UNTOLD STORY SERIES PRESENT;
LOVE ALARM
(Ang babaeng patay gutom. Chos!)
written by; nicaaariTahimik akong nakamasid sa labas ng sasakyan makulimlim ang mga ulap na tila nagbabadya na ng pagulan ang mga matatayog na puno na madadaanan mo ay tila nagsasayaw kasabay ng paghampas ng mga hangin sobrang tahimik ang maririnig mo lamang ay ang makina ng sasakyan at ang hangin
Naiintindihan mo ba apo?
Tumango na lamang ako kahit sa totoo lang wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nya. Papunta kami ngayon ni Lolo percing sa pinagmamalaki nyang farm ang 'Montenegro Farm' kung ituring nya ito ay isang paraiso sinama nya ako dahil gusto nya daw ako ipakilala sa mga trabahador doon bago man lang daw kami bumalik ng manila. Mabait si Lolo hindi lang sakin kung hindi sa lahat malalapitan mo sya sa lahat ng oras mayaman ka man o mahirap.
Apo baka gusto mo ng bumaba?
Napakamot na lamang ako sa aking ulo hindi dahil sa may kuto ako ah? kadiri. Kung hindi sa lalim ng iniisip ko hindi ko man lang naisip na andito na kami napasimangot na lamang ako sobrang pagkainis hindi pa man ako tumatagal ng limang minuto dito naiinip na ako. Tiningnan ko ang buong paligid saan kaya pwedeng makatulog dito? Pasimple akong umalis tutal busy naman si lolo sa pakikipagusap sa matandang tagapamahala. Nakarating ako sa isang malaking puno malilim dito at may upuan din masarap ang simoy ng hangin nakakarelax tahimik--
Bakit ka nakapikit?
Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko ng may siraulong nagsalita mabilis kong minulat ang aking mga mata sa sobra gulat ko nanlaki ang mata ko ikaw ba naman pagmulat ng mata mo muka agad ng babae makikita mo tsk
L-Lumayo ka nga bahagyang tulak ko sa muka nya sino ba to feeling close.
Arte mo naman kuya nagtatanong lang alam mo muka kang tanga kasi kanina inirapan nya ako at ngumiti muli.
May saltik ba ang babaeng to? tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa muka syang takas mental sa suot nya alam nyo yung gown sa hospital? ganun ang suot nya tapos nakaapak pa sya walang sapin ang mga paa nya hindi naman magulo ang buhok nya basta.
Tumakas kaba sa mental? bat ganyan suot mo? tanong ko.
Takas mental? Ano yon? tanong nya na tila litong lito at hindi alam kung ano ba talaga.
Seryoso ka mis? Teka bat ba kita kinakausap hindi naman kita kilala nakasimangot kong tanong sakanya.
Ako din hindi din kita kilala nakangiti nyang sabi
I don't care bored ko syang tiningnan.
Wag kang magsalita ng ganyan kuya hindi kita maintindihan. Nakanguso nyang sabi
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya hindi ba sya makaintindi ng ingles? siguro anak sya sa isang trabahador dito.
Saang planeta kaba galing? parang tangang tanong ko sakanya.
Kung kanina nakangiti sya at yung mga mata nya ay kumikinang ngayon naman biglang nawala ang mga ngiti nya at mga mata nya ay ang lungkot madaming katanungan pero hindi malaman kung saan maguumpisa.

YOU ARE READING
LOVE ALARM
Fantasia(UNTOLD STORY SERIES #1) Anong gagawin mo kung isang umaga magising ka na lang nasa isang malawak na palayan ka? yung tipong nagiisa, walang nakakakilala sayo kahit mismo sarili mo hindi mo makilala. Anong gagawin mo? His side: Ayoko sakanya nakaka...