Prologue

323 9 9
                                    

Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Jeric. Sino si Jeric? Kapitbahay naming obsess sakin. OA na kung OA pero ganun talaga. Hindi ako maarte. Hindi ako mayabang. Hindi ako feelingera. Hindi ako ashumera. Patay na patay talaga sakin yan. Seryoso.

At tsaka bakit naman ako mag-iimbento ng kwento? Bakit naman ako mag-aassume na meron akong stalker? Kala nyo masaya? Hell to the no! I’m just telling the truth here.

“Ano na namang kailangan mo hah?” Nag-shoo shoo hand gesture ako sa kanya. “Alis na nga. Di ba sabi ko sayo don’t bother me anymore lalo na sa school?”

“Alam ko yun, pero di ko talaga kayang mawala ka sa paningin ko kahit saglit lang. Jet mahal kita eh.”

Pengeng supot, susuka lang ako. The nerve of this guy.

“Oh please. Pwede ba hah, kahit isang araw lang, ONE SINGLE DAY, wag mo kong kulitin? Di nga kita gusto. Please naman oh. Nagmamakaawa na ko Jeric.”

Papasok na ko sa school dapat ngayon pero inistorbo na naman ako ng asungot na toh. Nakatayo kami ngayon sa harap ng school gate. Yes, nilalakad ko lang ang bahay at school. Ano akala nyo? Mayaman ako? NOPE. Di kami mayaman pero sa isang famous and well-renowned school ako nag-aaral. How come? Scholar po ito. *salute*

Maarte lang akong magsalita pero di kami mayaman. Dami ko atang napeke kanina ah. =D

“Jet hinatid lang naman kita dito sa school mo eh,” sabi na naman ni Jeric.

“Oo na! Pumasok ka na rin please. Baka ma-late ka pa ako pa sisihin mo. Eto na yung school ko oh! Kaya ok na ko. BABAY!” Lalakad n asana ko papasok ng campus nang hablutin nya ang braso ko. OH SHIT!

“Please Jet, give me a chance para patunayan na mahal na mahal talaga kita. Pakiusap naman oh.”

SUSMIYO MARIMAR! Ang OA na nito ah! Ano tingin nga sakin? Saint Therese of the Child Jesus? Kulang na lang sambahin ako nito eh. Ang OA na talaga pramis.

Hoy! Kayo, readers! Kung magmamahal kayo wag ganto ah! Obsess masyado! Wag nyong gagayahin si Jeric, kawawa yung mamahalin nyo. Nakakasakal.

Lumuhod sya sa harapan ko at hinimas sa mukha nya ang kamay ko. NAK NG BOTCH! At ginawa pa kong bimpo ng mokong! Ang dami ko namang purpose sa storyang toh! =______________=

“Tumayo ka nga! Nakakahiya ka! HOY! Jeric ano ba?!”

“Please please Jet, bigyan mo ko ng chance. Please naman oh. Mahal na mahal talaga kita eh.”

“ANAK NAMAN NG TETENG JERIC EH! Di nga kita gusto. Sorry. Sorry Jeric pero wala talaga eh. Please tumayo ka na. Madudumihan ka pa dyan eh.” Hinalikan nya yung kamay ko kaya agad ko itong binawi. “ANO BA?! JERIC STOP IT OK?! It’s not funny anymore. I’m tired of this shit. Tigilan na natin!”

“Ayoko Jet. Mahal talaga kita eh. Mahal na mahal.”

“May boyfriend na ko. Tigilan mo na ko kasi may boyfriend na ko.”

SHIT BREAKS! What am I saying?! Are you out of your mind, Georgette?! Why are you making up stories?! The hell with you!

“M-may boyfriend ka na? B-bakit parang di ko –”

“Kasasagot ko lang sa kanya.”

SHEEEEEEEEEET! Ano bang sinasabi ko?! Wala naman talaga kong boyfriend. I mean, ano toh Alice in Wonderland? Sa panaginip lang ako may boyfriend, si G-Dragon ng BigBang. CHARING! Pero seryoso, wala akong boyfriend.

EH YUN NAMAN PALA EH! BAKIT KA NAG-IIMBENTO DYAN?! BARBERS KA!

“T-totoo?” gulat na tanong ni Jeric sakin. I nod. “Kung meron nga talaga, ipakita mo sya sakin ngayon.”

NAK NG TUTCHA! San ako ngayon hahanap ng instant boyfriend dito?! Alam ko na! Si Roe, yung kaibigan ko nung elementary! Pero di na kami nagpapansinan ngayon. Well, sya pala tong hindi namamansin. Pero hindi naman siguro ko ilalaglag nun kapag tinuro ko sya di ba? Eh nasan na ba yun? Kung kelan mo sya kailangan tsaka wala! LESHE!

Luminga-linga ako para mahanap si Roe. mahilig maglakad yun palibot sa campus eh. Pero bakit ngayon, nowhere to be found ang loko?! SHET! What to do? What to do?!

*panic mode*

“K-kung may boyfriend ka talaga, gusto kong makita ang gagung yon,” sabi ni Jeric.

“Wait lang pwede?” Kitang naghahanap pa ko ng pwedeng magpanggap eh. =_________=

LESHE NAMAN OH! Bakit ba walang katao-tao ngayon dito sa labas ng school? Araw-araw may stampede dito pero kung kelan kailangan mo ng tulong tsaka ayaw makisama ng tadhana. BUSET!

“Wala naman ata eh muk –”

“AYUN! Ayun yung boyfriend ko!” sigaw ko habang nakaturo sa isang lalaking nagdadaan sa lobby ng school. Siomai! Sino ba yung tinuro kong yun? May masabi lang eh. =_________=

“I-iyon? Yung lalaking yun?”

“Ay hinde. May nakikita ka pa bang ibang tao dito?”

Botcha naman oh! Yung lalaki kasi na lang nay un yung nakita kong nagdadaan kaya sya na lang ang tinuro ko. Jusko! Spare my life please. Wag lang po sana kong mabuko. *sign of the cross*

“PSSST! HOY! IKAW NA NAKA-CAP! HALIKA NGA DITO! HOY IKAW – ACK!” Bigla ko syang hinila at tinakpan ang bibig. Susme naman! Balak pa talagang palapitin dito si schoolmate. Naku naman!!

Hindi ko makilala si lobby guy, masyadong malayo eh. Naka-NY cap sya at naka-Supra shoes kahit bawal ang ganyang attire sa campus. Mukhang isa toh sa mga basagulero ng school. ANO BE?! Sa lahat naman ng pwede kong ituro yun pang 100% hindi sanay maki-cooperate. Tiyak tegi ako nito.

Nung makita kong papalapit na si lobby guy samin, tumalikod na lang ako. Oh God. Oh God. Oh God. Oh God. Please, turn the other way around. Wag kang lalapit samin. Just go! OH CRAP!

“Ano yun?” rinig kong tanong nya.

“Ikaw! Boyfriend ka ba ni Jet?” Nakita kong tinuro ako ni Jeric.

Oh lupa, kainin mo na ko. NOW!

Here it goes. Keep calm and brace yourself Georgette. Ayan na ang sagot nya. Mabubuko ni Jeric na nagsisinungaling ka at mas lalo ka nyang kukulitin. Jusko naman! Maiiyak na ko dito. ETO NA! Sasagot na si schoolmate aka lobby guy.

Halos takpan ko ang tenga ko para hindi marinig ang pag-tanggi nya. Napapikit na rin ako sa sobrang kaba. JINA-JABAR NA KO DITO! (jabar = pawis sa kili-kili)

OH CRAP! Just answer his question you bastard! Pambitin ang lalaking toh eh.

“Yes, I am her boyfriend. Why? You got a problem with that?”

OH SHOOT! Sabi na eh! Itsura pa lang alam kong di nya ko tutulungan! Mabubuko ako da –-- Wait. WAIT. What did he say? WHAT DID HE SAY?! He said no, didn't he? Didn’t he?! Did he buy that crap?

Tiningnan ko si lobby guy.

*lunok laway*

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!

This is so not happening. This is rubbish. OH CRAP!

+~+~+~+~+~+

[riapatronus2527: OK GUYS! *hingang malalim* another story? ANEBE?! sarey! eh kasi sayang ang idea. kaya naman ang schedule ng story na ito ay pang-2013, meaning next year pa. no exact month or date. basat next year pa toh. matatapos na ang 10 Ways. malapit na rin ang WIS WIH kaya TIWALA LANG! gorabels lang mga ateng! kaya yan!

thanks for reading! VOTE || COMMENT || FAN]

Hurry Up and Love Me! (DISCONTINUED. MOVED)Where stories live. Discover now