Chapter 10

46 6 0
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas at hindi ko pa rin pinapansin si Zhon matapos ang nangyari sa library. Aba, tama naman ako e. Lunch time na at alam kong kahapon pa nila napapansin ang pagiging ilag namin sa isa't-isa.

May gana pa talaga siyang hindi ako pansinin? E siya na nga itong mali.

Wait, magkaibigan lang naman kami. Bakit parang ang OA ko?

Malalim at malakas akong bumuntong-hininga.

"Parang ang lalim yata ng iniisip mo?"

"Huh?" Kumunot ang noo ko kay Guille.

"Tulala ka kanina pa. Nagdadabog ka pa." Lumapit siya sa akin at bumulong. "LQ?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wala man siyang binanggit na pangalan ay alam ko na kung sino ang pinatutungkulan niya.

Hinampas ko agad siya sa braso. "Hoy! Grabe ka naman!" sungit ko. "LQ agad?!" bulong ko pabalik.

Ngumisi siya. "Ay? Hindi ba? Okii!"

Napairap na lamang ako sa kawalan. Hindi ko namalayan na nagdadabog na pala ako. Kakainis naman kase si Zhon e.

Naturang apo ng may-ari ng school na pinapasukan niya, hindi sumusunod sa mga batas. Aba, kaya naman pala may mga kagaya niya rito e.

Pogi nga, pangit naman ugali! Hinding-hindi talaga ako mahuhulog sa katulad niya. Isumpa man kay Kupido!

"Oh, sa'n ka galing?" bungad ni Xerd kay Zhon nang huli itong bumalik sa classroom matapos naming kumain ng tanghalian.

"Diyan lang." Malamig ang kaniyang boses at walang emosyon ang mukha.

"May problema ba 'yon?" bulong sa akin ni Guille habang tinitingnan ang likod nito.

Nakararami na 'to ah!

"Pake ko ro'n? Close ba kami?" asik ko.

Tumango siya pero parang hindi naniniwala sa sinagot ko. "Ahh, hindi pa ba?"

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "Namumuro ka na. Walang kami, okay?"

Tinaas niya ang kaniyang mga kamay na parang sumusuko sa pulis. "Chill, okay? Wala akong sinasabi na may kayo. Pero bakit ba wala pa?"

"Guille!"

She laughed out loud and only stopped when our Professor came. Saved by the Prof.

Mabilis dumaan ang oras at uwian na. Thankfully, nauna nang umalis si Zhon. Hindi ko na alam kung anong pagsusungit pa ang gagawin ko kung makasabay namin siya pauwi.

"Hi, manong. Daan po muna tayo sa SB. Cravings, hehe," wika ko nang makita si manong Gab, ang family driver namin, na naghihintay sa labas habang nakatayo sa gilid ng kotse.

"Sige po, ma'am Shayn."

Ngumiwi ako. "Shayn na nga lang po. Matagal na kayo sa amin at hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin ako sinusunod."

Sinimulan niya na ang pagmamaneho. Mahina siyang tumawa nang marinig ang sinabi ko.

"Amo ko pa rin kayo. Dapat ginagalang."

"Bahala ka na nga po." I sighed in defeat.

Paano ba manalo sa nakatatanda sa iyo?

Mabilis naman kaming nakauwi dahil agad kong nakuha ang order ko sa SB.

"Mommy!" Tumakbo ako palapit sa kaniya sabay yakap.

I giggled when she hugs me back. "How was your day?"

Kumalas ako sa yakap at malambing na kumapit sa kaniyang braso. "Good naman, mom. Kayo? Where's dad?"

Naglakad na kami papasok sa loob.

"We're doing great, sweetie. Your dad is in the kitchen. Pero nagtatampo ako sa iyo. Bakit naman hindi mo sinasabi sa amin na may manliligaw ka na pala?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "M-manliligaw?!"

Ngumuso siya saka tumango. "Paano ka natutong maglihim sa amin?"

"Mom, I have no suitor! Kaibigan ko lang sila. Please, mom, wake up!"

Ngumuso siya sa likuran ko. "But he told us the opposite."

"He?"

Parang bigla kong gustong manapak!

Mabilis pa sa alas kwatro, hinila ko siya palabas ng bahay. Hindi ko na pinansin ang pagpigil sa akin ni mommy.

"What the hell are you thinking!? Why did you introduce yourself as my suitor!? We are just friends!"

"Pinaliwanag ko sa kanila na hindi mo ako manliligaw pero ayaw nila maniwala sa akin. Ang dahilan pa nga nila, unang beses daw ito na may pumuntang lalaki rito sa bahay niyo."

"For goodness sake, Zhon, you agreed not to cross the line! We have terms and conditions! Why the hell are you here?"

Tumitig siya sa akin. "Nandito ako para suyuin ka. Hindi ba sapat na dahilan 'yon para kalimutan muna 'yong pinagkasunduan natin?" masuyong sagot niya.

Napasapo ako sa noo. "Zhon, puwede naman kahit saan huwag lang dito. 'Di ba, sinabi ko na sa iyo na hindi ka p'wede pumunta rito? Ayoko magdala rito ng lalaki. Hindi mo ba naiintindihan 'yon?"

"Saan? Saan kita puwedeng suyuin, Shayn? Sa school ba? E kahit doon, iniiwasan mo ako e."

"Kahit sa text o tawag. Okay na 'yon. Huwag lang dito!"

Huminga siya nang malalim. Ginulo niya ang kaniyang buhok bago muling tumitig sa akin.

"Okay." Tipid siyang ngumiti. "I know we're just friends, you don't have to slap it on my face. I'm sorry for crossing the line. I'm sorry for making you angry. Sorry kung inisip ko na kapag pinuntahan kita rito para suyuin ka ay magiging okay na tayo. Isipin mo na lang na OA ako para mangyari 'to. You don't have to worry about crossing the line anymore." Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at ramdam ko ang lamig sa kaniyang boses nang sabihin iyon.

Hinawakan niya ang balikat ko saka ako hinarap sa pintuan ng bahay namin.

He whispered to me, "Pasok ka na. Mag-gagabi na."

Tinulak niya ako nang marahan. Ayokong lumingon sa kaniya pero parang may sariling utak ang katawan ko at ginawa ang salungat sa ayaw nito.

Muli siyang ngumiti at kumaway bago tumalikod sa akin at naglakad paalis. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o may luha sa mga mata niya. Tumama sa akin ang sinag ng araw kaya hindi ko iyon nakita nang malinaw.

Mabibigat ang mga hakbang na naglakad ako pabalik sa loob ng bahay namin. Hindi ko na pinansin ang mga magulang ko na nag-aalala at nagtatanong kung anong nangyayari. Dumiretso ako sa kuwarto at nagkulong. Nagtalukbong ng kumot at parang batang nagmukmok sa ilalim nito.

Tulala ako sa dilim habang naaalala ang lungkot sa mga mata at lamig sa boses niya bago siya umalis. Hindi ko maintindihan pero ang bigat sa pakiramdam. Parang nararamdaman ko rin 'yong kalungkutan niya. Masakit, mahapdi.

Long Distance RelationShit - UNDER MAJOR REVISIONWhere stories live. Discover now