"For The First Time"
Chapter 3:
Nakatulala si Mia ng mga oras na yun... Hanggang ngayon ay hindi mawaglit ang mukha ng lalaking iyon,
"May crush ba ako sa kanya?"tanong niya sa sarili at umiling...
Ngunit hindi niya maintindihan lalu't kapag naaalala ang mga ngiti nito...
Wala siyang gaanong gagawin at hindi na siya pinapunta ng kanyang mama, tumingin siya sa orasan. Dalawang oras pa bago ang pananghalian, pumunta siya ng kusina at naghanap nang maaring lutuin... Sanay siya sa gawaing bahay pagkat lagi siya naiiwan ng kanyang Mama, siya na rin madalas nagaasikaso ng kaniyang sariling pagkain...~
Abala si Gus sa mga binubuhat na sako, inililipat ito sa kabilang pwesto...
"Hi!"napalingon siya nang may bumati, nagtaka pa siya ng makita ito.
"Di ba ikaw si Miss. Mataray? Anak ni Dra. Alejandro" sagot nito sabay ngiti, napangiti na rin si Mia at inayos ang salamin...
"Ang totoo... Hindi naman talaga ako mataray! Pasensya ka na kahapon..."sagot niya, tumango lang si Gus at pansin nito ang dala-dalang basket at water jug...
"Magpi-picnic sana ako...at napili ko na dito mag lunch..."wika niya nang mapansin nakatingin ito sa dala niya...
"Dito sa site?" Nagtatakang tanong ni Gus at tiningnan ito...
Bumuntong hininga si Mia,
"Ang totoo... Yayain sana kita mag-lunch... Para naman makabawi lang ako sa pagtataray ko sayo kahapon..."amin niya, tila kabado siya at baka mapahiya lang.. Tumango si Gus at ngumiti...
"20 minutes pa bago ang break time, kung gusto mo dun ka muna sa bandang puno na yun... Dun ako kumakain... Hintayin mo na lang ako." sagot nito, ngumiti si Mia...
"Talaga!"di makapaniwalang papayag ito,
"Oo sige, hintayin mo na lang ako duon... At baka marumihan ka pa rito..." Sagot muli nito... Tumango si Mia at nagmamadaling tinungo ang lugar na tinuro nito...
~
Papalapit na si Gus, pansin niyang nakahanda na ang pagkain na dinala nito, napailing siya at nangiti. Lumingon si Mia nang mapansing palapit na ito...
"Salamat ha!"wika niya at naupo napatingin siya kay Mia, tila nahiya naman siya kaya bumaling sa pagkain...
"Wala yun... Wala rin kasi si Mama, Kaya ako lang din magisa kakain..."sagot niya at inabot na ang pagkain dito...
"Mahirap din trabaho ng mama mo, di ba?" Tanong niya at kinuha ang pagkain na inabot nito...
"Oo..."maikling sagot nito... Napatingin si Gus dito...
"Teka, kanina pa tayo naguusap...Anu pala pangalan mo?"tanong niya, tumingin si Mia rito,
"Mia..."sagot niya at inilahad ang kamay, ngumiti si Gus at tinanggap yun...
"Gus...salamat muli Mia sa susunod ako naman mag aaya kumain..."sagot nito,
"Ha?"gulat siya sa sinabi nito.
"Oo,kasi nilibre mo ako ngayon....kaya sa susunod ako naman..."tugon nito, natawa si Mia...
~
Hindi na naman dalawin nang antok si Mia ng gabing iyon, pakiramdam niya ay hawak pa rin ang kamay ni Gus...
Tuwang-tuwa talaga siya kanina nang makasabay itong kumain..."Oh my god!!! Inlove yata ako kay Gus.." bulong niya at tila gustong sumigaw sa nararamdamang kilig...
~
Bago pumunta sa Hospital ay dumadaan siya sa construction site, dinadalhan niya nang pananghalian ito. Natutuwa naman si Gus pagkat nagkaroon siya nang kaibigan sa pamamagitan ni Mia...
"Pupunta ka na sa Hospital?"tanong ni Gus, kinuha lang nito ang ibinigay ni Mia sa kanya. May dalawang linggo na sila magkaibigan nito,
"Oo! Hinatid ko lang ito at baka hindi ka mag lunch..."sagot niya, ngumiti si Gus...
"Marami na akong utang sayo... Hayaan mo at bukas ay sahod na... Yayain naman kita..." nakangiting wika nito... Pakiramdam ni Mia ay namula siya, kaya ngumiti na lamang...
"Sige Gus, pupunta na ako sa hospital..." paalam niya, tumango ito,
"Mag-iingat ka ha!"bilin nito, sumakay na siya sa bisikleta at mabilis na nilisan ang lugar... Nasundan ni Gus ito ng tanaw...
"Nakakatuwa talaga siya..."bulong niya at bumalik sa site...
~
Napatingin si Dra. Lorna kay Mia, pansin niyang tulala ito at napapangiti...
"Parang may napapansin ako sayo Mia..."puna sa kanya, tila nagising naman siya...
"Anu yun ma?"tanong niya, tumingin ito sa kanya,
"Para kasing may kakaiba sayo ngayon?"tila tanong nito, ngumiti lang si Mia,
"Naghahanda lang ako sa darating na pasukan..."sagot niya,tumango lang ang mama niya... Bigla niya naalala ang pagyaya ni Gus kumain bukas, kanina inabangan siya nito dumaan kaya nasabi sa kanya kung saan sila magkikita...
"Ahmmm... Mama, bukas may pupuntahan po ako, at baka dun na rin po ako kumain ng dinner..."paalam niya, tumingin ito sa kanya,
"Please... Mama..."dagdag pakiusap niya,
"Ok!pero... Hindi ka masyado magpapagabi!" bilin nito.
"Opo mama! Promise..." pangako niya...
BINABASA MO ANG
For The First Time (COMPLETED STORY)
RomanceIsang Gus ang darating at magpapa-tibok sa batang puso ni Mia... Si Mia na naniniwala na soulmate niya si Gus, lalu sa mga espesyal na trato nito. Isang araw ay bigla na lamang itong lumayo para hindi siya lumagpas sa limitasyon, ang pangako nito ay...