Alam mo ba yung pakiramdam na akala mo hinintay ka niya, 'yun pala... HINDI NA?
'Flashback'
"Ano?! Sa U.S???" Gulat na tanong ni Rachel kay Frank.
"Shhh.." At hinawakan sa kamay si Rachel. "Yes. Si Mommy ang magpapaaral sa'kin dun."
"Frank naman... Bakit di mo na lang i-request... Na dito na lang sa Pilipinas. Please... 'Wag ka namang lumayo." Pagmamakaawa naman ni Rachel.
"Chel, ayokong malayo sa'yo... Pero naisip kong mas mabibigyan kita ng magandang Future pag nakapagtapos ako sa U.S" Sagot naman ni Frank.
"Alam ko pero---"
"Tutuparin na'tin ang pagpapakasal... Pagbalik ko. Pag nakatapos na tayo. Pakakasalan kita.." At may kinuhang singsing na silver sa bulsa. "Payag ka 'diba?"
Nagulat sa biglaang tanong ni Frank pero tumango pa rin sya. "O-oo Frank.."
Ngumiti si Frank at sinuot sa daliri ni Rachel ang singsing. "Babalik ako.. Hihintayin mo 'ko 'diba?"
"Hihintayin kita.... Pero mangako kang.... Di ka magtatagal... Bawal ang Late." At ngumiti si Rachel.
"Oo. Nasa tamang oras ako.." Sagot ni Frank.
••
"After sometimes, I fin'lly made up my mind... She is the Girl and I really want to make her Mine..."
🎶🎶••
Makalipas ang Walong taon ay sa wakas nakauwi na sa Pilipinas si Frank.
"Panahon na, Rachel.. Tutuparin ko na ang pangako ko." Masayang sabi ni Frank sa sarili.
--
Ngunit laking dismaya ni Frank nang malamang hindi na ang dating na alam niyang tinitirhan nila Rachel sila nakatira.
"Saan na ho sila nalipat?" Tanong ni Frank sa bagong may-ari ng bahay.
"Walang sinabi e. Pero sa mga malalapit na kaibigan nila. Bakit hindi mo subukang magtanong-tanong.
Sinubukan tawagan ni Frank ang numerong ginamit ni Rachel, ngunit nakapatay iyon o kaya nagpalit na ito ng numero.
Aaminin niya, natigil ang komunikasyon nila ni Rachel nung nasa Amerika sya. Sapagkat pareho na sila naging abala sa pag-aaral nila.
***
"I've searching everywhere, to find her again.. To tell her I love her and I'm sorry for the things I've done.."
***
Hindi tumigil si Frank sa paghahanap sa mga posibleng lugar kung saan nakatira o maaaring naroon si Rachel.Hindi sya susuko, maninindigan sya sa pangakong binitiwan nya para sa babaeng minamahal.
Nagpunta na rin sya sa Maynila, dahil sa probinsya sila nakatira noon. At pangarap lang nila ni Rachel ang makarating sa Maynila,Baka tinupad na nya ang pangarap nya. Ang makarating sa Maynila. Sabi nya sa isip.
Ngunit sa laki ng Maynila, hindi nya alam kung saan sya magsisimula. Para sa ganung sitwasyon mahirap maghanap ng isang taong hindi mo alam kung saan naroon. Kahit man lang palatandaan kung nasaan siya ay wala syang alam.
Ilang araw pa ang lumipas, hindi sya tumigil..... Umaasa sya... Umaasa sya na hinihintay din sya ni Rachel.
Lahat na yata ng Unibersidad na maaaring pinasukan ni Rachel ay pinagtanungan nya na. Ngunit bigo syang makakuha ng Impormasyon.
***
"I found her standing in front of the Church, The only place in town where I didn't search.. She looks so happy in her Wedding dress but she's crying while she's saying this.."***
9:25 amHuminto sya sa Simbahan upang magdasal. Para mahanap nya na si Rachel.
Lumuhod sya at mataimtim na nagdasal.Pakiusap, Lord.. Makita ko na sana sya... Dasal nya sa isip habang nakapikit ang kanyang mga mata.
Nang imulat nya na iyon upang tumingin sa Altar. Nakita nya ang isang babaeng nakaharap din sa Altar... Mag-isa sya, Nakasuot nang Mahabang puting traje de boda. Napakaganda nang pagkakatahi nito.
Napatingin sya sa paligid, halatang kakatapos lamang ng seremonya ng Kasal, ngunit bakit narito pa ang babae sa Altar?
"Excuse me?" Sabi nya upang makuha ang atensyon ng babaeng nakapang-kasal.
Lumingon ito sa kanya.
Ganun na lamang ang bilis ng tibok ng puso nya, Pakiramdam nya ay nanigas ang buong katawan nya.
Katahimikan ang bumaha sa pagitan nilang dalawa."F-Frank?"
Oo, tama sya. Sya nga. Ang babaeng hinahanap nya nang ilang araw na. Ang babaeng pinangakuan nya. Ang babaeng dahilan kung bakit muling narito sya. Ang Babaeng pakakasalan nya ay....
Humangos ng ito papunta sa kanya at niyakap sya.."Frank, I'm married..."
... ay kasal na sa iba.
Hindi sya agad nakapagsalita, tila tuloy nakayakap si Rachel sa isang estatwa. Di nya alam, pano ba sya mag-re-react? Anong sasabihin nya?
Congratulations? I'm happy for you?
Wala... Walang lumabas sa kanyang labi nang kahit anong kataga. Ngunit sapat na ang simpleng pagpatak ng luha nya upang malamang hindi nya gusto ang narinig at nasasaktan sya.
"I've waited for you... Believe me, I did... But its been 8 years, Frank... 8 years of waiting until the last minute before I get married.." Sabi pa ni Rachel, umiiyak habang nakayakap pa rin kay Frank.
"W-why? I searched for you for how many days... Because I don't have any idea where you are. And I just stop by here to pray... But see? I have my answered prayer already. In a most painful moment." Sabi ni Frank at iniharap sa kanya si Rachel.
" 'diba sabi ko wag kang mala-late? Sabi mo nasa tamang oras ka..."
Napayuko si Frank. "I tried.."
She hold his chin to meet her gaze. "I missed your kisses.. All this time but this is 25 minutes too late. Though you've travelled so far, I'm sorry you're a 25 minutes too late."
He sighs. "Rachel..."
"I am married 25 minutes ago, baby.. But until the last minute... I tried waiting..." And then she kissed his cheek.
"Rachel?"
Pareho silang napatingin sa bagong dating na babae. "Tara na sa reception. Hinihintay ka na ni Anthony dun."
Tumango si Rachel at binalik ang tingin kay Frank. "I'm sorry..." At kinuha nya ang kamay sabay may inilagay sa palad nya. At patakbo syang umalis.
Mga ilang minuto na nakaalis si Rachel ngunit nandoon pa rin si Frank, tsaka lang nya tinignan ang nilagay ni Rachel sa palad nya..
Ang silver na singsing na natatandaang naging tanda nang pangako nya. Ngunit nawala na ang bisa no'n dahil nahuli sya....
"I am married 25 minutes ago, baby... But until the last minute.. I tried waiting.."
Nang Dalawampu't limang minuto. Sa loob ng maikling oras na iyon. Malaki ang mababago sa buhay nya....