Chapter: 30

54 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter:30

Napabalikwas ng bangon si Gus, naramdaman niyang wala na siyang katabi...

"Nananaginip lang ba ako?"bulong niya, ngunit napatingin siya sa kama at may mantsa ng dugo roon. Napailing siya,
"Totoo pala..."muling bulong niya, napalingon siya nang pumasok si Mia, may dala itong almusal... Napangiti siya...

"Good morning, sorry at nakielam na ako sa kusina mo..." wika nito at tumabi sa kanya, hinalikan niya ang labi nito...

"You don't need to sorry, magiging misis na rin kita..."tugon niya at kinuha nito ang binigay na kape...

"Ok ka na ba?" tanong ni Mia, ngumiti naman si Gus at tumango...

"Gus... Magiging magasawa na tayo, kaya gusto ko sana malaman... Kung bakit nagkaka ganyan ka?"tanong niya muli, tumitig ito sa kanya at bahagyang bumuntong hininga...

"13 years ago... Mula nang mangyari ang trahedyang, nagpabago sa buhay ko..."simula nito, nakatingin lang si Mia at handang makinig...
"12 years old lang si Janeth nuon..."dagdag nito...

~

"Kuya!" Tawag ni Janeth sa kanya, lumingon siya nang lumapit ito...

"Janeth, di ba sinabi ko na dapat sa malayo ka lang, baka mabagsakan ka ng mga kahoy at bakal dito..."saway ni Gus, ngumiti lang ito...

"Kuya duon lang ako, promise hindi ako gagalaw ng kahit na ano..."tila sagot nito at humalik pa sa kanyang pisngi, malambing talaga sa kanya ang bunsong kapatid kaya mahal na mahal ito...

"Ok.. Huwag kang masyadong lumayo, maliwanag?"bilin niya, tumango ito at nagsimula nang lumakad...

Naging abala na siya sa kausap, dahil tinitingnan niya ang plano ng building na tinatayo...

Nagpunta si Janeth sa isang kwarto na puro pintura, napansin niyang natanggal ang kanyang sintas kaya inilapag muna ang manika at dali daling inayos ang sintas ng sapatos...

"Patayin mo na yang sigarilyo mo at baka mapagalitan tayo ni Mr. Diliman..."saway ng isang lalaki, napatingin muna ang lalaki sa paligid bago ihagis ang upos nito... Ang buong akala nito ay napatay na ang baga...

Sinara nila ang pintuan, sa inakalang walang tao sa loob...

Mabilis na gumapang ang apoy sa mga pintura, nagsiliyab naman ang mga pinturang naroroon...

"Agghh..agghhh.. "Ubo ni Janeth at napansin na mausok na ang paligid,

"Kuya!!!"tawag nito...

"Boommm!!!"malakas na pagsabog, na nagpagulo sa mga tao,

"Anu yun?"nagulat si Gus at napatingin sa umaapoy na bahagi ng gusali...

Nang dahil sa pagsabog na nangyari ay nagkalaglagan ang mga kahoy, naipit ang paa ni Janeth at hindi makaalis...

"Kuya!!!"umiiyak na tawag nito kay Gus, at lalung inubo dahil nalalanghap na ang usok...

"Nakita niyo ba kapatid ko?"tila histerikal na niyang tanong sa mga tao, mabilis pa rin siyang pumasok sa loob kahit na mausok para lamang mahanap ang kapatid....

"Janeth!!!" Sigaw niya, napapapikit siya dahil sa usok na tumatama sa mata...

"Kuya!!! Tulungan mo ako!!!"narinig niyang sigaw nito...

"Janeth!!!"tawag niya muli at mabilis na pinuntahan ang pinangagalingan ng boses, sarado ang pintuan at halos nilalamon na ng apoy...

"Janeth!!!"sigaw niya at sinipa iyon ng sinipa, bumukas rin sa wakas ang pintuan...
"Janeth!!!"tawag niya, napapaligiran ng apoy ang buong kwarto,

"Kuya!!!"tawag nito sa kanya, humakbang siya para hanapin ito, nakita niyang nadadaganan ito nang mga kahoy...

"Janeth!!!"mabilis niyang tawag sa pangalan nito, napapalibutan ito nang apoy kaya hindi siya makalapit...

"Kuya!!!"tawag nito at ang kamay ay nagpapa abot sa kanya, pilit na inaabot ni Gus ang kamay nito... Napapaso na rin siya sa sobrang init sa loob...

"Malapit na..."tugon niya, ngunit ang katabing pintura nito ay sumabog... Tumalsik si Janeth at napalayo sa kanya,

"Janeth!!!" Sigaw niya at nakita itong pilit tumatayo at inaabot ang kamay,

"Kuya...."tawag muli nito, hindi niya magawang pumasok masyado nang malaki ang apoy... Hindi na siya makahakbang at marahil pati siya ay masunog.....

"Kuya... Tu-tulong..."sabi nito na nakatitig sa kanya, tumulo ang luha ni Gus at napapikit...

"Janeth..."bulong niya at pagdilat ay kitang kita niya na nilalamon ng apoy ang katawan nito...

"Janeth!!!" Sigaw niya at sumabog pa ang natitirang pintura,tumalsik si Gus sa may bintana at nawalan nang malay...

Sa Hospital na nagkamalay si Gus, tulala siya sa tuwing maalala ang eksena nila ni Janeth..

"Gus ..."si Bob at binigay nito ang nakuhang gamit sa kanyang damit...

Lalu siyang napaiyak, kwintas yun na ireregalo pa sana niya kay Janeth dahil malapit na ang birthday nito...

"Kasalanan ko ito!!! Naging duwag ako!!!" Sigaw niya at hindi na napigilang umiyak nang umiyak....

Napansin ni Mia ang pagtulo ng luha nito, tumingin si Gus sa kanya at hinawakan ang kwintas niya....

"Magkahawig kayong dalawa, kaya nuong una pa lang kita nakita... Hindi na ako lumayo sayo, ayoko mapahamak ka... At isa pang dahilan ay minahal kita sa kabila ng edad mo." paliwanag nito, niyakap siya ni Mia...

"Mula nuon sinisi ko sarili ko, bumalik lang ulit nang magkatampuhan tayo... At marinig ko ang salitang duwag, Dahil naduduwag ako..." dagdag nito, kumalas si Mia at tinitigan siya

"I'm sorry Gus... But please, wala kang kasalanan walang may gustong mangyari ang bagay na yun... It's already a past, kalimutan muna lahat at ibaon sa limot... At sabay natin harapin ang ngayon..."tugon ni Mia, ngumiti si Gus at hinalikan siya sa labi pagkatapos ay niyakap muli,

"Salamat mahal ko..."bulong nito,

"Hindi kita iiwan Gus, kaya huwag mong iisipin ang bagay na yun... Mahal na mahal kita..."sagot ni Mia at yumakap ng mahigpit sa kanya...

  
#AuthorCombsmania

For The First Time (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon