Isang hapon, may practice tayo para sa isang dula dulaan. Nang bigla ka nalang nagmamadaling tumakbo paalis bitbit ang 'yong bag. Yun pala nakatanggap ka ng text message na nag sasabing na aksidente daw yung kapatid mo at kailangan mo pumunta sa Hospital.
Tinatanong ka namin nun kung bakit parang nagmamadali ka, pero hindi mo na kami sinagot.
Gabi noon, nagtext ako sa'yo upang kamustahin ang kalagayan ng kapatid mo, sabi mo okay na din siya. Kahit papaano ay nawala yung kaba ko. Kahit ako din kasi ay nag aalala.
At mula sa kamustahan na iyon, nasundan pa yun at nagtuloy tuloy. Naging personal na rin yung palitan natin ng tanong. Tatlong araw ka nang hindi pumapasok kasi nagbabantay ka sa kapatid mo. Pero patuloy parin yung palitan natin ng mensahe.
Isang gabi, tinanong mo nalang ako kung may boyfriend na ako. Sabi ko, wala pa. Sagot mo naman, "Ano kaya kung maging tayo nalang?". Nagulat ako noon. Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko.
Sinabi ko nalang na, "Hindi mo pa nga ako nililigawan, tayo agad?".
Tapos nagreply ka din agad, "Ligaw? Kailangan pa ba yun?
Pero kung ayan yung gusto mo. Sige liligawan kita."Hindi na alam ng puso ko kung ano ang kanyang gagawin. Ambilis nang tibok ng puso ko.
Nagreply na din ako, "Wag ka na manligaw".
"Hala? Bakit?" sagot mo.
"Kase sinasagot na kita!" Reply ko.
Mapusok! Malandi! Pero wala eh, mahal talaga kita. Bumalik ulit mga feelings ko sa'yo na akala ko wala na. At yuuun! Dito na nagsimula kung anong meron tayo ngayon!
Pumasok ka na rin sa school pero hindi tayo nagpapahalata kung anong nangyayari sa atin. Tayo lang nakaka alam sa relasyon natin. Pero sa text, grabe yung palitan natin ng mensahe.
Sa text din tayo nag aaway at nag kakaayos. Pero sa personal hindi man natin na eexpress by words yung nararamdaman natin, mata naman natin yung nagsasabi kung gaano natin kamahal yung isa't isa.
Ingat na ingat din akong mahawakan nung iba yung cellphone ko baka kasi mabasa nila yung sorry mo at pagpapaliwanag matapos nating mag away dahil aksidente mo akong na mura. Hahaha
Naging ganito yung sitwasyon natin. Sa una okay lang, pero habang tumatagal hindi na ako komportable. I have this feeling of guilt! Hindi ko kayang niloloko yung mga kaibigan ko at magtago nalang sa kung anong meron tayo. Kaya umabot lang tayo hanggang apat na buwan.
Hindi ko man pormal na sinabi na makikipag hiwalay na ako sa'yo, pero unti-unti ay ako na ang umiwas at hindi na rin ako sumasagot sa mga text messages mo. Hindi ko ipinaliwag sa'yo kung bakit dahil ayaw ko nang pahirapan yung sarili ko.
At wala na ngang tayo. Pero wala namang nakakaalam sa mga naganap sa atin. Balik ulit tayo sa dati! Simpleng magkakaibigan."
At nakatulog si Sarah habang naka sandal sa pader habang nagmumuni muni. Malalim na ang tulog nya dahil na rin sa pagod sa buong maghapong paglilinis. Kaya binuhat nalang siya ng kanyang Kuya at dinala sa kanyang kwarto para magpahinga na. Mahaba ang naging tulog ni Sarah at anong oras na din sya nagising.
Nagising sya dahil ginising siya ng kanya pamangkin dahil mag aalmusal na ang lahat. Nag ayos na sya at lumabas sa kwarto.
Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na sila para mag grocery. Mga tanghali na sila bago nag simulang mamili ng mga kakailanganin sa bahay. Andami nilang pinamili bilang paghahanda na rin sa isang okasyon. Kaya takip silim na sila natapos. Buti nalang may sarili silang sasakyan kaya mapapaaga ang uwi nila.
Inilagay na nila yung pinamili nila sa likuran ng sasakyan. Ang kanyang kuya ang nagmamaneho ng sasakyan at ang kanyang Ate naman yung sa tabi ng driver. Si Sarah sa may likod, sa gilid ng bintana.
BINABASA MO ANG
Seven Nights
Teen FictionWe never met people by accident. Oo, hindi natin nakikilala ang tao dahil aksidente lang. Lalo na kapag naging parte na siya ng buhay natin. It's either matototo tayo mula sa taong iyon o siya ang may matututunan mula sa atin. May mga rason ang baw...