A/n: Hindi ito kagaya mo na ghinosting ng jowala.😂✌
Carlotta the baklang OA POV
Ito na ba iyon? Binasa ko ang name tag malapit sa pintuan. TLE Room. Ito nga. Binuksan ko kaagad at ng matapos na ito. Nagulat ako dahil hindi man lang lock? Eh, nanghiram panga ako ng susi sa TLE coordinator. Bakit kaya bukas ito?Ah. Baka may nag klase dito kanina. Pero, diba hindi pa ito ginagamit? Kasi bagong pintura palang?
Tumingin- tingin ako sa paligid ng room. Nangangamoy pintura.
Bogshhhh!!
Ano yon? Nagulat ako dahil may kung anong kumalabog sa gilid. May multo kaya ditech? Kahit na tanghali, madilim dito kasi may maraming puno . Malaki kasi itong TLE room. May apat na CR. At, may mga rooms pa para sa mga utensils at iba pa.
Aray! Tulong. Tulungan niyo po ako dito!
Teka sino yun? Parang familiar yong boses na yon? May tao kaya dito?
“Tao po? May tao ba diyan?" Nanginginig ako dahil sa takot. Tumindig pa balahibo ko sa batok. Pati narin ata sa may bhelatan ko. Charot!
Parang may tumitingin kasi sa'kin eh.Tik!!! Patay. Ang dilim. Nooooooo!! Sinong nag off ng mga ilaw?? Dali-dali kong kinuha ang Nokia 11 pro max ko. Buti nalang dala ko'to. Ini- on ko.Wuttt?? Low battery na? Bakit ngayon pa! Grrrrr!!!
Bigla kong naaalala yung mga sinasabi ng classmates ko na marami raw mga namatay dito. At, nag mumulto. Naku! W-wag sana nila akong multohin. Tanghali pa kaya. Bakit pa kasi ang laki nitong room na ito. Ni hindi pa man lang ginamit nga eh.
Awwoooooo! Pssst! Psssssssst!
Napatalon ako. Noooooo. No.No!!! Wag ako please. Huhuhuhu. Maaga palang nag mumulto na yung mga multo dito?
“Sino yan? Uy wag aketch please. Babae lang po ako. Nasasaktan din. " HuHuHuHu. Nakakatakot na talaga. Bakit ba biglang lumamig dito?
Pssst! May sumitsit sa likod ko. Pag lingon ko parang may tao. Nilapitan ko. Wala naman pero may naamoy akong familiar scent. Sa oras lang na makita kita, tatadyakan ko yang bayag mo!
Hahakbang sana ako papuntang switch pra i - on ang mga ilaw. Nay may naaninag akong naka kulay white gown na babae sa harapan ko. Unti-unti siyang lumapit sa akin. No!!! Wag po! May mga pangarap pa po aketch. Mag a-artista pa po ako. Ma ghadddddd! Help.
“No.No.No. S-si-sino ka? Wa-wa-wag kang lumapit. D-di-iyan ka lang!" Nauutal kong sabi.Tulong po. Mamatay ako nito sa takot! Where's my hero now!? I need you now.
“Magpakalalaki ka nga!" ani ng epaloks kong isip.“ Tumahimik ka nga. Babae siya uy."segunda naman ng supportive kong isip.Lumapit talaga siya sa'kin. Nooooo! Pumikit nalang ako, Baka sakaling nanaginip lang ako ng gising. Pag dilat ko. Bigla nalang nawala. Pero, hindi parin nawala ang takot ko. Parang may multo naman sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon. At nagulat ako...
“Ahhhhhhhhhhhhh!!! Umalingaw-ngaw sa loob ang napiit na palaka kong pag sigaw. At, dahil sa takot. Nawalan ng ulirat ang aking mga mata. Nahimatay ako. May narinig din akong mga boses. Pero bago pa ako tuluyang pumikit, biglang may nag bukas ng ilaw.
Brix The GGSS POV
Papunta na ako ngayon sa room ng TLE coordinator upang manghiram ng susi sa T.L.E room ng makita kong dali-daling lumabas ang baklang feeling pretty. Mukhang nanghiram ata ng susi at naunahan pa ako. Nagtago ako sa gilid ng water despenser malapit sa lobby upang hindi niya ako mapansin.
YOU ARE READING
He's Into Girl ( Baklang Hampaslupa Series 1)
RandomStorya ng baklang na fall ngunit hindi sinalo. Samahan sya sa kaniyang Journey to the forbidden love for him.