*Marco’s POV
“si besh!!!!” gulat na sbi ni Kate.
“bakit?”
“walang syang payong!” she’s panicky.
“ano?” pasaway talaga yon “peram payong!”
Pagkalabas na pagkalabas nya ng paying ay agad ko itong kinuha. Without a word, tumakbo na ako papalayo, naka-payong syempre.
“oy! Wala akong payong!” pasigaw na sabi ni Kate sakin..
“tawagan mo nalang yaya mo!”
Mas kailangan to ngayon ni Tifa.
--------------------------------------
Nako! Nasaan kaya yon!? Magkakasakit sya nyan eh.. Pasaway na bata. Anlakas pa naman ng ulan. Pinag-aalala nya ako masyado… Pero teka… Galit ako sa kanya ah..
Dapat di ako nag-aalala ng ganito.
Dapat wala na akong pakielam sa kanya eh.
Dapat ano…
Dapat..
Dapat..
Haay!! Ewan ko ba! Masyado ko syang mahal... Mahal na mahal... Di ko sya magawang kalimutan. Kahit na lumayo na ko, sya parin pa rin ang lagi kong iniisip. Hindi ko sya kayang mawala sa buhay ko… hindi ko kayang hindi sya nakikita.. hindi ko kayang wala sya sa tabi ko.. Hindi ko na sya matiis pa kaya naman bumalik ako dito.
Miss na miss ko na sya..
Gustong-gusto ko na syang Makita at mayakap..
Ano ba yan!! Ang drama ko na masyado.. parang bakla. Tsk tsk =.=
Teka nga! Hinahanap ko nga pala si Tifa… Asan na ba yun?
[Lakad-lakad --- Lingon-lingon]
Andalim dito, walang streetlights.. Asan ka na ba Tifa?
Nagpatuloy ako sa paglakad..
Ayun!! Im sure sya na yon.. Lumapit pa ko ng konti para masigurado..
At tama nga ako.. sya na nga!! Naka-upo sya at nakayuko habang nakayakap sa bag nya..
Umiiyak sya?
Nilapitan ko na sya at itinapat ko sa kanya ang payong.. Nakayuko sya at nakasubsob ang ulo sya bag nya kaya di nya napansin ang paglapit ko…
Napansin nya sigurong din na sya nababasa ng ulan.. unti-unti nyang inangat ang ulo nya at tumingin sa akin.. kitang-kita ko kahit medyo madilim ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha.. medyo napatitig sya sa akin..
“M-Marco?” –nanginginig nyang sabi. giniginaw na siguro sya. Kawawa naman ang mahal ko..
Di na ako nakapagsalita dahil bigla nalang syang tumayo at mabilis na naglakad papalayo sa akin… Agad ko syang sinundan.. Hinawakan ko sya sa kanyang palapulsuhan at hinatak ko sya papalapit sa akin.. Niyakap ko sya ng mahigpit.. nabitawan nya ang bag na hawak nya kanina habang ako naman ay napabitiw na sa hawak kong payong.. kaya naman pareho na kaming nababasa ng malakas na buhos ng ulan.. pero wala na akong pakialam.. kailangan nya ko ngayon…
“nandito na ko.. di na kita iiwan Tifa..” namiss ko syang yakapin ng ganito.
“pero [sniffs] nababasa ka n--” di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya..
![](https://img.wattpad.com/cover/2229065-288-k131015.jpg)
BINABASA MO ANG
Back To Your Heart
Teen FictionPlease tell me... The words to say.... The roads to take.... To find my way back to your heart... <3