Habang kumakain, napansin niya ang mga kabataan sa kabilang bahagi na masayang kumakain. May pagkakatong naghaharutan ang mga ito!
Dahilan para may maalala si Sarah. Napayuko nalang siya at tinitingnan ang kanyang pagkain na wari’y may kakaiba dito.
Gamit ang hawak na kutsara, tila pinaglalaruan nya ang kanin, isa isa niyang itong pinaghihiwalay. Mamaya maya ay napaisip sya.
“Diba ganyan din tayo dati Mahal? Ganyan din tayo kasaya noon. Sobrang sweet natin. Andaming mga pangyayaring hindi ko makakalimutan kasama ka. Lalo pa nung nag Senior High tayo. Magkaklase pa rin tayo at hindi na tayo nahihiyang ipakita sa lahat kung ano ang nararamdaman natin.
Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na pinupunasan mo ang aking pawis? Ginagawa mo ito sa akin sa tuwing pinagpapawisan ako dahil magaslaw ako at malikot habang nag uusap ako sa aking mga barkada. Ayaw mo akong nakikitang pinagpapawisan dahil sakitin ako. Kaya palagi kang may dalang panyo para sa akin. Dahan dahan mong pupunasan ang aking pisnge at leeg. Pagkatapos nun, lalagyan mo ako ng panyo sa likod.
Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na hatid sundo mo ako sa bahay? Ginagawa mo ito dahil sabi mo gusto mo akong makasama. Sinusundo mo ako kahit may tampuhan tayo. Hinahatid mo ako kahit meron kang obligasyon sa bahay nyo. Sabi ko sayo na hindi mo naman kailangan gawin yun. Sabi mo naman na okay lang dahil choice mo ‘yon.
Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na hinihintay mo ako hanggang matapos yung mga practice ko kahit pagod at gutom ka na? Sinabi ko sayo na huwag mo na akong hintayin dahil alam kong nagugutom at pagod ka na. Sabi mo naman na mas pagod ako at mas gutom. Kaya bibitbitin mo ang bag ko at yayayain mo ako sa canteen para kumain.
Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na malungkot ako kaya pasasayahin mo ako? Sabi ko sayo huwag mo akong kausapin kasi may iniisip akong problema. Pero hindi mo pa rin ako sinusukuan. Kukulitin mo ako hanggang sa ikwento ko sayo mga pinagdadaanan ko. Tapos magpapatawa ka! Minsan korny yung mga Tagalog banat mo (gaya nung sinabing mong simbango ng Rosas yung damit mo. Anong sabi ng Rosas?). Pero napapatawa mo pa rin ako!
Mahal, naaalala mo ba yung mga araw na nag aaway tayo? Yung sinusuyo mo ako. Yung kahit ako yung may kasalanan eh ikaw yung hihingi ng tawad. Tapos kung ikaw naman yung nagkamali, hindi kita papansinin. Hihi Tapos tatawag ka sa akin habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Seven Nights
Teen FictionWe never met people by accident. Oo, hindi natin nakikilala ang tao dahil aksidente lang. Lalo na kapag naging parte na siya ng buhay natin. It's either matototo tayo mula sa taong iyon o siya ang may matututunan mula sa atin. May mga rason ang baw...