Munting Pag ibig sa Dagat

10 8 0
                                    

Pagkababa sa tricycle, ay pumunta na agad tayo sa tabing dagat, nagtampisaw sa malamig natubig at naglaro sa buhanginan. Para tayong bata noon kahit Grade 10 na tayo.

Ito ang unang beses na feeling natin ay malaya tayo. Wala tayong pake kung mahalata na nilang may something tayo. Ang mahalaga masaya tayo. Mga alas nueve palang nang umaga nun kaya hindi pa masyadong mainit ang sikat ng araw.

Napagplanuhan din ng lahat na pumunta sa may dulong bahagi ng tabing dagat para doon kumain ng tanghalian. Medyo may kalayuan yun, pero okay lang, enjoy naman tayong naglalakad sa buhangin at minsan at magtatampisan sa tubig. Feeling natin tayong dalawa lang ang tao doon kahit walo tayong lahat.

Ang saya ko nun sobra! May pagkakataong tatakbo ako na parang bida sa isang pelikula at hinahabol mo ako. Slow motion pa noon yung takbo natin. At noong nahuli mo na ako ay bigla mo nalang akong niyakap.

Pero wala tayong pakialam sa mga kaklase natin. Tawang tawa tayo sa mga pinag gagawa natin. Maghaharutan tayo habang naglalakad. Tapos maghaharutan ulit at magtatawanan.

Tapos hinubad natin yung mga tsinelas natin at sa may tubig tayo dumaan. Habang bitbit ang tsinelas natin at nagkwekwentuhan tayo habang dahan dahang naglalakad. Very romantic nun!

Mag uusap, mag aasaran at maghahabulan ulit! Mahal ang sweet nun.

Tapos nag iinarte akong masakit na yung paa ko kaya nag offer ka na buhatin ako. Syempre tumanggi ako. Binitbit mo nalang yung tsinelas ko.

Hanggang narating na natin ang dulong bahagi. May mga cottages doon at nag ambagan tayong lahat at nirentahan ang isang cottage. Kumain tayo!
Pagkatapos kayong mga lalaki ay naligo at kaming mga babae ay nanatili lang sa cottage habang pinagmamasdan kayo.

Iyon ang dahilan kung bakit ko nagustuhan ang dagat. Nakakamiss yung mga panahon na iyon. Dahil doon Mahal ay hindi na tayo nahihiyang ipakita sa lahat kung anong nararamdaman natin sa isa’t isa.”

*Beeeep beeeep! Natigil lang si Sarah sa kanyang pagmumuni muni noong malapit na silang makarating sa kanilang bahay. Kanina pa pala nila nilagpasan yung tabing dagat. Niligpit na nya ang pinagkainan nya ng sitsirya at sinara na ang bintana ng sasakyan.

Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na sila sa kanilang bahay. Sinalubong agad sila ng kanilang pamilya at kinuha ang kanilang mga pinamili.

Pagkatapos noon, kumain na sila ng hapunan. Pagkatapos ni Sarah kumain, tiningnan niya muna ang mga bisita sa labas at pumasok sa kanyang kwarto upang magpahinga. Dahil sa pagod, ay nakatulog siya agad.

Kinaumagahan, nagligpit sya ulit ng mga kalat sa labas matapos mag almusal at mag ayos sa sarili. Tumulong din siya sa kusina. Naghihiwa ng mga sibuyas at ibang gulay.

Tumutulong si Sarah sa pagluluto sa kanilang pagkain para gabi.

Buong maghapon si Sarah sa kusina. Noong tapos na ang paghahanda at pagluluto, lumabas na sya.

Pumunta siya sa kanyang kwarto at nagpahinga. Pasado ala 7:00pm na nang siya at magising dahil sa ingay sa labas. Oras na ng hapunan.

Naghanda na ang kanyang pamilya para sa hapunan. Kumuha si Sarah ng pagkain, inilapag sa lamesa at kumain na.

Seven NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon