Chapter 10

67 4 2
                                    

Chapter 10

(a/n: at dahil mabait ang author, WAHAHAH! de joke lang XD

pero dahil nasa mood ang author dahil sa panonood ng The Ryzza Mae Show CHAROT!

tingnan nyo kung sino ang may POV ngayon HOHOHO!!

minsan lang toh kaya sulitin at basahin ang every entry nya… wag mag-skip! XD

Osya, back to business na nga!)

[Aiden’s POV]

“Huy tol,” tawag sakin ni Kean.

Nilingon ko sila.

“Di ka ulit sasabay?” –Jasper

“Hinde.”

“Magka-cut kami eh. Punta kaming shop para mag-DOTA,” aya naman ni Paolo.

“Sumama ka pre. Dun ka kumampi kela Kean tutal lagi namang talo yang mga yan.” –Beans sabay tawa.

“Mga gagu.” –Kean

“May sasabayan akong kumain eh. Tsaka may quiz kami sa Physics after lunch,” sabi ko.

Nagtawanan ang mga gago.

Pinagtawanan ako. Mga gago talaga. =____________=

“May nakain ka bang masama sa tyan dre?” –Juniel

“Gagu! May lablayp kasi yan kaya ganyan.” Epal talaga tong si Paolo.

“Lablayp? Sino?” –Juniel

“Gagu! Tinulugan kasi kanina yung Talk kaya walang alam.” –Kean

“Baket? Anu bang meron?” –Juniel

“Edi inaming girlfriend nya yung, sino nga ulit yun? Yung scholar?” –Beans

“Jet! Mga gagu!” sabat ko. “Bahala na nga kayo dyan. Mauna na ko.”

“Dre may utang ka samin ah. Sa susunod sumama ka samin. Libre ng tig-tu-two hours.” –Jasper

“Geh,” sabi ko sabay alis.

Bumili na ko ng lunch. Hinanap ko si Jet. Eto namang mga babae sa loob ng canteen kung makatingin akala mo pagkain ako. Gwapo ko kasi eh. de joke lang >:P

Nakita ko sya sa bandang dulo. Lumapit ako, nilagay yung bag sa tabi nya at umupo.

“What are you doing here?” tanong nya.

Di ko sya pinansin. Ang ganda naman kasi ng bati nya noh? Mas lalong nakaka-GV. =_____=

After a few minutes…

“May quiz ulit tayo sa Physics. Nag-review ka na? Medyo mahirap yung topic ngayon ah,” sabi nya.

Tiningnan ko sya at bumalik ulit sa pagkain.

Kaya nga ako nandito para mag-take ng quiz eh. Gustung-gusto ko na ngang mag-DOTA pero tumanggi ako para mag-take ng lecheng quiz na yan. Baka kasi pag di ako umattend, mapagalitan ang tutor ko. Eh sino ba ang tutor ko? Di ba si Jet? =______=

“Salvador,” tawag sya sakin. “Huy Salvador, ok ka lang? Salvador. Aiden. Aide –”

“Don’t call me that,” sabi ko nang di nakatingin sa kanya.

Basta. Basta ayokong tinatawag nya kong Aiden.

Hindi dahil hindi kami close. Close kaya kame. WEHEHE! XD

“Salvador? Galit ka?” tanong ulit nya.

Oo. Galit ako. Kasi ba naman ang cold nya kaninang may Talk. Di man lang makaramdam na kaya ako umattend dun eh para makasama sya.

Hurry Up and Love Me! (DISCONTINUED. MOVED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang