Love "on-air"

562 28 11
                                    

A/N: hiyaaaah! May naisip akong biglang plot ng one-shot ng chardawn. bawas pagkamiss sa kanila 👍🏼

Hope you enjoy 💕

Plot: Dawn is a School nerd, Mass Communication student. Ano ba ang Cliché na description pag Nerd? Bookworm, Binubully, Pinagtitripan etc. at number 1 bully nya si Richard. Pero ang di nya alam na ang favorite DJ (ng radyo sa university nila) at si Dawn ay iisa.
****
Yakap yakap ng mahigpit ni Dawn ang mga libro nya sa dibdib niya, kabado nanaman sya. Parang araw-araw naman sya kabado. Dahil mabubully na naman sya ng pambansang bully ng School-- si Richard.

Huminga sya ng malalim. At dahan-dahang lumakad, habang nakayuko ang ulo nya.

Di pa sya lubos na nakakalapit sa locker nya nang may isang kamay na pumatong sa balikat nya.

Oh God, No. sabi nya sa isip. Dahil mukhang alam nya na kung sino yun.

"Dawn?"

Ngunit agad naman syang nakahinga ng maluwag nang makilala ang boses ng tumawag sa kanya.

Lumingon naman sya at nakita ang kaisa-isang kaibigan nya sa University nila. Si Lea.

Kabaligtaran ni Dawn si Lea, dahil si Lea hindi pumapayag na mabully ng kung sino man. Maldita ito, kaya walang nangangahas na awayin si Lea. Sa kabila ng kabaligtaran sa ugali, naging matalik na kaibigan pa rin nya si Dawn.

"Kinabahan ako sayo.." Sabi agad ni Dawn.

She rolled her eyes. "Oh, bakit? Ginugulo ka na naman ba ni Richard?"

Inayos nya ang salamin nya na nahuhulog sa ilong nya. "H-hindi.."

"Buti naman."

"Bakit nga pala?" Tanong naman ni Dawn.

"Tatanong ko kung sasabay ka ba sakin umuwi mamaya?" Tanong naman ni Lea.

"Duty ko sa radio booth ngayon 'diba?" Halos pabulong na sabi ni Dawn kay Lea, dahil walang nakakaalam na sya ang Misteryosang DJ ng university nila. Tanging si Lea lang ang nakakaalam.

Tumango si Lea. "Fine. Wala na naman akong kasabay."

Ngumiti si Dawn. "Diba kasabay mo naman si Aga lagi?"

Namula naman agad ang mukha ni Lea nang marinig ang pangalan ng binata. "Manahimik ka nga." Sabay linga sa paligid. "Baka mamaya may makarinig sayo, tapos iparating kay Aga. Edi, lalong lumakas ang loob nun at isipin madali lang nya ko mapapasagot."

Humagikgik naman si Dawn. "Bakit hindi ba?"

"Hindi 'no!" Agad naman na sagot ni Lea. "Bilisan mo na nga, baka mahuli pa tayo sa First class natin." Pag-iiba naman agad nya.

Nakangiti pa rin si Dawn. "Okaaaay."

•••

Nakatambay naman si Richard sa likod ng school nila, kasama ang ibang tropa nya.

"Ano? Papasok kayo sa first class?" Tanong ni Rowel.

"Papasok ako, pero mamaya na. Boring e." Sagot naman ni Richard.

Umayos naman ng tayo si Aga. "Basta ako papasok na. Gusto ko nang makita si Lea." Nakangising sabi pa nito.

Umiling si Richard. "Iba ka rin e 'no? Talagang malakas ang tama mo kay Lea."

Nagkibit-balikat naman si Aga at tinalikuran na sila.

"Sabihin mo kay Lea, tigilan na ang pagdikit-dikit kay Dawn the nerd. Sayang ganda nya, kung pinagtyatyagaan nya si Dawn." Sabi naman ni Richard sabay tawa.

CharDawn One-shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon