Chapter 2

17.1K 68 6
                                    

So ito na nga nakikita ko sya sa harapan ko ngayon na naglalakad pa uwi na sya sa bahay nya. bakit kaya ang gwapo niya pero bakit siya naglalakad di yata siya naka motor ngayon.

"hello jake" bati ko sa kanya sabay lakad palapit sa kanya. Tinapunan nya lang ako ng tingin pero diretso pa din syang nag lalakad.

"hmm may ginawa nga pala akong ulam, para sayo to ohhh" sabay abot ko sa kanya ng baunan na nag lalaman ng niluto kong escabeche.

di niya kinuha sa kamay ko yung baunan kaya sumunod lang ako sa kanya sa bahay niya ganyan naman sya lagi ang sungit. pero sanay na ako sa kanya.

pag dating namin sa bahay niya nagdire diretso siya sa kwarto niya kaya pumunta na lang ako ng kusina para ihanda yung niluto kong ulam para sa kanya.

paglabas niya ng kwarto niya pinuntahan niya ako dito sa kusina.

Tapos ko nang ihanda yung ginawa kong escabeche at meron na ding kasamang kanin.

"Bakit nandito ka nanaman? at ano nanaman yang dala mo?" tanong niya sakin na medyo mataas ang tono ng pananalita. kaya napayuko na lang ako kase nagbabadya na namang tumulo yung luha ko dahil sa boses niya.

Pero kahit na ganon ay sumagot pa din ako sa kanya "a-ano kase hinanda ko lang yung dinala ko para sayong pagkain. Sige alis na ko" sabi ko sabay talikod at duon na tumulo yung luha ko.

Bakit ba kase pinag pipilitan ko yung sarili ko sa kanya. e ayaw niya nga sakin. Di ko na napigilan yung paghikbi ko.

Di pa ako nakakalabas ng bahay niya ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko at bigla niya na lang akong pinaharap sa kanya at binaon niya yung mukha ko sa dibdib niya. Dun na mas lalong bumuhos yung luha ko at napalakas pa lalo yung paghikbi ko.

"im sorry baby" pag aalo niya sakin. mas napalakas nanaman yung pag hikbi ko dahil sa pagtawag niya sakin ng baby.

"im sorry" ulit niya ng di pa din ako tumatahan sa pag iyak.

Nang medyo tumahan na ako sa pag iyak ko bigla niya na lang akong hinatak papuntang kusina at pina upo ako sa isang upuan, kumuha sya ng isang plato nilagyan niya yon ng kanin at ulam at binigay sa akin. di ko alam kung anong gagawin ko dahil sa ginagawa niya.

"eat" sabi niya ng mapansing di ko ginagalaw yung pagkain na nasa harapan ko. napanguso ako dahil sa trato niya saking parang bata.

Habang kumakain kame walang umiimik sa aming dalawa. Kaya ng matapos kaming kumain nag presinta ako sa kanya na ako na ang mag huhugas ng aming pinag kainan kaya wala na siyang nagawa.

Nang matapos akong maghugas hinanap ko siya at nakita ko siyang nasa sala nanonood ng TV kaya nilapitan ko siya para mag pa alam.

"jake uhmm uuwi na ako" pa alam ko sa kanya ng di makatingin. maglalakad na sana ako palabas ng bahay ng tawagin niya yung pangalan ko.

"Haze... May gusto lang akong sabihin sa iyo sandali" pag pipigil niya sa akin. Kaya humarap ulit ako sa kanya.

"A bakit? ano ba ang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

"gusto ko lang mag sorry sa nasabi ko kanina" sabi niya na nakatingin sakin ng diretso.

"ahh yun ba okay lang sanay naman na ako" sagot ko na pabulong lang yung dulo " sige uwi na ako... salamat pala dahil naka sabay kita sa pag kain"

"haze mamaya ka na umuwi may gusto pa akong sabihin sa iyo, upo ka muna dito" sabay tapik niya sa tabi niya. Kaya umupo na lang ako ng tahimik. Walang nag sasalita sa amin hanggang sa basagin niya ang katahimikan na ikinagulat ko.

"haze alam ko naman na matagal mo nang sinasabi sa akin na gusto mo ako. Pero hindi kase tayo pwede, ang bata bata mo pa, may mahahanap ka pa na nararapat sa iyo. yung ka edad mo marami naman diyan." sabi niya na nag patulo sa luha ko

"jake ikaw nga yung gusto ko huhuhu" sabi ko na humihikbi.

"haze tignan mo, parang ama mo na ako. ang layo ng agwat natin sa isat-isa ano na lang sasabihin sa iyo ng mga tao" sabi niya sa parang nahihirapan na boses.

"bakit mo kase iniisip yung sasabihin ng ibang tao." sabi ko na medyo tumaas ang boses.

"iniisip ko lang ang kapakanan mo" sagot niya.

"jake mahal kita iiii wala naman akong paki-alam sa kung ano ang sasabihin ng mga tao sa paligid natin wala akong paki kung ano ang tingin nila sa akin" mahabang pahayag ko sa kanya

"ganon mo talaga ako ka mahal noh." sabi niya na naka ngiti. "Di mo na iniisip ang sarili mong kapakanan kung anong maaring mangyari sa iyo o sasabihin ng mga tao" dagdag niya sabay yakap sakin na ikinatigil ng pag ikot ng mundo ko.

"fuck ang swerte ko pala dahil ako yung minahal mo baby" sabay kiss nya sa buhok ko na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Tatanggalin ko na sana yung pag kakayakap niya sakin ng pigilan niya ako at sinabing "mahal na mahal din kita baby, kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan na nakikita kang umiiyak pag tinatanggihan kita nung panahong pinipigilan ko tong nararamdaman ko. Pero ngayon baby di ko na kayang pigilin tong nararamdaman ko para sa iyo. ayoko ng nakikita kang umiiyak ng dahil sa akin. patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko sayo Baby mahal na mahal kita" sinasabi niya yan habang hinahalik halikan ang aking buhok.

kaya napaiyak nanaman ako kase all this time mahal niya pala ako at iniisip niya lang ang kapakanan ko.

tiningala ko siyang may dumadaloy na luha sa aking mga mata at naka ngiti.

LOVE KNOWS NO AGE (SPG)(R18)Where stories live. Discover now