Dahil sa pagod ni Sarah sa buong araw na pagliligpit sa bahay, naghanda na sya para sa hapunan. Sabay-sabay silang kumain ng kanyang pamilya.
Pagkatapos niyang kumain, lumabas muna siya para paglibang. Napa upo siya sa kawayang upuan sa gilid ng kanilang bahay habang umiinom ng juice.
Hawak-hawak niya ang baso at dahan dahang umiinom. Nilalasap niya ang inumin habang masayang pinagmamasdan ang kanyang kamag anak na masayang nakikipag kamustahan sa isa’t isa.
Napangiti nalang si Sarah sa kanyang mga nakikita. Medyo may katagalan na rin kasi simula nang magkita ang kanyang mga kapamilya kaya ganun nalang sila kasaya habang nag uusap.
Dahilan ito upang mapa isip siya.
“Namimiss talaga nila ang isa’t isa. Ansaya nila tingnan! Naalala ko tuloy kung gaano din namin na miss ang isa’t isa matapos ang ilang taon hindi pagpapansinan.
Oo, magkakasama lang kami sa iisang classroom pero daig pa namin ang mga may long distance relationship.
Mahal, naaalala mo ba yun? Hahaha Matapos kong ipagtapat ang nararamdaman ko sa’yo ay umiwas ka na. At simula nga noon, hindi mo na ako kinikibo. Parang hangin lang ang turing mo sa akin.
Nagtagal din yun nang mahigit dalawang taon. Pero medyo wala din naman akong pakialam kasi nakahanap na ako nang bago kong magugustuhan sa campus. Grade 8 na tayo nun, siya naman ay Grade 7. Gwapo din sya at sports minded. Kaya nagustuhan ko sya!
Pero ibang eksena naman yung sa kanya. Kung sayo ay patago kitang hinahangad, sa kanya naman ay bulgaran kong sinabi sa klase na crush ko siya. Dahil doon, palagi akong tinutukso ng mga kaklase natin. Ako naman kinikilig. Habang ganoon yung eksena, tinitingnan kita pero wala kang pake. Hanggang sa ikaw na rin mismo yung nang aasar sa akin.
Tuluyan na ngang nabaling ang atensyon ko sa kanya. Wala na rin akong nararamdamang kakaiba sayo. Paano ba naman, sa tuwing nginingitian nya ako, ay kinikilig ako at ganoon din yung mga barkada ko.
Tayo? Kahit papaano naging magkaibigan na ulit tayo pero hindi na kagaya nang dati. Yung parang magkakilala lang. At mahigit dalawang taon din na ganoon yung eksena natin.
Hanggang sa naging Grade 10 na tayo at Grade 9 naman siya. Nagbago lang ang lahat nung nakita ko syang naninigarilyo. Na turn off ako nun! Ayaw ko kasi nung mga naninigarilyo kasi nga masama yun sa kalusugan.
Simula noon, hindi ko na sya crush at hindi nyo na rin ako tinutukso. At naging tahimik ulit ang lovelife ko! Pero saglit lang yun, kasi ang pag uncrush ko sa kanya ay magiging simula pala nang bagong kwento, kwentong magbabago nang tuluyan sa akin at sa buong buhay ko.
BINABASA MO ANG
Seven Nights
Teen FictionWe never met people by accident. Oo, hindi natin nakikilala ang tao dahil aksidente lang. Lalo na kapag naging parte na siya ng buhay natin. It's either matototo tayo mula sa taong iyon o siya ang may matututunan mula sa atin. May mga rason ang baw...