I knew you were TROUBLE

2.7K 53 6
                                    

CHARACTERS: (i'll borrow their real names :D)

DAWN 

RICHARD

*****

"ONCE UPON A TIME... A FEW MISTAKES AGO...."

*Dawn's POV* 


"Sinabihan na nila ako... Binalaan na nila ako, Alam ko na naman, Kilala sya bilang ganun, At nangako ako sa sarili ko na hindi ako mahuhulog sakanya. Hindi pwede... Hindi maaari... Pero di ko malaman kung bakit ang sinasabi nilang layuan ko... Mukhang katiwa-tiwala ang mukha? Mukhang hindi ka lolokohin? Mukhang Mamahalin ka ng Lubusan? At kahit na anong iwas ko sakanya.... Parang may sariling pwersang inilalapit ako sakanya.... Bakit? Bakit? At paano nga ba ako napalapit sakanya sa kabila ng pag-iwas ko sakanya..... Eto ang simula ng Lahat...."

--- 

Tahimik na naglalakad si Dawn, sa kahabaan ng Campus nila ng biglang may humila sakanya.

"Aray!" Daing nya. 

Si Alexa pala iyon, Bestfriend nya. 

"Nabalitaan mo na?!" Tanong ni Alexa sakanya.

"Ang alin??" Nagtataka namang balik tanong ni Dawn. 

"Umalis na daw si Shawie dito sa University na'tin." - Sagot naman ni Alexa. 

Nanlaki ang mata ni Dawn sa nalamang balita mula kay Alexa. "Teka.... Bakit?? Eh, 'diba ano... Campus sweetheart sya dito tapos Cheerleader pa sya.. Atsaka 'diba, sila ni Richard?" 

Sikat na Couple sa university nila sina Richard at Shawie, Perfect couple pa nga ang tawag sakanila. Team Captain kasi si Richard sa Basketball Team nila, samantalang Cheerleader naman si Shawie. Kahit na ang dami ng Ex ni Richard sa University nila, ay nagawa pa ring sagutin ni Shawie si Richard. Dahil ano pa naman ang hahanapin mo kay Richard? Matangkad, Gwapo, Matalino, Mayaman, TeamCaptain sa Basketball team, President pa sa isang organization sa University nila... Ayun nga lang babaero. 

"Yun na nga.... Nag-break nga sila ni Richard. Ang Bulung-bulungan dito sa Campus, Masyadong dinibdib ni Shawie ang Break-up nila. Na-depressed kumbaga. Ayun, Nag-Drop-out dito sa University na'tin at Sumunod sa Mama nya sa America. " Mahabang paliwanag ni Alexa. 

Napataas ang kilay ni Dawn. "Eh, bakit daw nakipag-break si Richard?" 

"Nakahanap na ng iba. Nagsasawa na daw kasi sya. Kasi masyadong "Clingy" itong si Shawie." Sagot naman agad ni Alexa habang napapailing.

"Ibang klase talaga yang Richard na yan ano? Iniisa-isa ata ang mga estudyante dito sa University na'tin. Lahat yata ng Dates sa Kalendaryo Naging monthsary nya na eh!" Galit na sabi ni Dawn. "Ang kapal ng mukha. Akala mo kung sinong biyaya ng Diyos kung makapag-palit ng babae. "

Lumingon si Alexa sakanya. "Kaya ikaw wag kang papaloko dun ah!" 

Nagtaka naman si Dawn. "Anong ako?! Bukod sa hindi ako mapapansin nun, bakit naman ako papatol dun? Ayokong mapasama sa mga babaeng umiiyak sakanya 'no! Ibahin nya ko!" Sabi nya kay Alexa. "Halika na Alexa, Mala-Late na tayo. " 

At binilisan na nila ang Lakad.

Hindi alam nung dalawa na nasa Gilid lang nila si Richard at narinig ang mga pinagsasasabi ni Dawn. "we'll see about that Dawn..." 

CharDawn One-shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon