CHAPTER XXXI

19 1 0
                                    

Desiree's POV 

Nagising ako sa ingay mula sa pagbukas ng pinto. Agad akong nagmulat ng mata saka umupo sa kama. 

"Good morning Princess."

napangiti ako sa endearment na ginamit ni kuya Denver. Ilang taon ba ko nung huling tinawag nya ko ng ganun? Seven? Eight? Di ko na maalala.

"Breakfast in bed for my princess."

"Anung meron kuya? Bat ang sweet mo? May pa princess princess ka pang nalalaman."

tumabi sya sakin saka nilagay sa lap ko yung tray ng food. Nanlaki yung mata ko nung makita yung pagkaen.

"Kuya bat ganito?!"

pano naman hindi ko alam kung anung luto sa itlog yung ginawa nya kasi halos itim na yung paligid ng itlog tapos may toppings na asin! Rock salt pa!

Yung fried rice may sibuyas! Siryoso?! Ano to experimento?!

"Hoy hoy akina na nga yan.. Mukha lang hindi masarap pero masarap yan!"

natawa ako nung hinila nya yung pagkaen.

"Hindi ka man lang nagpa thank you! Maaga akong gumising para lutuin to no! Tsk. Sinasaktan mo ang damdamin ko."

Lalo lang ako napahagalpak ng tawa sinamaan lang ako ng tingin ni kuya Denver, natigil lang ako sa pag tawa nung sinubo nya or mas magandang sabihin na isinungalngal nya sa bibig ko yung itlog na luto nya.

"Pweee pwe! Kuya ang alat tsaka ang pait!"

anung klasing luto naman yan! 

"Grabe ka makapanlait Desiree! Oo na magaling ka ng magluto pero gwapo ako at madalas ang mga gwapo di marunong magluto dahil kung nagkataon perpekto na ko nun!"

"Hindi rin.."

napatingin kame sa nagsalita mula sa pinto. Si kuya Daven!

"Bat ako marunong magluto?"

Hay naku naman payabangan na naman sila.

"Malamang! Gwapo ka ba?"

-kuya Denver 

lumaki naman bigla yung mata ni kuya Daven. Wooo. Pikon na yan. Haha

"Gwapo ako oy! Gwapo ako diba love?"

lumingon si kuya Daven haha nasa likuran nya pala si Lucy. Teka? San sya natulog? 

Wag mong sabihing?!

"Kuya nagtabi kayo ni Lucy matulog?! Sa kwarto mo sya natulog?!"

IKAW LANG PEKSMAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon