Love Untold Part III
" Ang hilig mo gumawa ng tula Aiken, pero ni isa ba may nabasa si Loyd sa mga ito? "
Napatingin na lang ako Kay Shen habang sinasabi nya 'to.
Oo nga, ang dami kong nagawang tula para sa kanya. Sa dami, hindi ko na mabilang. Pero sa mga tulang ito, lahat sila may pagkakapareho. Puro paglalathala ng pag-ibig na walang katugunan ang nais ipahayag.
"Hindi naman nya kailangang mabasa pa. Sapat na ang nasabi ko sa kanya noon ang nararamdaman ko. Hindi na nya kailangang malaman pa kung gaano ako nasasaktan."
"Ewan ko ba sayo Aiken. Matalino ka naman. Pero bakit isang katulad nya ang minahal mo. Hindi ka pa ba nagsawang masaktan sa katulad nya?"
Muli akong napatingin Kay Shen habang nakataas ang isa nyang kilay. Napa isip ako sa sinabi nya at nginitian na lang sya. Wala na kong masabi sa mga tinuran nya. Tama sya, wala na ba kong kadala-dala na masaktan?
"Hay ewan Aiken. "
Matapos ng pag uusap namin ay umalis na sya. At doon ko ninamnam ang binitiwan nyang mga salita.
Bakit nga ba muli akong nagmahal ng katulad nya? Hindi si Loyd ang una kong minahal. Pero katulad nya, isang seminarista din ang unang nakapukaw ng puso ko.
Tandang tanda ko pa noon na pareho kaming nakaupo sa mahabang upuan sa loob ng simbahan. Hindi ko mawari kung anong meron siya at nawili akong pagmasdan sya.
Tahimik lamang syang nagdarasal habang nakatingin sa altar. At mula noon, nagkaroon ako ng interes kilalanin ang lalaking iyon.Ang isang linggo ay naging mga buwan at ito ay naging mga taon. Hindi ko namalayan na minahal ko na pala ang lalaking yaon.
Sya ang aking unang pag-ibig.
Ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko.
Subalit sa umpisa pa lang ay wala na akong plano na makilala nya.
Sapat na sa akin na sya ay mapagmasdan.
Mga lihim na tingin ang naging kasangga.
Sa loob ng walong taon, napagkasya ang sarili sa simpleng pagtangi.Ika 19 ng Mayo ng muli ko syang nakita.
Isang imbitasyon mula sa kanya ang aking natanggap.
Ordination na nya sa pagpapari.
Magiging ganap na sya na alagad ng Maykapal.Maaga akong pumunta noon sa simbahan.
Hinanap ko sya.
Hinanap sya ng aking nga mata.
Hindi man ako naging malapit sa kanya, alam kong kahit papaano ay kilala nya ako.Sa pagtingin ko sa bandang likuran, nakita ko sya.
Nakatingin din sya sa akin.
At sa unang pagkakataon, nakita ko ang mga ngiti nya para sa akin.
Mga ngiti na pilit ko noong iniiwasan.
Mga matang ayoko noon matingnan.
Dahil alam kong kasalanan ang magiging kapalit ng isang ngiti nya lamang.Pero ang ngiti niya ng mga panahong iyon ay nag-iimbita ng katugunan. At isang bagay ang aking nadarama. Kasiyahan. Walang kasing saya. Dahil sa wakas, ang una kong minahal ay ganap nang pari.
Ang ngiti nyang yon ang nagpapahayag na masaya sya sa piniling landas.
At akin na lang nasambit na,
"Minahal kita Deo. At masaya kng makita na nandyan kana sa lugar na pinapangarap mo."💜
BINABASA MO ANG
Love Untold
RomancePinagtagpo ngunit hindi itinadhana. Hanggang kailan nga ba ipaglalaban ang nararamdaman? O sa paglipas ba ng panahon ay makakalimutan na ang pag-ibig na walang katugunan? 🖤