"Aubrey kumain ka na,dito ka muna sa bahay habang nagpapalakas ka." tawag ni Eryl sa kaibigan.
"Salamat Eryl,nakakahiya na sayo ang laki na ng naitulong mo sa akin." tugon nito
" Okay lang Aubrey.Diba nga bestfriends forever tayo at magkaibigan tayo since we are in High School so what friends are for diba?"tugon ni Eryl
" Kaya sobrang thankful ako Eryl na may bestfriend akong katulad mo. Wala na akong ibang matatakbuhan bukod sa iyo. Ako na lang at si Bryle ang magkasama sa buhay." Sambit ni Aubrey habang pumapatak ang mga luha niya. Napahawak naman siya sa suot suot niyang kwintas.
AUBREY'S PAST ( FLASHBACKS)
" Ang ganda ganda at ang talino naman ng anak mong si Aubrey,Mr. Sarmiento at dalagang dalaga na talaga parang kailan lang ang liit niya pa at naglalaro ngayon eh matangkad pa ata sa akin ang bilis talaga ng panahon."
"Thank you...proud na proud ako sa bata na yan,napakabait at napakalambing, palibhasa kasi nag iisa naming anak" tugon ni Mr. Sarmiento
"Sigurado marami ng umaaligid diyan sa unica iha mo halos lahat ng magagandang qualities ay makikita sa kanya."sambit at
panay papuri ang mga kaibigan at kakilala ni Mr. Sarmiento sa kanya .Achiever kasi ang anak niya na si Aubrey at kilala ito sa paaralan. Ito rin kasi ang nag-iisang anak at tagapagmana ni Mr. Sarmiento."Pa , nanalo ako ." Tuwang tuwang sambit ni Aubrey habang tumatakbo
" Congratulations anak and Happy Birthday , Dad is really proud of you ...kaya mabuti pa ay mag dinner tayo mamaya doon sa favorite restaurant mo...Let's celebrate anak"Agad na sambit at tugon ni Mr. Sarmiento.
Masaya namang nagkwentuhan ang mag ama habang kumakain sa paboritong restaurant ni Aubrey.
Maya maya pa ay kinuha ni Mr. Sarmiento ang maliit na box mula sa kanyang bulsa binuksan nya ito at kinuha yung Locket mula rito . Tumayo siya at isinuot niya ito sa leeg ng anak niyang si Aubrey
"This is a gift from your mother sabi niya sa akin ibigay ko daw sayo sa 16th Birthday mo ."
Hindi napigilan ni Aubrey na umiyak habang isinusuot ng dad niya yung kwintas sa kanya. Mababakas ang magkahalong saya at lungkot sa mukha ng dalaga.
"This heart - shaped locket is my gift to your mom. First anniversary namin noon ng ibigay ko ito sa kanya"
"Iingatan ko ito Dad, Promise.. ito na lang kasi yung alaala ko kay Mom kahit di ko siya nakita...ramdam na ramdam ko na mahal niya ako at mahal ninyo akong dalawa."iyak nitong sambit
" Mahal na mahal ka namin ng mommy mo .Ikaw yung pinakamagandang regalo ng Diyos na binigay sa amin."
The night na ipinanganak si Aubrey ay namatay ang mommy niya hinintay lang nito na mayakap at masilayan siya, Nagbilin ito kay Mr. Sarmiento na kanyang asawa. Pagkatapos lamang ng ilang minuto ay binawian na ito ng buhay. Kaya lumaki si Aubrey na tanging ama niya lang ang kanyang naging sandigan.
BINABASA MO ANG
The Heart-Shaped Locket
RomanceIsang masalimuot na mundo ang ginagalawan ni Aubrey Dale Sarmiento ngayon. Matapos ng isang pangyayaring maski sa hinagap ay di niya inaakalang kanyang mararanasan. Ang mundong kanyang ginagalawan ay sadyang mapait at mapaglaro.Paano nga ba siyang m...