CHAPTER XXXII

22 1 0
                                    

Desiree's POV

Naging masaya yung mga sumunod na araw sa lugar nila Lucy. Naggala kame, si Lucy yung parang tour guide namen. 

Nakilala ko din yung pinagseselosan ni kuya Daven, yung manliligaw dati ni Lucy, si Carding. Ang tanda ng name pero infairness gwapo sya and andaming abs! Haha dapat ngang magselos si kuya.

Si kuya Denver naman medyo nagbehave na dun sa request nyang baby. Siguro maghihintay na nga talaga sya though halatang inggit talaga sya kina kuya Daven lalo na pag hinahaplos ni kuya Daven yung tyan ni Lucy.

Pumunta din kami sa parang gubat tapos nagnakaw kami ng mangga haha. Ayus lang naman daw sabi ni Lucy dahil sa probinsya daw pinamimigay lang yung mga bungang kahoy.

Hapon na nung pumunta kami sa bahay nila Lucy. Yung bahay nila yung kalahati bato tapos sawali kaya presko. Malinis din sa loob kaso maliit lang talaga kaya hindi kami makapagstay sa loob. Para kaming suman kung nagkataon.

Nasa may bakuran kami, nakaupo sa damuhan naglalaro lang kami ng lucky 9 tapos yung matatalo lalagyan ng uling sa mukha. 

Kung titignan ako ngayon malalaman mong ako lagi yung talo since wala ng mapaglagyan ng uling sa mukha ko. Andaya naman kasi nila!

"Wahahahahha! Mukha kang taong grasa Desiree!"

Sinamaan ko lang ng tingin si Kuya Denver.

Tinatawanan nila ko. Nakakainis pinagkakaisahan nila ko!

"Ang gagaling nyo kasi e! Ang gagaling nyong mandaya!"

Sobrang simangot na yung ginawa ko. Madaya naman kasi talaga sila! Ako lang kaya yung may uling sa mukha samantalang sila ni isang guhit wala pa.

>_____<

"Hoy hoy wala kang ibidensya!"

inisnob ko si kuya Daven. Humagikgik naman si Lucy kaya napatingin kaming lahat sa kanya. 

Nung napansin nyang nakatingin na kami sa kanya dun lang sya tumigil.

Lucy's POV

Yumuko ako agad nung mapansing nakatingin silang lahat sakin. 

Naku-cute-an lang naman ako kay Des e. 

"Mga bata magsipasok na kayo at baka mahamugan si Lucy! Bawal sa buntis ang mahamugan."

Nung marinig namin yung sigaw ni mama agad na kong inalalayang tumayo ni Daven pero nilingon ko muna si Des bago kami pumasok sa bahay. Ang cute nya!

After ng dinner namin pumunta muna kaming lahat sa baybayin para magrelax. Nilagyan ako ng towel ni Denver sa ulo habang nakayakap yung isang braso nya sa bewang ko. 

Bukas na yung uwi namen. Ngayon palang mamimiss ko na ulit tong lugar na to. 

"Kuya Daven gawa kayo ng bahay natin dito. Ang sarap mamuhay dito hindi polluted yung hangin."

napatingin ako kay Daven sakto namang nakatingin din pala sya sakin.

"Gusto mong dito nalang tayo magstay pag lumabas na si baby?"

Namula ako sa sinabi nya. Napatango nalang ako.

"Kuya pasok na ko sa loob aaralin ko pa yung kakantahin ko bukas."

Sinundan ko ng tingin si Des. Waah! Gusto kong kurutin yung pisngi nya. 

Siguro dala narin ng hormones, agad akong nagtatakbo palapit sa kanya saka nanggigigil na kinurot yung magkabilang pisngi nya.

"Ang ccuuuuutttteeee!!" tuwang tuwa ako sa pisngi nya ang lambot kasi tapos ang kinis pa.

"AnungginagawamoshatinLushimashatiiit..awwwtuyaheeelllpp!!"

"Hala! Love bitawan mo si Des!" 

Parang gusto ko namang maiyak nung sumigaw si Daven. Huhuhu sinigawan nya ko. 

T____T

"Kaya ayoko pang mabuntis e. Tsk tsk."

Lalo akong napaiyak sa sinabi ni Natalie. 

"Naku-cute-an lang naman ako kay Des so-sorry na... Wa-wag kayong magalit sakin..huk."

Lumapit naman sakin si Daven saka maharang pinisil yung magkabilang braso ko kaya napabitaw na ko sa pisngi ni Des. 

Kaso nung tignan ko si Des na medyo namula yung pisngi parang gusto kong kurutin ulet. 

Napansin siguro nyang nakatingin na naman ako sa pisngi nya kaya napaatras sya. Lalapit na sana ko nung niyakap na ko ni Daven mula sa likod.

"Love tinatakot mo si Des."

Napakagat nalang ako sa labi sa umiyak ng tahimik. Gusto ko talaga syang kurutin uli kaso alam ko naman na ayaw nya na. 

"Pasok na tayo gusto mo?"

"Si-sige love.."

Naglakad na kami ni Daven papuntang cottage. Pero hindi parin nakaligtas yung sinabi ni Denver.

"Haha pinaglilihian ka ni Lucy Des!"

---

trintrins

IKAW LANG PEKSMAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon