Chapter 01

229 7 8
                                    

Chapter 1

[Jet’s POV]

“Hoy! Hoy! Sandali lang! Aiden! HUY!” Bastusen ang isang toh. Pagkatapos nyang sabihin kay Jeric na boyfriend ko sya, aba’y bigla na lang akong nilayasan. Batuhin ko kaya toh ng sapatos? “HOY! AIDEN! Mag-usap tayo! Wait! HOOOOOY! Aiden! – AY PALAKANG KOKAK!”

Bigla na lang syang huminto sa paglalakad kaya bumangga ako sa likod nya. Yung lakad nya kasi takbo ko na. Sorry guys. Edi sya na long legged! Buset!

“Ay sorry. Sorry talaga.” Yumuko pa ko para mag-sorry sa kanya. “Aiden so –”

“Stop calling me by my first name. We’re not even close. Hindi nga kita kilala eh.” Nakatalikod pa rin sya sakin. His hands in his pockets. Psh. Feeling astig toh.

“Eh anong gusto mong itawag ko sayo? Hoy?” Asar! Kaya nga tayo bininyagan eh. Para may pangalan tayong itatawag satin ng ibang tao.

Lalakad na sana sya paalis pero I grab his polo. Agad ko namang tinanggal ang pagkakahablot ko. “Sorry. Umm… pwede ba tayong mag-usap?”

Katahimikan. Then, “I don’t talk to strangers.”

I scoff. “Well, you’re already doing that right now mister.” I pause. “Wait. You really don’t know me? For real?”

Di nya talaga ko kilala? As in hindi? WEH! Di nga?! Sikat kaya ako sa school na toh. As in sikat. Spell Korean actresses. Ganyan ang drama ko sa school. Ganyan ako kasikat. OA ang kasikatan ko mga teh. Seriously.

I’m famous. Definitely. Bakit? Kasi ako si Georgette del Rosario. Sino si Georgette? Ehem. Isa syang ordinaryong babaeng nag-aaral sa isang extraordinaryong skwelahan. Ang Lash Academy.

Lash Academy – school for elites and super influential people. Anak ng artista. Pamangkin ng presidente ng kompanya. Apo ng may-ari ng mga korporasyon. Anak ng leader ng mafia. Mga models themselves. Yan ang klase ng estudyanteng meron ang Lash Academy.

Lahat mayaman. Lahat may ipagmamalaki. Lahat sikat. Lahat ma-pride. Lahat out of reach. Lahat gwapo’t magaganda. Lahat meron ang lahat. Maliban sa isa. Si Georgette del Rosario.

Si Georgette, Jet para sa nakararami, ay isang simple at ordinaryong babae. 17 years old. 4th year high school. Wala nang tatay. OFW ang nanay. May tatlong nakatatandang kapatid na lalaki (Kuya Paul, Kuya Dap, Kuya Vin).

You guys might be wondering kung paano nakakapag-aral sa isang prestigious school ang isang hamak na tulad ko. The answer is simple. Scholarship beybeh! Valedictorian nung elementary kaya nabigyan ng scholarship. Eh saktong pumasa ko sa entrance exam ng Lash, ayun, the rest is history.

Tiis tiis lang guys. Impyerno ang lugar na toh I know. Pero shet! Madaling makapasok sa university kapag dito ka nag-high school. Kaya spell pagtitiis. TIWALA LANG!

So ayun. Sikat ako. As in SIKAT AKO! In a bad way nga lang. Sikat ako dahil ako ang nag-iisang poor sa Lash. Sikat dahil one and only dukha ako dito. Sikat na tampulan ng tukso. Sikat na pagtripan. Sikat na asarin. Paglaruan. Nagdrama daw ba?! Anyway, 4th year na ko. Last year beybeh! Kaya ko toh. Thanks be to God di na ko inabutan ng lintik na K+12 na yan!

“No. I don’t know you,” sabi ni Aiden. AY! Ayaw nya nga palang magpatawag sa pangalan nya. *tampal sa bibig* Bad mouth! Bad mouth!

“Are you sure?” Nagtataka kong tanong. “I’m Jet. Georgette del Rosario.”

Humarap sya sakin. He looks… good as always.

His name? Sasabihin ko na kahit ayaw nya. Di naman nya malalaman eh. *wink* Aiden John Salvador. And there’s only one thing to say about him. Sila ang may-ari ng Lash.

Hurry Up and Love Me! (DISCONTINUED. MOVED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora