I am the diamond you left in the dust.
I am the future you lost in the past.Ilang beses ko nang sinilip ang relo ko, Late na ko– hindi sa trabaho, kung hindi sa date naming dalawa.
Ordinaryong araw lang naman 'to para samin, Hindi namin Anniversary, Monthsary o Valentines. Basta't bigla nya kong tinawagan.. Magkikita raw kami. Nakaka-excite, oo, kahit mag-a-apat na taon na kami, na-e-excite pa rin ako sa kanya pag nagkikita kami.
Agad akong nag-park sa harap ng coffee shop na madalas naming pagkitaan. Pagkatapos ay bumaba agad ako.
Pagkapasok ko, agad hinanap ng mga mata ko ang pamilyar nyang mukha.
Nakita ko sya, sa may dulong lamesa nakatingin sa bintana, parang ang layo ng tingin at malalim ang iniisip. Agad akong pumunta kung saan sya naroon.
Seems like I never compared
Wouldn't notice if I disappeared.Nakalapit na ko't lahat-lahat sa lamesa nya pero hindi nya pa rin ako napapansin. Malalim talaga ang iniisip nya.
"Sorry for waiting.." sabi ko para maagaw ko naman atensyon nya sa kung anong gumugulo sa utak nya.
Nagulat sya, at napatayo agad.
"Wala yun.." Sabi nya sakin at ngumiti.Ngiting hindi ko tipikal na nakikita, Ngiting hindi umaabot sa mata, Ngiting wala talaga akong nararamdaman kasiyahan.
Pero isinantabi ko ang napuna kong yun at yumakap sa kanya.
You stole the love I saved for myself.
I watched you give it to somebody else.
But these scars no longer I hide.
I found the light you shut inside.
Couldn't love me if you tried.Pero para akong yumakap sa isang estatwa, hindi nya ginantihan ang yakap ko. Basta't nakatayo lang sya.
Kumalas ako ng yakap at agad syang tinignan. "May problema ba tayo, Richard?" Tanong ko agad.
Bumuntong hininga sya. "Maupo muna tayo.."
Umupo naman kami– magkatabi kami. Nakatingin lang ako sa kanya, nag-aabang nang sasabihin nya.
Habang tinitignan ko sya, nakikita ko na sa kislap palang ng mga mata nya.. Ang lungkot, pagsisisi, guilt, at kapatawaran?
Ayokong isipin kung saan pupunta ang usapang ito, hindi maganda ang patutunguhan nito.
Ngunit hinintay ko pa rin sya magsalita, nakita kong humugot muna sya ng isang malalim na hininga bago nya sinalubong ang tingin ko..
"Dawn.." tawag nya sa pangalan ko.
"Richard?"
"This is never gonna work out the way it was before.." Marahang sabi nya sakin.
Does it burn?
Knowing I used all the pain.
Does it hurt?
Knowing you're fuel to my flame.Kahit alam ko ang ibig nyang sabihin ay hindi pa rin ma-proseso ng utak ko ang mga ito.
"A-ano?" Halos pautal kong tanong.
"Hindi na katulad ng dati.." sagot naman nya.
"Anong hindi na katulad ng dati? Richard, diretsuhin mo ko. Ano ba 'to?" Pinipilit kong huwag munang mabasag ang tinig ko. Ayokong makaagaw ng atensyon ng ibang tao dito sa coffee shop.
"I'm... breaking up with you.." sabi nya sakin at yumuko sya.
Doon na pumatak ang luha. "Why?? Hindi ka na masaya sakin? May mas higit na ba sakin?" At tuluyan na ring nabasag ang tinig ko.