CHAPTER XV- secret's revealed

40 2 2
                                    

(A/N: bale ito yung conversation ni Desiree and Lucy.. Balak ko kasing gawan ng story si Lucy pero di ko pa sure kung kaya ko ^u^)

Lucy's POV

"Lucy pwedeng magtanong?"

tumingin ako kay seniorita saka ngumiti. 

"Opo seniorita"

sino ba naman ako para huminde diba?

"Kayo ba ni Kuya Daven?"

*gulp*

paanong nalaman yun ni seniorita...

"A-ano po... Seniorita... Hi-hindi po."

pinipigilan ko yung panginginig ng kamay ko kaso mas lalo lang nanginginig.

Nag-ingat naman kami ni Daven pero panong nalaman nya yung Tungkol samen.. Papaalisin naba nila ko dito?

Wag naman sana. 

T-T

tumayo si Seniorita sa kama saka nilagay yung tray sa table nya.

Akala ko ibabato nya saken.

Waaah! Kinakabahan talaga ko.

"Please don't lie to me Lucy.."

yun lang ang narinig kong sinabi nya bago nagdiretso sa veranda na konektado sa kwarto nya.

Kinuha ko yung robe ni seniorita saka sumunod sa kanya sa veranda.

January na pero malamig padin yung hangin.

Inabot ko kay seniorita yung robe nya nung makaupo na sya sa upuan sa gitna ng veranda.

Tinignan nya ko sa mata na nagsasabing naghihintay sya ng sagot ko.

Hay bahala na nga.

"Opo seniorita kami po ng kuya Daven mo."

nanlaki yung mata ni seniorita pero agad din syang ngumiti.

Pwede bang bumuka yung lupa at kainin ako?

"Wag mong sasaktan si kuya Daven ha?"

*gulp*

"hi-hindi nyo po ko ihuhulog mula sa second floor? Hindi nyo po ko sasabunutan? Sasampalin?"

Hindi ba dapat ganun yung gawin nya? Yun yung madalas kong mapanood sa mga pelikula e.

"Haha sira! Bat ko naman gagawin sayo yun? Girlfriend ka ni Kuya Daven kaya bakit kita sasaktan?"

"Yun na nga po seniorita boyfriend ko yung kuya mo. Tatanggalin nyo na po ba ko sa trabaho?"

nagseryoso bigla yung mukha nya.

Hala! Ito na nga bang sinasabi ko. Yumuko ako. 

Paalam veranda...

Paalam Ricafort mansion...

Paalam orchids...

Gumamela...

Santan...

Kalabasa..

Teka! Wala palang kalabasa.

Basta paalam sa inyo mga tanim sa hardin ni seniorita.

T_T

"Earth calling Lucy!!"

napatalon ako nung biglang may tumusok sa bewang ko.

"Ay Desiree!!"

napatayo ako ng deretso. 

Patay bat ko sya tinawag na Desiree.

"So-sorry po seniorita... Nagulat lang po ako." 

Bat ang tanga mo Lucy!!!! 

"Ayus lang. Desiree nalang itawag mo saken."

OoO

"I'll prepare na may pasok pa pala ko."

kanina pa pumasok ng kwarto nya si seniorita pero di padin ako makaalis sa pwesto ko.

Hindi ko alam kung sadyang mababa lang talaga yung IQ ko o nagloloading pa utak ko.

Hindi ko parin gets!

Ano? 

May trabaho pa ba ko?

---

Lucy sa side------------>

follow.vote.comment

if you want to. thanks :)

IKAW LANG PEKSMAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon