"I used to think one day we'd tell the story of us"
--
"Ano gals? Library tayo? Para matapos na yung research na'tin?" Sabi ni Cherie kaibigan at kaklase ni Marie Rachel o Mara kung tawagin ng mga kaibigan nya.
"Bakit sa library pa?" Medyo alanganing tanong ni Mara sa kaibigan nya.
"San mo gusto?" Tanong ni Jean. Kaibigan nya rin.
"Kahit saan. Wag lang dun." Sagot ni Mara.
"If I know ayaw mo lang makita si.... Chard." Nakataas ang kilay na sabi naman ni Ayie. Isa pa nyang kaibigan.
Nag-init ang pisngi nya nang marinig ang pangalan ng Ex-boyfriend nya.
"Bakit? Nandoon ba sa Library yon?" Tanong ni Cherie.
"Oo, sure yun. Eh, laging nasa library yon eh. Running for Cumlaude ba naman." Sagot ni Ayie, sabay humarap kay Mara. "Seriously, di mo habambuhay maiiwasan si Chard. Move on na 'teh."
"Naka-move on nanaman ako..." Medyo mahina pa ang boses nya sa pagsabi no'n.
"Oh yun pala e! Tara na!" Sabi ni Jean at hinaltak na si Mara.
Sumunod naman sina Ayie at Cherie.
***
*Pagpasok nila sa Library, wala silang nakitang Chard doon.*
"Oh wala s'ya." bulong ni Ayie kay Mara.
Nakahinga naman ng maluwag si Mara ng makitang wala nga si Chard sa loob ng Library.
Umupo silang magkakaibigan sa isang mahabang lamesa mayapos makuha ang librong kailangan nila.
Ngunit wala pang Limang minuto silang nakaupo doon ay may dumaan na pamilyar sa lamesa nila.
**
"I used to know my place was a spot next to you. Now, i'm searching the room for an empty seat.."
--
Nag-angat ng ulo si Mara, at doon nya nalaman na si Chard ang dumaan na lalaki.
Bumilis ang tibok ng puso nya. Kaya't mabilis na tinakpan nya ang mukha nya gamit ang librong hawak.
Napansin naman iyon ng mga kaibigan nya at sinundan ng tingin ang tinititigan ni Mara.
"Hoy. Wag kang obvious dyan." Naiiling na sabi ni Jean.