Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na absent ako kasi may out of school na mga activities? Tuwing merong ganun, may dalawang choices ka palagi. It’s either na samahan mo ako o puntahan kung saan man ako naroroon o hindi karin papasok dahil sabi mo tinatamad kang pumunta ng school kung wala ako.
Mahal, naaalala mo ba yung araw na may isang banda na mag coconcert sa malapit. Gustong gusto ko nun pumunta pero andami nating gastusin sa school kaya walang budget. Kinomfort mo ako nun, sabi mo ikaw nalang kakanta sa akin ng libre basta mag request lang ako. Nag request ako ng Perfect at Photograph ni Ed Sheeran at kinanta mo naman kahit boses palaka ka. Simple pero kinilig ako nang husto.
Mahal, naaalala mo ba yung ineregalo ko sayo noong Christmas Party? Haha The best na regalo yun ever. I love you so much!
Mahal, naaalala mo ba yung moment na pa simple mong hahawakan ang aking kamay? Yung susubuan mo ako ng pagkain habang nagsusulat ako? Yung ikaw magtatali ng sintas ko? Yung yayakapin ako tuwing nilalamig ako? Yung iinumin mo yung tagay ko? Kasi ayaw mong umiinom ako ng alak kaya palagi kang tumatabi sa akin tuwing may inuman yung section natin.
Yung bilin mong huwag magpupuyat at kumain ng wasto? Paulit ulit na bilin na hindi ko naman nasusunod. Yung sa tuwing aangkas ako sa motor na gusto mong nakahawak lang ako sayo? Yung mag aasaran tayo? Aasarin kita nang matindi pero hindi ka pa rin nagagalit kahit alam kong pikon ka. Tapos noong ikaw naman gumanti nang asar, syempre galit ako. Hahaha
Eh yung kinakagat kita palagi? Ang kyut mo kase. Nagrereklamo ka na masakit na yung braso mo kaya ayaw mo magpakagat kaya mag iinarte ako tapos papayag ka din. Hahaha Eh yung pangungulit ko sayo dahil gusto kong makita yung dimple mo? Palagi kang namumula kapag ginagawa ko yun.
Yung bubulungan mo ako na akala ko importante yun pala magsasabi ka lang ng I love you? Mahal, naaalala mo ba lahat ng ito?
Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na nagsisimba tayong magkasama? Oo, tuwing Linggo ay palagi tayong nagsisimba. Nagdarasal na sana magiging maganda yung future natin.
Sabi nila andami nang nagbago sayo simula nung maging close ulit tayo. Hindi ka naman daw ganyan dati eh. Mabisyo ka, mabarkada, bulakbol at matigas ang ulo. Pero ngayon hindi. Itinigil mo na ang paninigarilyo gaya nang sabi ko kasi ayaw ko yun at umiinom ka lang minsan tuwing may okasyon at nagpapalam ka naman sa akin. Hindi ka na naging mabarkada, sa bahay ka lang ninyo. Tapos minsan naaawa naman ako sayo kaya ako na mismo sayo ang nag uutos na mamasyal ka. Bulakbol? Noon yun. Kasi nag rereview ka na at minsan ay sabay pa tayo. Nagpapatulong ka din sa mga projects mo para tumaas yung grades mo. At hindi na matigas yung ulo mo. Sinusunod mo na ang mga bilin ko gaya ng maging mabait na Kuya, huwag magpapagod, palaging mapaalam, huwag mag suot ng relo kung natutulog, magpagupit ng buhok at kahit magsuot ng cycling tuwing mag shoshort at lalabas ng bahay (ayaw ko kasing maging katulad ka sa ibang lalaki na naka jersey ng short tapos walang cycling, kita na yung ano). Hahaha Simpleng bilin pero sinusunod mo.
Parang ikaw na nga yung hinahangad na lalaki nang bawat babae. Almost perfect! Kaya ang swerte nang sino mang mapapangasawa mo.
Yung mga kaklase natin pati adviser natin natutuwa sa pagbabago mo. Tinatanong nila ako kung paano ko daw yun ginawa sa’yo. Hindi ko nga alam kung paano yun nangyari Mahal eh.
Ang sabi mo sa akin, dahil mahal na mahal mo ako at hindi mo ako iiwan. At ganon din ako, hinding hindi kita iiwan at mahal din kita bilang kaibigan. Oo, bilang kaibigan. Dahil natatakot akong kapag bigyan ko ng chance na maging higit pa sa pagiging mag kaibagan ang ating relasyon ay baka masira lang ito. Baka masayang lang yung mga memories natin. Kaya kahit mahal kita more than a friend ay mas pinili kong maging magkaibigan nalang tayo.”
Natigil nalang si Sarah dahil bigla syang kinalabit ng Ate nya. Tinanong sya kung bakit parang wala namang bawas yung pagkain nya. Sagot naman nya, dahil mainit pa yung kanin.
Nagtakang sumagot yung Ate niya na mas malamig pa daw sa yelo yung kanin nya. Agad namang sumagot si Sarah na wala daw siyang gana. Sabay subo nang isang beses at tumayo bitbit ang pinggan papuntang kusina. Pahabol namang sumigaw ang kanyang Ate na pagod lang yan, matulog ka na.
Pagkatapos ng nangyaring iyon ay inilapag ni Sarah ang kanyang pinggan sa lababo, uminom ng tubig at dali daling pumunta sa kwarto.
Binuksan niya ang kanyang cellphone, kinuha ang kanyang headset tsaka at pinatugtog ang kantang Perfect ni Ed Sheeran. At nakatulog na nga siya.
Nagising na si Sarah pasado alas otso. Maganda ang gising niya dahil sa maganda din ang tulog niya. Gaya ng dati, almusal, nag ayos sa sarili at lipit ng mga kalat sa labas.
Noong mga hapon na ay tumulong na din siya sa kusina. Habang naghihiwa ng carrots, tinawag siya ng kanyang tiya dahil kailangan nilang bumili ng bulaklak. Kaya naman agad agad siyang nagbihis at nagpasama sa kanya kuya at pinsan papunta sa flower shop.
BINABASA MO ANG
Seven Nights
Teen FictionWe never met people by accident. Oo, hindi natin nakikilala ang tao dahil aksidente lang. Lalo na kapag naging parte na siya ng buhay natin. It's either matototo tayo mula sa taong iyon o siya ang may matututunan mula sa atin. May mga rason ang baw...