CHAPTER 16 : AT THE HOSPITAL

101 8 0
                                    

FLASBACKS

Nagising na lang ako mula sa pagkakahimbing ng hawakan ni Bryan ang kamay ko.

Gumaan ang pakiramdam ko ng makita kong gising na siya. Di ko mapigilang umiyak sa harapan niya dahil kasalanan ko kung bakit nandirito siya ngayon.

Nasali siya sa gulo ng buhay ko dahil siya lang naman ang nag-iisang anak ng lalaking naging dahilan kung bakit nawala ang ama ko.

Alam kong dapat akong mamuhi sa kanya pero bakit ganito?Bakit pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya.

" Sa susunod Bryan wag mong i-involve ang sarili mo sa gulo ng dahil sa akin .Ayokong mamatay ka or mapahamak ka. Nawala na yung isang taong mahalaga sa buhay ko at ayaw ko ng madagdagan pa. Promise me."iyak kong sambit sa kanya

"If I have to.. gagawin ko para sayo Aubrey. Di ako magdadalawang isip na ipagtanggol ka .Nangako ako sayo di ba? na di kita iiwan, at never kong gagawin yun."ngiting tugon niya sa akin.

" Bakit natatawa ka?, tignan mo nga yung sarili muntik ka ng mamatay tapos nangingiti ka pa dyan"

"Masaya kasi ako  kasi nalaman ko na mahal mo pala ako.Kaya okay lang.
Nawala nga lahat ng sakit ng katawan ko ng malaman ko na mahal mo ako."

"Wala akong sinabi na mahal kita." inis kong tugon sa kanya.

" Kahit di mo sabihin Aubrey .Sigurado akong mahal mo ko." Tugon nya.

" I love you ." malambing na sambit ni Bryan sa akin habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"baliw ka talaga."sambit ko sa kanya

" Siguro nga baliw na ako Aubrey , baliw na baliw na sayo. Ikaw lang yung babaeng minahal ko ng ganito...minahal ko ng higit pa sa buhay ko.Di ko kaya makitang nasasaktan. Ang alam ko lang gusto kitang protektahan laban sa lahat ng mga mananakit sayo."

"Pero paano Bryan? paano mo poprotektahan ang babaeng walang hangad kung hindi ang bumagsak ang iyong ama."mga salitang naglalaro sa aking isipan ng tagpong iyon

MAKALIPAS NG ILANG BUWAN...

"Tatapatin na kita Ms. Sarmiento , Layuan mo ang anak ko..Hindi ako tanga alam kong ginagamit mo lang anag anak ko para paghigantihan ako.Binibilog mo ang ulo niya . Kung akala mo magtatagumpay ka nagkakamali ka.Akala mo ba seseryosohin ka ng anak ko.Kung ako sayo ngayon pa lang lumayo ka na. Dahil masasaktan ka lang di mo ba alam na ikakasal na siya kay Hailey!Katulad ka rin ng iyong ama tinik ka sa lalamunan ko!"Galit na galit na sambit sa akin ni George,ama ni Bryan.

" Wala kang puso Mr. MacBride , paano mo naatim na sabihin ang lahat ng yan...alam mong kasalanan mo kung bakit nawala ang ama ko! Inipit mo siya. Alam mong wala na siyang matatakbuhan."

" Business is Business Ms. Sarmiento.
Negosyante siya at negosyante ako."

"Pero nagmakaawa sayo ang ama ko... nag makaawa siya sayo Mr. McBride."galit at iyak niyang tugon dito.

"Trabaho lang Ms.Sarmiento walang personalan. Di ko naman inaasahan na aabot siya sa ganoon."

" Pero alam mo kung gaano kahalaga sa ama ko ang kompanya ...doon na  halos umikot ang buhay niya. Pinaghirapan na yun ng lolo ko at ipinamana sa kanya. Ginipit ninyo siya alam ninyong maraming tauhan niya ang umaasa sa kanya.Nagmakaawa siya sayo pero di mo siya pinakinggan.Dahil ganid ka dahil makasarili ka di ko alam kung bakit may taong katulad mo dito sa mundo!napakasama mo!."

" kaya gustong gusto mo akong  gantihan at inakit mo ang anak ko pinlano mo ang lahat ."

" Oo dahil gusto kong iparanas sayo ang sakit na ipinaramdam. OO ginamit ko lang siya  akala mo ba lahat mapapaikot mo!
Hindi Mr. McBride ikaw at ang anak mo ang pinaikot ko sa palad ko.Huwag kang mag-alala mr. McBride sisiguraduhin kong malulunod sa pagmamahal sa akin ang nag iisa mong anak at kailan man hindi na siya makakaahon tandaan mo yan!"

APARTMENT

Malakas na kalabog ang narinig ko sa may pintuan. Nagulat ako ng makita ko si Bryan na lasing na lasing.Agad siyang pumasok at isinarado ang pintuan bigla akong kinabahan at natakot dahil sa matalim na tingin niya sa akin.

"Totoo ba Aubrey !Totoo ba!"

Nagwawala siya at sinisigawan niya ako labis  ang galit nya sa akin.

" Totoo ba na pinaglalaruan mo lang ako?! Totoo bang plano mo ang lahat?!magsalita ka!"

" Bryan hindi totoo" naiiyak kong tugon sa kanya.

" Sinungaling ka Aubrey!Sinungaling ka !narinig ko lahat ng sinabi mo na pinaiikot mo lang ako..minahal kita Aubrey mahal kita,mahal na mahal pero ginamit mo lang ako lahat ng pinakita mo sa akin pagpapanggap lang palang lahat."

" Pero mahal kita Bryan."

"Sinungaling!Sinungaling ka talaga."

Nilapitan niya ako.

Hinatak niya ako at itinulak sa sofa

"Alam mong kaya kong gawin ang lahat para sayo!"

" kung ganun Bryan layuan mo na ako. Di kita kayang mahalin." pagsisinungaling ko sa kanya.

"Lumapit siya at bigla niya akong hinalikan halik na puno ng galit."

Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin ...

" Bryan please huminto ka na." pakiusap ko sa kanya pero tila wala siyang naririnig

Hanggang matumba kami patuloy lang siya sa ginagawa niya.
Hinatak niya ang damit ko hanggang sa masira ang butones nito.

Patuloy ang paghalik niya sa akin kinakabog ko siya at kinalmot  ko ang braso niya .Nagdugo ito pero napakalakas niya  at wala akong magawa kung hindi umiyak na lang. Hindi ko alam na ang lalaking sobrang mahal ko  ay kamumuhinaan ko pala ng ganito dahil sa ginawa niya ay masnangibabaw ang poot at galit sa puso ko bumalik lahat sa akin ang lahat ng sakit.Gusto kong isigaw ang lahat sa huling pagkakataon..nasaktan na naman ako ng higit pa sa inaasahan ko.
Pakiramdam ko ay muli na namang natapakan yung akong pagkatao.

"Nakuha mo na ang gusto mo Bryan pero kahit kailan di mo makukuha ang puso ko."sambit ko sa kanya pagkatapos ng nangyari at ng ginawa niya sa akin.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo at pagdaloy  ng mga luha ni Bryan.
Pumapatak ito sa mukha ko habang nakaibabaw siya  sa akin at  nakatingin siya sa mga mata ko. Nakita ko ang sakit na nararamdaman ng puso niya.Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.Ang nararamdaman ko lang ay galit para sa kanya.

Itinulak ko siya at tumayo ako .Inayos ko ang sarili ko at isinuot ko ang damit ko halos di ako makatayo at nanghihina ang mga tuhod ko pero nagpakatatag ako. Parang naging bato ang puso ko .

"Umalis ka na Bryan." walang ekspresyong utos ko sa kanya.

Lalapitan niya sana ako mababakas sa mukha niya ang pagsisisi.

" Wag mo..kong tangkaing lapitan pa ..sinabi kong lumabas ka na!"galit na sigaw ko sa kanya.

nakita ko na naintindihan niya ang ibig kong sabihin.Pag-alis niya ay tumulo ang mga luha ko.. nanangis ako na parang mawawalan ako ng buhay tulad ng pagtangis ko ng mawala ang aking ama.

Marahil nga ay katulad lang si Bryan ng kanyang ama...dugo  nga nito ang dumadaloy sa mga ugat niya.

Ipinangako ko sa sarili ko na pagbabayarin ko sila sa lahat ng ginawa nila. Naging masama nga siguro ako pero walang wala iyon sa lahat ng pagdurusa na naranasan ko ng dahil sa kanila.





The Heart-Shaped LocketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon