What If

1.6K 52 11
                                    

MDZ as Dawn Zulueta

PRG as Richard Gomez

**

REMEMBER: Ito kathang-isip lang at gawa lamang ng malikot kong imahinasyon, gusto ko lang ibahagi sa inyo :) FANFIC ha!

***

Busy si Richard sa pagkukuha ng Pictures sa Wedding reception nina Dingdong at Marian sa MOA Arena. Invited sila ng asawa nya doon..

At nang ma-satisfied na sya sa mga nakuha nyang picture tsaka lang sya umupo katabi ng asawa nya.

"Nakailang-pictures ka na?" Tanong nang asawa nya sakanya.

"Hmm.. Just enough to make an album" sagot nya sabay tawa.

tumawa din ang asawa nya.

Maya-maya pa ay wala ng kausap si Richard, kasi nakikipag-usap na sa mga kaibigan ang asawa nya na nagkataong invited din sa kasal na yun. 

Kaya sya? Ayun at panay nanaman ang Scroll sa iphone nya. Hanggang sa mahintuan nya ang pangalan ni Dawn sa Phonebook nya, 

"Na-greet ko ba sya nung pasko??" Tanong nya sa isip.

Tumingin sya sa asawa nya bago napagdesisyunan na na i-text si Dawn.

"Hey Dawn..." text nya kay Dawn,

matapos lang ang ilang minuto, ayun at tumunog na ang phone nya.

Binasa nya agad ang text, 

From: Dawn z.

"Why Goms?"  

Napangiti sya. Simpleng reply, pero napapangiti sya. 

"Nabati ba kita ng" Merry Christmas" nung Pasko?" - Yun ang reply nya.

Nagtagal ang ilang sandali, wala pa ring reply si Dawn. Panay ang tingin nya sa iPhone nya, pero wala pa rin. Kaya tumayo sya at nagpaalam sa asawa nya na lalabas lang saglit, 

Pumayag naman ito at binalik ang pakikipag-usap sa mga kaibigan nya.

**

Nang tuluyang makalabas si Richard ay tsaka nya Dinial ang number ni Dawn.

Mga apat na riing bago ito sinagot ni Dawn.

Di muna nag salita si Richard, inintay nyang sumagot si Dawn.

"Goms?" Tawag ni Dawn sa other line,

Nagtaka naman si Richard ng marinig na paos ang boses ni Dawn, "What's wrong??"

"S-sorry... Medyo.. Malungkot lang ako." - Dawn

"Why? Anong nangyari?" di na maitatagong may Concern sa boses ni Richard.

Tapos kinuwento ni Dawn ang pangyayari tungkol sa Personal Security...

"Ohh... Sorry to hear that..." Sabi ni Richard matapos magkwento ni Dawn. 

"Yeah... Ganun talaga kabilis ang buhay eh.. Kaya dapat lang na pahalagahan natin ang mga Mahal na;tin sa buhay, habang nandyan pa sila.. Kasi si na'tin alam kung kailan sila kukunin sa atin..." Sagot ni Dawn. "Wait, nasaan ka? Bakit parang ang ingay dyan?"

"Ah, yeah. Nasa reception ako ng Wedding nila Dingdong at Marian." - Richard.

"Oh, andyan ka pala eh. Bakit tumawag ka sa'kin?" Nagtatakang tanong ni Dawn sa kabilang linya.

"To.... To Greet you a Belated Merry christmas!" - Richard.

He heard her laugh. "Same to you... Oh, nabati mo na ko, Sige na, mag-enjoy ka dyan."- Dawn

CharDawn One-shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon