CHAPTER XXXIII

25 2 0
                                    

Desiree's POV

Hindi ko malaman kung pano ko pakakalmahin yung sarili ko. 

Kanina pa kong di mapakali sa backstage. Tapos na yung awarding of diplomas ang medals.

Kanina nung umakyat si Yuie sa stage nakasilip ako sa kortina papuntang backstage.

Alam ko napansin nya ko nung mapalingon sya sa pwesto ko. Ngumiti sya pero hindi ko maintindihan yung emosyon ng mga mata nya. 

One minute I see longing... Then pain, love, and yung pinakamatagal yung sadness.

Masakit din ba para sa kanya na naging ganito na kami. Namimiss nya din ba ko.. Mahal nya parin kaya ako.. Nalulungkot ba sya tulad ko kasi parang ikamamatay kung malayo sya sakin ng walang kasiguraduhan kung babalik pa ba sya. Yuie... 

Natigil ako sa pag iisip nung may humaplos sa pisngi ko. 

Si Pekto.

"Elique wag ka ng umiyak."

Napangiti nalang ako ng mapait. Buti pa si Pekto walang problema... Buti pa sya nakakangiti.. Nakakatawa...

"Pumunta na si Nat kay Denver. Ikaw na yung susunod na kakanta."

O______O

"Diba kayo muna bago ako?"

Napailing nalang si Pekto. 

"Kakatapos lang namin Elique... sige na pumunta ka na sa side tatawagin ka na ng emcee."

humakbang na ko papuntang stage nung marinig ko uli si Pekto.

"Goodluck Des."

tumakbo ako payakap kay Pekto saka umiyak.

Nararamdaman ko naman yung pagyakap nya din sakin saka paghaplos sa likod ko.

Gusto ko muna sanang manatili sa ganung posisyon at umiyak ng umiyak kaso narinig ko ng tinawag ng emcee yung name ko.

Humiwalay na ko kay Pekto, pinunasan naman nya yung mga luha ko.

"Kaya mo pa ba?"

 Pinilit kong ngumiti saka tumango.

"Pwede bang hintayin mo ko dito hanggang matapos ako?"

"Oo naman. Sige na punta ka na dun. Good luck uli."

Naglakad na uli ako papuntang stage. Nung nasa harap na ko ng mic nilibot ko yung mga mata ko sa mga taong nasa baba.

IKAW LANG PEKSMAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon