CHAPTER XXVIII

23 2 2
                                    

Daven's POV 

"Kailangan mo?"

Hindi ko na pinagkaabalahan pang papasukin si Yuie. Kung may sasabihin sya pwede nyang sabihin sa labas.

"Tungkol kay Des.."

tinanguan ko lang sya saka hinintay yung sunod nyang sasabihin.

"Mahal ko si Des, Daven... Hindi ko kayang makipag hiwalay sa kanya.."

sinara ko yung kamao ko sa galit.

"Gago ka Yuie. Magmamahal ka nalang din dalawang babae pa! Anu yan namamangka ka sa dalawang ilog?"

"Naguguluhan lang ako ngayon hindi ko sila kayang saktan pareho-"

"Kaya pagsasabayin mo na lang sila ganun ba?! Sira na ba yang kukote mo ha Yuie?! Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo?! Ayaw mong may masaktan sa kanila pero tanga ka ba para di makitang nasasaktan na yung kapatid ko?! Gago ka Yuie!!"

sasagot palang sana si Yuie nung magsalita mula sa likod ko si Denver.

"Sinong nagsabing pumunta ka dito?"

mahina lang yung pagkakasabi nya pero ramdam ko yung galit nya. Gaguhin mo na kaming dalawa wag lang yung pinaka mahalagang babae sa buhay namin.

"Denver gusto ko lang ayusin yung samin ni Des-"

"Pwede ba Yuie! Sinabihan ka namin na wag mong masyadong siryosohin yung kapatid namen diba para hindi sya masaktan oras na iwan mo sya pero hindi e! Pinaramdam mong mahalaga sya sayo! Masyado mo syang pinaasa na mahal mo rin sya!"

"Hindi ko sya pinaasa! Mahal ko yung kapatid nyo! Mahalaga sya sakin! Hindi ko naman gustong nasasaktan sya para sabihin ko sa inyo ayoko syang masaktan!"

tinulak ko si Yuie ng malakas kaya napaupo sya sa damuhan. Ayaw nyang masaktan samantalang sinaktan nya na nga!

"Kung ayaw mo syang masaktan oras na makita mo sya makipag hiwalay ka na sa kanya!"

napahinto kaming tatlo nung biglang bumukas yung gate at makita si Desiree.

---

Desiree's POV

Nag commute nalang ako since hindi pa ko mahahatid ni Pekto. Ayus lang sakin basta maalis nya lang yung concentration ni Lei kay Yuie. 

Pagkababa ko ng taxi narinig ko yung mga nagsisigawan sa loob ng bahay. Medyo kinabahan ako pero tinuloy ko padin yung pagbukas ng gate.

Halos takbuhin ko yung harap ng bahay namin nung makita ko si Yuie na naka upo sa damuhan habang sila kuya bakas yung galit sa mukha.

IKAW LANG PEKSMAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon