Chapter 1-A: Rainy Evening

460 16 6
                                    

Kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ni Aubrey habang nakatanaw siya sa labas ng kanyang bintana, may kung anong kurot sa kanyang puso na lubos na nagpapabigat ng kalooban niya. Impit ang kanyang paghinga habang patuloy ang pagbabalik ng mapapait na alaala ng kanyang masalimuot na nakaraan.

Nahinto lamang ang kanyang pag iyak ng maramdaman niyang biglang may humawak sa kanyang kamay. Napatingin na lamang siya sa kanyang anak na nagising mula sa pagkakahimbing nito ang kanyang anak na siyang tanging pumapayapa sa kanyang kalooban ang tanging  dahilan kung bakit nananatili siyang matatag sa kabila ng lahat ng mga pinagdaananan niya sa buhay.Agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at pilit na ngumiti.

"Bakit gising ka pa anak?Matulog ka na para bukas maaga kang makabangon ng hindi tayo ma late sa school mo ."
Malambing niyang sambit ngunit sa halip na tumugon ay inusisa lamang siya ng kanyang anak at pinagmasdan lamang siya nito habang nagkakamot ito ng mata

"Mom are you crying ?" Sambit nito. Nagsisimula ng  mangilid ang mga luha sa mga mata nito ng makita niyang umiiyak ang kanyang ina.

"No baby, napuwing lang si Mama nung inaabot ko yung book doon kanina" Sabay turo niya sa book shelf pagkatapos ay niyakap nito ng mahigpit ang kanyang 6 years old na anak." Okay lang ako anak ,kaya tahan na hindi naman ako umiiyak."pagpapakalma niya dito.

Naging sensitibo ito simula ng  masaksihan nito noon  ang pamamahiya sa kanyang ina ng isang customer sa restaurant nitong  pinagtatrabahuan. Kitang kita nito kung paano binuhusan ng tubig si Aubrey ng customer na iyon. Naaalala pa rin nito yung pag-iyak ng kanyang ina kaya sa tuwing iiyak ang ina niya ay tila nasasaktan din siya.

"I thought you are crying again mama...wag ka ng iiyak mama ha?"
Malambing na sambit at yakap nito sa kanyang ina.

"Hindi na anak...hindi na iiyak si mama."

"Mama when I grow up I'll protect you from those bad guys no one will hurt you again."Iniangat nito ang kanyang braso at pagkatapos ay ipinakita nito ang bicep sa ina.

"Ang bait ,lambing at tapang naman ng baby ko.Don't worry baby kayang kaya sila ni Mama. Diba nga si mama.. si wonder woman...I will always be strong for you baby...no matter what...mahal na mahal kita anak at walang kahit sinu man ang pwedeng manakit sayo hangga't nandito si mama proprotektahan kita." Sambit nito habang nangingilid yung mga luha sa mga mata nito na pilit nitong ikinukubli.

Kung hindi lamang sa kanyang anak ay matagal na sigurong sinukuan ni Aubrey ang lahat pero para kay Bryle ay nananatili siyang matapang at lumalaban sa buhay. Ramdam na ramdam nito ang pagmamahal sa  kanya ng kanyang anak na si Bryle napakalambing na bata kasi nito masayahin at napakabibo kaya isipin pa lamang niyang mawawalay ito sa kanya ay parang hindi niya na ito kakayanin kaya naman sobra ang pagsusumikap niya para maitaguyod niya ito ng mag isa.Pinapasok niya ang kahit na anong klaseng trabaho basta ito'y marangal. Ni hindi siya nagdadalawang isip ,matugunan lamang ang mga pangangailangan ng kanyang anak. Sa edad na 24 ay mag isa niyang kinakaya ang pagpapalaki kay Bryle. Isa siyang independent woman at single parent.

Marami man ang sumubok na mag alok sa kanya ng pagmamahal maging ang pagpapaka -ama sa kanyang anak na si Bryle pero wala siyang tinugunan na kahit isa sa mga ito dahil simula ng masilayan ang kanyang anak ay  ipinangako niya sa sarili na dito lamang iikot ang kanyang mundo.

Ang galit  at poot na nararamdaman niya ng ipinagbubuntis niya ito ay bigla na lamang nawala ng masilayan niya ito noon sa unang pagkakataon ng isilang niya ito  ni hindi niya inakala na ito pala ang magiging dahilan upang ipagpatuloy niya ang kanyang buhay at hindi sumuko sa kabila ng lahat ng mga masakit na pinagdaanan niya.

The Heart-Shaped LocketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon