Chapter: 31

58 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter: 31

Abala si Mia sa pagaayos para sa kanyang kasal kinabukasan, napangiti siya nang may magpadala ng bulaklak at binuklat ang card na naroroon...

"I love you... Magkita tayo ngayon sa site... Your love: Gus..." Basa niya, nag ayos muna siya bago pumunta sa lugar na pupuntahan...

~

Mag alas syete na nang gabi, kabado na si Gus dahil kanina pa niya tinatawagan si Mia... Hindi sa kanya galing ang mga bulaklak at lalung wala siyang alam kung saan ito nag punta, nagmamadali siyang sinagot ang cellphone ng tumunog ito..

"Hello!"si Gus...

"Natatandaan mo pa ba ako?"sagot sa kabilang linya, bigla siyang kinutuban...

"Mark! Nasaan si Mia?"tanong agad ni Gus, tumawa nang malakas ang nasa kabilang linya...

"Sa lumang site... Pumunta ka walang pulis, kundi papatayin ko si Mia..."sagot nito, at pinatay na ang kabilang linya...

"Hello! Hello!"tugon niya ngunit patay na ang kabilang linya...

"Gus?"tila nagtatanong si Lorna,

"Hawak niya si Mia,  kailangan ko pumunta.... "
"Sasama ako! " si Lorna

"Delikado tita, pero kapag hindi ako nakabalik agad sa loob ng 30 minutes... Magpadala na kayo ng pulis..." wika niya at mabilis ng lumabas para puntahan ang lugar na sinasabi nito...

~

Nakatali si Mia at may takip ang bibig, kitang kita niya ang ginagawa ni Mark...

"Balita ko takot sa apoy ang mahal mo..."wika nito habang nagbubuhos ng gasolina sa paligid, umiiyak si Mia at pilit na nagpupumiglas para makawala... Lumapit ito at tinaggal ang nakatakip sa bibig niya...

"Mark pakawalan mo ako!!!"sigaw niya, natawa lang ito at hinaplos ang buhok niya,

"Bakit si Gus pa? Bakit hindi ako? Ang tagal din kitang hinintay, simula bata pa tayo malaki na gusto ko sayo!!!"sabi nito, napailing si Mia,

"I'm sorry Mark, pero kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sayo... Parang awa muna pakawalan muna ako..."sagot ni Mia, natawa ito nang mapakla,

"Kung hindi ka man mapupunta sa akin, mas mabuti pang magsama sama na lang tayo sa impyerno!!!"tugon nito tumawa ng malakas at iniwan siya,

"Nababaliw ka na!!!, bumalik ka dito Mark pakawalan mo ako!!!"sigaw ni Mia...

Sinara nito ang pinto, naiwan si Mia na pilit kumakawala sa pagkakatali... Bigla siya napalingon ng makitang umuusok na ang pintuan at narinig niya ang putok ng baril...

"Diyosko..."bulong niya,
"Saklolo!!! Tulungan niyo ako!!!"sigaw niya at bigla ng naubo gawa ng usok,

Nakarating na rin si Gus at pansin ang kumakalat na apoy, nagmamadali siyang pumasok sa loob ng gusali...

"Mia!!!"tawag niya, agad na narinig ni Mia iyon.

"Gus!!!, andidito ako!!!"sagot ni Mia, agad na pinuntahan iyon ni Gus... Nagbabasakan ang mga kahoy, sinipa niya maigi ang pinto...

Pagkabukas ay nagliyab, pagkat pumasok ang apoy... Napaligiran si Mia...

"Mia!!!"tawag niya,

"Gus!!" Si Mia at inuubo na, hindi magawang tumalon ni Gus... Dala ng trahedya nuon kaya nagkaroon siya ng Phobia sa apoy...

"Gus, bilisan mo!!!"sigaw ni Mia nagkalaglagan ang kahoy sa uluhan ni Mia kaya bumagsak ito at nawalan ng malay, nanlalabo naman ang mata ni Gus sa usok...

"Mia!!!"tawag niya ngunit walang sumasagot...

"Diyosko, tulungan mo ako..."bulong niya at pinilit tumalon, napaso siya ngunit hindi na ininda... Nakita niya ang nakadagan kay Mia , agad itong tinanggal...
Lalung lumalakas ang apoy, napapaligiran na sila...

"Mia..."tawag niya ngunit walang malay ito... Binuhat na niya ito... At nagamamadaling tumalon sa kabila, tumalon siya muli sa may bintan at duon na sila bumagsak parehas...

~

Nagmulat si Mia, nasa hospital na siya... Maayos na ang kanyang pakiramdam...
Agad niya nakita ang kanyang Mama

"Ma, si Gus?"tanong niya agad,ngumiti si Lorna

"Nasa kabilang kwarto lang si Gus... At maayos na rin ang lagay niya..."sagot nito, ngumiti si Mia at muling pumikit para makapag pahinga..

  
#AuthorCombsmania

For The First Time (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon