💜
Love Untold Part IV
"Aiken, it's been 2 years. Wala na nga kayong communication hindi ba? Bakit hindi ka pa makamove on?"
Napatingin ako kay Shen mula sa pagkakatulala sa kapeng nasa harap ko.
Minsan gusto kong punahin ang palagi nyang pagtataas ng kilay. Kaso wag na lang. Baka mas tanungin nya ko tungkol sa mga bagay bagay."Sino bang nagsabi na hindi pa ko nakakapagmove-on?" Balik kong tanong sa kanya.
"Hello, kung nakapagmove on kana eh di sana wala ka ng ginagawang tula para sa kanya. Ready kana sana makakilala ng iba. Eh susme naman, kahit hindi mo sabihin sya pa din naman ang paksa mo sa mga tula mo no. Sya pa din kahit hindi mo aminin."
Napatitig akong mula sa kape na nasa harap ko. Hindi na ito mainit katulad kanina. Sa katunayan, malamig na ito subalit hindi ko pa din magawang inumin. Nginitian ko na lang si Shen at wala ng sinabi pa. Ayoko ng pahabain ang usapan. Ayoko na.
Pero sa totoo lang, lingid sa kaalaman ni Shen, sinubukan ko. Sinubukan kong magmahal ng iba. Sinubukan kong ituon sa iba ang atensyon ko sa nakalipas na mga taon.
Dalawang lalaki ang nakilala ko.
Si Jin na isang ex-seminarian at si Percy.
Una kong nakilala si Jin. Halos isang taon na din syang nasa labas ng nakilala ko sya.
Mabait si Jin. Makwento. Nagtry kami na mas palalimin pa ang ugnayan namin. Pero hindi nagwork.Reason?
Dahil sya, hindi pa sigurado sa paglabas nya at ako nakatali pa din ang puso ko kay Loyd.
Sa ganung sitwasyon, nagdesisyon na lang ako. Wala din kasing patutunguhan kung pareho kaming hindi sigurado. Pareho kaming tinatakasan ang nakaraan. Pareho kaming hindi malaman ang maaring kahinatnan.Lumipas ang mga buwan at sa pangalawang pagkakataon, doon ko nakilala si Percy. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. Matalino at maalaga siya. Sa loob ng isang taon nagkaroon kami ng espesyal na ugnayan. Subalit agad din itong natapos ng hindi ko maibigay ang assurance na hinihingi niya. Pinalaya ko siya at makalipas ang ilang buwan nagkaroon siya ng kasintahan. At ako, naiwan na naman. Hindi ko naman siya masisisi. Hindi pa buo ang loob ko sa kanya. Kaya marahil naghanap siya ng iba.
Napabuntung hininga na lang ako. Nakakaguilty sa totoo lang. Nakakasakit ako ng damdamin ng iba. Nagdudulot ako ng sakit sa mga taong walang alam sa nararamdam ko. Pilit kong pinapahilom ang sugat sa loob ko, sa pag-asang makakaahon din ako. Hindi ko na napansin na mali na ang paraan ko. Na nagawa kong sumugal sa sitwasyong magulo ang utak ko.
Doon ko naisip na kahit anong pilit ko, marahil hindi pa panahon. Hindi pa panahon para makalimot ako. Ni hindi nabawasan ang pagmamahal ko Kay Loyd. Nandito pa din sya, isinisigaw ng puso ko. Wala na kong alam na gawin. Kundi hayaan na lang ang panahon ang magpasya para pahilumin.
Sa ngayon, magiging masaya at malungkot muna ko sa damdamin. Patuloy ko muna syang mamahalin. Hanggang sa mismong ako na ang sumuko at sabihing,"Mahal kita pero ayoko na. "
💜
BINABASA MO ANG
Love Untold
RomancePinagtagpo ngunit hindi itinadhana. Hanggang kailan nga ba ipaglalaban ang nararamdaman? O sa paglipas ba ng panahon ay makakalimutan na ang pag-ibig na walang katugunan? 🖤