FLASHBACKS
"Ano ba ang nangyayari sayo Aubrey,Di ka naman ganyan di ba ?pero bakit nagawa mong saktan si Riley?" sumbat ni Eryl
" Masmabuti na yung ganito Eryl ,ayaw kong madamay pa siya sa nangyayaring gulo sa buhay ko." Naluluhang tugon ni Aubrey sa kanya.
" Di ko maintindihan Aubrey...di kita maintindihan?" Naguguluhang tugon ni Eryl.
"Malalaman mo rin Eryl sa tamang panahon kung bakit ito ang mga naging desisyon ko."
"Ako ang kinakabahan sayo Aubrey, Mangako ka sa akin na hindi ka gagawa ng ikakapahamak mo."sambit ni Eryl sa kanya.
Subalit tila hindi siya nito narinig at itinuloy lamang nito ang kanyang ginagawa.
-----------------------------------------------------------------
"Siguraduhin niyo lang na pahihirapan niyo siya." ani ni Hailey
"Alam mo namang malakas ka sa akin Hailey,basta yung pangako mo pag nagawa namin yung pinapagawa mo."
sagot ng lalaki sa kanya."Oo naman basta magawa mo."tugon nito
Pagkatapos ay ibinaba na niya ang telepono.
" It's payback time bitch it is the right time for you to learn a lesson. Tignan ko lang kung di ka madala sa mangyayari sayo..makikita mo ngayon kung sino ang kinakalaban mo."ngiting sambit ni Hailey
RAINY NIGHT ( AFTER TWO MONTHS)
"Ang lakas naman ng ulan mabuti na lang malapit lang ang lalakaran ko papuntang apartment." bulong ni Aubrey sa sarili.
Mga ilang metro pa lang ang nilalakad niya ng may humablot sa kamay niya bigla siyang nakaramdam ng matinding takot.
Nabigla siya sa bilis ng mga pangyayari.
Kinaladkad siya ng lalaki at hindi ito nag -iisa may kasama pa itong apat na iba pa.Nagpupumiglas siya pero dahil malakas ang may tangan sa kanya ay wala siyang magawa.
Patuloy pa rin ang pagpupumiglas niya habang nagtatawanan naman ang mga lalaki.
"Ganyan ang gusto ko maganda na palaban pa!hahaha." Pang uuyam na sambit ng isa sa mga ito.
"Anong kailangan ninyo sa akin!" tanong ni Aubrey sa kanila.
Bigla namang hinawakan at hinatak ng isa sa mga lalaki ang buhok ni Aubrey.
Makikita na labis siyang nasasaktan sa ginawa nito."Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan di bale mamaya sasaya ka...kasi paliligayahin ka namin"natatawang sambit ng isa sa mga lalaki.
"Bitawan ninyo siya !" sigaw ng isang pamilyar na boses.
"Sinabi ng bitawan ninyo siya!"
AUBREY'S POV
Nakarinig na lang ako ng malakas na pagkalabog.
Nagulat ako ng makita ko si Bryan.
Yung lalaki na sumabunot sa akin kanina ay natumba dahil sa suntok niya.
Nanlilisik yung mga mata niya dahil sa labis na galit parang handang handa siyang mamatay at pumatay.
Hindi ko rin alam kung paano niya nakayang patumbahin yung dalawang iba pa.Bigla na lamang siyang natumba ng atakihin siya sa likuran ng dalawang iba pa.
Pero wala akong nagawa kung hindi ang masaksihan yung kaguluhan na nangyayari habang sinasaktan siya ng mga lalaking umatake sa akin kanina.
Basang basa ako sa ulan. Hindi ko maitakbo ang mga paa ko namanhid ang buong katawan ko.Kasabay ng malakas na patak ng ulan ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi maipaliwanag yung damdamin ko habang nakikita ko yung mga nangyayari. Naaalala ko na naman yung lahat. Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Napaimpit na lamang ako ng iyak.
"Ganyan nga Bryan...Mamatay ka...Die for me...Walang makakatumbas sa sakit na nararamdaman ko... kung hindi ang makitang maramdaman din ng mga taong nanakit sa aking ama... ang sakit na ipinaranas nila."mga bagay na naglalaro sa isipan ko ng tagpong iyon.
"Aubrey...takbo!" Sigaw sa akin ni Bryan na siyang naging dahilan para matauhan ako
Pinagtutulungan pa rin siya ng mga lalaki pero di ko magawang tumakbo hindi ko siya magawang iwan sa ganoong estado. Pagkakataon ko na yun para umalis at hayaan siya ng walang kahirap-hirap pero bakit parang tinatraydor ako ng puso ko. "Come on Aubrey, bakit parang ikaw ang na trap sa patibong na ginawa mo."
Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.Pinagmasdan ko siya...di niya alintana ang mga pagsuntok at pagtadyak sa kanya.
Yung mga mata niya puno ng pag aalala sa halip na indahin niya yung mga galos at sugat na meron siya... ako pa rin ang inaalala at iniisip niya..
"Bullshit Aubrey! , bakit nakakaramdam ka ng sakit at takot para sa kanya bakit nasasaktan ka habang pinagmamasdan mo siya .Hindi mo ito dapat maramdaman."
HAILEY'S POV
I grab my phone and decided to call them.
" Kumusta na yung pinapagawa ko? nagawa nyo ba ba?"
"Hindi pa Hailey, may dumating kasi na lalaki pero kami na ang bahala."
" Sino yung lalaki ?"
" Di namin kilala, pero ewan ko na lang kung kayayanin pa niyang tumayo pagkatapos ng gagawin namin sa kanya."tugon niya sa akin.
"Aubrey..Takbo!" sigaw ni Bryan
" Fuck..mga bobo kayo tigilan nyo yung ginagawa ninyo si Bryan yan ang tatanga ninyo. Umalis na kayo diyan ngayon din!" utos ko sa kanila
AUBREY'S POV
Bigla na lang silang huminto at umalis ng mabilisan . Nakalugmok si Bryan sa kalsada dahil sa bugbog na natanggap niya . Dali dali akong tumungo sa kinaroroonan niya . Putok ang gawing kilay ng mukha niya pati ang labi niya.
Hinawakan ko yung mukha nya.
"Bryan,please gumising ka !" pilit ko siyang ginigising. Natatakot ako... medyo mulat yung mga mata niya pero hindi siya umiimik ...hindi ko pala kaya ...hindi ko pala kaya na makita siyang ganito...
napakasama ko ...ng dahil sa akin napahamak siya at ni wala man lang akong ginawa kanina para tulungan siya..gulong gulo na yung isip at puso ko."Hindi ko na namalayan ang pagbuhos ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
The Heart-Shaped Locket
RomanceIsang masalimuot na mundo ang ginagalawan ni Aubrey Dale Sarmiento ngayon. Matapos ng isang pangyayaring maski sa hinagap ay di niya inaakalang kanyang mararanasan. Ang mundong kanyang ginagalawan ay sadyang mapait at mapaglaro.Paano nga ba siyang m...