Love Untold Part V

8 0 0
                                    

The Love Untold Last Part

"Hi".

Kinakabahan ako. Namamawis ang mga kamay ko sa totoo lang. Dalawang letra lamang ang natype ko subalit kakaibang tahip sa dibdib ang nararanasan ko. Normal pa ba to? Mukhang hindi na.

Alam kong hindi sya magrereply. Baka nga hindi nya pansinin ang munting mensahe ko. Subalit, gusto ko sya muling makausap. Kahit panandalian lang. Kahit wala syang sabihin. Gusto ko lang malaman ang tungkol sa kanya.

Ilang oras ang hinintay ko para sa sagot nya. Nawalan na ko ng pag-asa. Ako naman din ang may kasalanan. Pinutol ko ang komunikasyon namin sa pag-aakalang makakalimot agad ako. Subalit mas lalo ko lang syang namimiss. Mas lalo ko syang hinahanap at hindi na maganda ito. Dalawang taon na subalit wala pa ding nangyayari.

"Aiken, may nagmessage sayo oh. Ahuh...
Loyd? Nag-message ka kay Loyd?"

Gulat na sabi sa akin ni Shen. Sya na ngayon ang may hawak ng phone ko. Binabasa ang mensahe ni Loyd. Tiningnan ako ng masama ni Shen. Alam ko na yung ganyan tingin. May hinala na sya.

"Akala ko ba nakapagmove-on kana? Sabi mo diba nung nakaraan? Eh bakit ganito? Nag message ka sa kanya? Sinagot naman nya? Yung totoo Aiken, ano ba talaga?"

Inagaw ko na lang ang phone ko sa kanya.
Binasa ko ang mensahe ni Loyd. Simpleng Hi at Kumusta ka ang nakalagay.

"Aiken pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Bakit ba hindi mo sya mabitawan?"

"Hindi ko din alam Shen. Sa totoo lang, gusto ko. Gustung- gusto ko ng kalimutan sya. Pero paano ko gagawin kung hanggang ngayon hindi ako makaahon? Tinitingnan ko pa din ang profile nya. Kung may pagkakataon, inaalam ko ang tungkol sa kanya. Kung ano ng nangyari sa kanya. Kung kumusta na sya. Pati sa babaeng mahal nya, inalam ko. Stalker na nga ata nila kong dalawa. Pero hindi ko mapigilan. Akala ko sa pamamagitan nun, masasabi ko sa sarili ko na move-on na. Kasi may mahal syang iba. Kasi wala kang pag-asa. Pero Shen, mas lalo ko syang minamahal. At ang sakit-akit na. "

Hindi ko na namalayan na naginginig na pala ang mga kamay ko. Masaganang luha din ang dumadaloy mula sa mga mata ko. Nasabi ko din. Nasabi ko din kung anong nararamdaman ko. Nasabi ko din kung anong nasa isip ko.

Niyakap ako ni Shen. Ramdam ko ang pag-aalala nya para sa akin. Alam ko kung anong gusto nyang iparating. Pero paano ko ba gagawin?

"Aiken, ikaw lang din ang makakatulong sa sarili mo. Naiintindihan ko na mahal mo talaga sya. Alam mo, ako man nanghihinayang para sa nararamdaman mo sa kanya. Nakita ko kung gaano mo sya kamahal. Kaso Aiken, wala kang laban. Naordinahan na sya. Maliban dun, alam mong may mahal syang iba.
Kaibigan, isa kang kaibigan para sa kanya at hanggang dun lang yun Aiken. Alam kong hindi mo sya agad makakalimutan. Pero please, tulungan mo yung sarili mo. Hindi ka makakaahon sa pagmamahal na yan kung ikaw mismo walang gingawa. Kaya mo yan, nandito lang ako. "

Napapikit na lang ako habang nakayakap kay Shen.

Tama sya. Tama sya eh. Hindi ko tinutulungan ang sarili ko. Iniasa ko na sa paglipas ng panahon, makakalimutan ko din si Loyd. Pero mas lalo lang akong nabaon. Mas lalo lang akong nasaktan.

Oras na para tulungan ko ang sarili ko.
Oras na para maibalik ko ang dating ako.
Oras na para tanggalin sya sa puso ko.
Mahirap pero alam kong magagawa ko din.
Kakayanin ko to.

Sana lang, ito na ang huling beses na iiyak ako para kay Loyd. Ito na ang huling beses na hihilingin ko sa Diyos na sana ako na lang. Dahil alam kong kahit anong dasal ang gawin ko, hindi para sa akin ang lalaking minamahal ko. At ngayon, handa na kong isuko ang pagmamahal ko sa kanya.
Ayoko na.
Suko na ko.
Talo na ko.
Dahil ang sakit-sakit na.
Move on na.
Sa dulo mahal pa din kita Loyd.
Pero hanggang dito na lang ako.

💜

Love UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon