapos sasabihin mong pagod ka na? Na ayaw mo na?"

"Sorry."

"Mabilis ka lang kasing sumuko, Jacob, eh."

"Hindi ako mabilis sumuko. M-matagal ko na 'tong nararamdaman. Pansin mo these past few weeks, pag nagco-communicate tayo, lagi na akong maagang natutulog? Di tulad ng dati na aabutin tayo ng alas-12? Kasi pagod na ako. Di na ako nakaka-feel ng something special for you. Pilit kong binabalik yung dati pero hindi na. Di ko na maramdaman."

"Diba sabi mo sakin di mo ako iiwan? Eh, ano 'to? Ano tong ginagawa mo?"

"Sorry, Agape, pero wala na talaga, eh."

"Hindi, Jacob, ayusin natin 'to." Sabi ko pagtayo ko.

"Pagod na nga ako, Agape."

"Mahal mo pa ba ako?" Nagpipigil luha kong tanong sa kanya. Umiwas sya ng tingin sakin.

"Hindi ko alam." Tuluyang tumulo ang mga luha ko. Tumayo sya at hinarap ako.

"Tell me you're just joking."

"Agape, sana nga nagbibiro lang ako, pero hindi, eh. Totoo. I'm sorry, Agape. Basta salamat sa lahat." Tumalikod na siya and walked away.

"JACOB!" Umiiyak na tawag ko sa kaniya, pero hindi sya lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. He left me crying. He left me hurting.

Anong ginawa ko para sumuko ka?

Malungkot akong umuwi sa bahay. Nakita ko si mama sa kusina na naghuhugas ng mga pinggan. Dahan-dahan ko syang niyakap mula sa likod.

"Oh, nandyan ka na pala." Napahikbi ako. "Umiiyak ka ba? Anong nangyari?"

"Ma...break na kami." Umiiyak na tugon ko kay mama. Yun yung unang yakap ko kay mama dahil sa sakit na hiniwalayan ako. Hinarap ako ni mama at niyakap. She rubbed my back to calm me.

Iyak ako nang iyak nung mga araw na iyon. I tried to call and text him. I tried to do my best to convince him pero wala. Ayaw na niya talaga.

"Jacob, please. Maawa ka sakin. Sobrang sakit." Umiiyak akong nagmamakaawa sa kaniya sa phone.

"Agape, sinabi ko na sayo na ayoko na. Pagod na ako."

"Basta-basta ka na lang ba magpapadala riyan sa pagod mo? Isipin mo naman yung pinagsamahan natin."

"I'm really sorry, Agape. Matagal ko nang sinubukan ibalik pero wala na talaga akong special na nararamdaman."

"May nagawa ba ako na ikinapagod mo? Yung pagiging moody ko ba? Diba binago ko naman na yun? Di naman na ako moody, diba? Hindi na nga kita inaaway, eh." Tuluy-tuloy na sabi ko habang umiiyak.

"Wala naman, Agape. Napagod lang talaga ako and I really want to end our relationship. I'm really sorry."

"Jacob naman, eh. I love you and I know you love me, too. Kung talagang mahal mo 'ko di mo 'ko iiwan dahil lang sa pagod ka na. Pwede naman natin ibalik yung dati, eh. Naalala mo yung unang nag-usap tayo?"

"Agape, please. Ayoko na talaga. Thank you sa lahat pero it's over. Bye." He ended the call.

"Jacob, sandali." I started crying again. Humiga ako sa kama. Niyakap yung unan ko. Iyak lang ako nang iyak. Puro sakit ang nararamdaman. Puro iyak lang yata magagawa ko ngayong araw. Sobrang sakit, eh.

May kumatok sa kwarto. Pinunasan ko kaagad ang luha ko at bumangon. Inayos ang sarili.

"Agape?"

"Pasok po, ma." And I heard the door opened. Naramdaman kong umupo si mama sa tabi ko.

"Umiiyak ka pa rin." Sabi ni mama.

"Ang sakit ma, eh." Naiiyak na sabi ko kay mama.

"Anak, para sakin, pag nagmahal ka, wag mong ibigay yung 100% ng pagmamahal mo. Magtira ka ng 1% para sa sarili mo para kung sakaling iwan ka, hindi masyadong masakit." Hindi ako nakatugon sa sinabi ni mama. Niyakap ko lang sya at umiyak.

Ilang linggo rin akong iyak nang iyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. I never imagined na hahantong ang relasyon namin sa hiwalayan kasi wala akong nakikitang dahilan para maghiwalay kami, pero siya, siya pala ang nakahanap ng dahilan. Dahil lang sa pagod na siya.

Naaalala ko pa rin kung pano kami nagsimula. Mula nung magka-chat pa lang kami, yung nag-meet kami in person for the first time. Yung getting to know each other stage pa lang hanggang sa naging kami. Naaalala ko pa rin kung gaano kami kasaya noon. Lagi niya akong napapakilig. Puro tawanan. Tapos pag nagtatampo ako nilalambing niya ako. Maraming nagsasabi na bagay raw kami. Sa tuwing magkasama nga kami sa school, parang halos ng nadadaanan naming tao napapatingin sa 'aming dalawa. Almost perfect na sana yung relasyon namin, pero wala, eh. Sumuko kaagad siya.

Oo, sawi ako, pero di ko pa rin napapabayaan ang pag-aaral ko. Di ko pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko dahil lang sa lintik na pag-ibig na yan.

Hindi ko na siya nakikita sa school at wala na rin akong balita sa kaniya. He also blocked me on Facebook. Dumaan ang dalawang buwan, hindi na ako umiiyak. Di na gaanong masakit, pero mahal ko pa rin siya at umaasa pa rin ako na babalik sya.

I made myself better. Healed my heart through prayers.

Until I moved on.

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon