Kabanata 3 (My Hero)

19 8 3
                                    

Ayayay. Ang galing kong butterfly.....

Ayayay. Ang galing kong butterfly.....

Dali-daling  bumalikwas ng bangon si Carlo, dahil sa ingay ng kanyang cheap alarm clock. Cheap ito dahil napulot niya lang sa basurahan. Besides, gumagana pa naman kaya inuwi niya sa bahay at tsaka, nagustuhan niya kasi yung tunog. It sounds good kaya.Right?? Wag kanang umangal. Wala ka-kasing alarm clock!

Medyo tanghali na siyang nagising dahil sa nangyari ka gabi. Alas- kuwatro na siyang nakatulog dahil nag muni-muni pa siya at nag babantay kung sakaling bumalik ang kanyang kuya , baka may gawin sa kanyang  ate. Hindi niya gustong may manyaring masama sa kanyang ate dahil siya nalang ang kaisa- isang  kapatid  na minahal at tanggap siya. She's also his knight and shining armor. Sa tuwing inaaway siya  ng bakulaw, palaging nandiyan ang kanyang ate para protektahan siya.

Carlottas' POV

Matapang kasi siya di kagaya ko duwag. Lumaban naman ako. Sa school nga lang, pero ditech? Di goora ang guts ko. Takot ako medyo kay bakulaw eh. Atleast, pretty!! Charoot.Kaya , ayokong mawala siya. Hindi ako mabubuhay kong wala siya.

Tiningnan ko muna   saglit ang orasan.“OMG! Patay malalate na ako."Nagulat ako dahil alas- nuwebe na pala. “Ate Emily." I called. Dali-dali akong tumalon sa aking kama. Muntik pa akong madapa, dahil gumiwang ang higaan. Natanggal ata ang brace nito. I cursed. Dahil walang response kay ate. Dumeritso na ako sa cr namin, hindi dahil don ako maliligo kundi kukuha lang ng tubig para pang ligo. Remember, may ondin kaya ?Kumuha rin ako ng shampoo at sabon.

Pagkatapos kung mag igib ng tubig. Dire-diretso na akong pumunta sa  aking personal cr.

Hay naku. Ang tataas na pala ng mga damo dito. Buti nalang dinala ko ang itak namin." Dinala ko yung itak dahil ito yung gagamitin kong pantaga kung sakaling may mamboso sa aking hot body. Wag kanang umangal. Hindi ka kasi hot!

I silently take a bath in the forest. Hindi ako nag ingay. Kasi baka ma billboard pa ako. At, ma balitaang:Isang hot na bakla, naliligo sa kakahuyan. Basa!" Alangan namang tuyo? Naliligo nga diba. Hmmp.

Pagkatapos kung maligo. Dali-dali na akong bumalik sa bahay para makapagbihis at makakain. Iniwan ko lang don ang balde, shampoo at sabon ko. Wala namang kukuha non. Subukan lang nila, makakatikim sila ng bagsik ng isang mondragon. Wehh??Late na ako nito. Patay.

“Ate? Ate Emily??" I called again. Nasan naba yon. Dahil wala paring response kay ate. Tinungo ko nalang ang kusina para kumain.  May nakahain at may isang sulat akong nakita.

“Wow! Sarap naman nito. Bait talaga ng ate ko." Kumain na ako ng diretso.  Kumuha ako ng 5 hotdogs, 3 sunny side up eggs, at 10 lumpiang shanghai. Sarap. Dahil nasarapan ako. Inubos ko nalang lahat. Para naman talaga to sa akin.Hindi ko muna binasa ang sulat. Ano kaya ito? Pagkatapos kung kumain. Hinugasan ko na ang mga plato at pinatuyo. Saka ko binasa ang sulat na iniwan ni ate sa lamesa.

Dear Pretty Carlotta,

Good morning. Hindi na kita ginising dahil alam kong matagal kang nakatulog ka gabi dahil sa nangyari. Hindi na ako nag paalam sayo kasi nga tulog ka pa. Pinag luto ko na kayo ng kuya mo. Hati-hati kayo sa mga ulam huh? Wag matakaw?? 5hotdogs ang niluto ko. 3 sa kuya mo at dalawa sayo. 4 na sunny eggs. Tig da-dalawa kayo. 10 lumpia, tig lima kayo.

He's Into Girl  ( Baklang Hampaslupa Series 1)Where stories live. Discover now