The Love Untold Ending 💜
"Sa pagbukas ng bagong umaga, may bagong simula na matatanaw. May bagong bubuksan na pintuan at pagagalingin yaong pighati ng nakaraan. "
"Ibang klase. Ganito ka pala kabroken noon? Puro siya ang paksa ng mga kwento at tula mo. "
Napatingin ako sayo habang tinitingnan mo ang mga sinulat ko. Unti-unti akong lumapit sayo habang abala ka sa binabasa mo.
"Hindi ko nga rin akalain na ganyan pala ko kabitter noon. Ganyan ko pala nadala ang damdamin ko. " Wika ko habang sabay nating binabasa ang mga hawak mo.
"Ilang taon na ang nagdaan. Pero dama ko pa din ang sakit sa mga tula mo. Ganun mo sya minahal?"
Mataman kang tumitig sa aking mga mata habang hinawakan ko naman ang iyong mga kamay.
" Marahil oo. Ganun ko sya minahal. Na nagawa kong kalimutan ang sarili ko. Na nagawa kong isipin na okay lang ako kahit nasasaktan na ko. Na nagawa kong magpakalunod sa pag-ibig ko. Na ninais ko na sana ako na lang."
Titig na titig ka sa akin habang sinasabi ko ang mga katagang ito. Alam ko kung anong nasa isip mo. Alam ko kung anong tumatakbo sa puso mo.
"Kung ganun mahirap pala talaga syang palitan." Sumilay ang isang malungkot na ngiti sa mga labi mo.
Niyakap kita ng mahigpit. Matapos ay muli Kong hinawakan ang iyong mga kamay.
Ni hindi ka na tumitingin sa akin ng gawin ko ito. Dahil alam kong nasasaktan ka sa mga sinabi ko."Oo mahirap syang palitan. Dahil sya ang nagturo sa akin na hindi lahat ng minahal mo ay magiging sayo. Hindi lahat ng pinapangarap at pinagdarasal mo ay magkakatotoo. Dahil may higit na plano ang Diyos. Minahal ko sya at ang pagmamahal na yun ang nagturo sa akin para maging selfless. Madami akong natutunan sa kanya. At hindi na natin maiaalis na sya ang the one that got away ko. Sya ang lalaking hindi para sa akin pero sobra-sobra ang naiwang ala-ala sa puso ko. "
"At lubos akong nagpapasalamat. Dahil kung hindi ako nasaktan sa kanya. Hindi kita makikilala. Ikaw na syang lalaking para sa akin talaga. Lalaking ibinigay ng Diyos para sa akin. Tama si Loyd, dadating ang panahon na may isang taong magmamahal sa akin na higit pa sa akala ko. Lalaking handa akong tanggapin sa lahat ng pagkakamali ko. At yung taong walang pero-pero, dahil nung minahal ako, buong puso ang ibinigay na para sa aki'y perpekto. "
Niyakap muli kita ng mahigpit. At sa pagyakap kong ito, dama ko ang pintig ng puso mo. Pusong mong totoo ang pagmamahal. Puso mong labis na umiibig.
"Sa dami ng tula na nagawa ko para sa kanya. Wala yan sa mga tula at kwentong ilalathala nating dalawa. Dahil tayo mismong dalawa ang maggagawa ng isang walang katapusang kwento nang pag-ibig na tayong dalawa ang bida".
Kumalas ka sa aking yakap at ako ay iyong hinagkan sa aking noo. Napapikit na lang ako dinama ang lahat ng ito.
Sa isip ko, naiusal ko na lang ang ganito,
"Salamat sa pagdating sa buhay ko Loyd. Salamat sa mga ala-alang binigay mo. Salamat dahil naging bahagi ka ng puso ko. At salamat dahil sa pagkawasak nito, ipinakilala mo sa akin ang lalaking makakasama ko. Salamat dahil kung hindi sa iyo, hindi sana ako magiging kasing saya nito."💜
BINABASA MO ANG
Love Untold
RomancePinagtagpo ngunit hindi itinadhana. Hanggang kailan nga ba ipaglalaban ang nararamdaman? O sa paglipas ba ng panahon ay makakalimutan na ang pag-ibig na walang katugunan? 🖤