"For The First Time"
Chapter 7:
Napansin ni Dr. Alejandro na parating na ang anak, kababa lamang niya sa kotse. Nakita rin niyang kasama nito si Mr. Diliman...
"Good evening Doktora.." bati ni Gus, ngumiti ito habang si Mia naman ay humalik sa kanyang pisngi. Napansin niyang kaibigan pala ng kanyang anak ang pasyente.
"Ma! Nakilala ko po si Gus nung nasa ospital po ako.. " Wika ni Mia,
"Dra. Alejandro, hinatid ko lang po si Mia.." sabat naman ni Gus, tumango lang si Lorna at ngumiti...
"Tamang-tama, Dito ka n.maghapunan Mr. Diliman..." alok ni Lorna, ngumiti naman siya rito ...
"Sige po Doc... Hindi naman po ako makakatanggi..." tanggap niya sa alok nito at tumingin kay Mia...
~
Nakaupo si Gus sa harap ng hapag kainan, wala si Mia dahil umakyat ito... Sila lamang ni Dra. Lorna ang naroroon..
"So Mr. Diliman, kamusta na ang nararamdaman mo?" tanong nito at uminom ng Red wine, ngumiti si Gus...
"Mabuti na... Nakakatulog na ako nang maayos, nakatulong sa akin ang anak ninyo. Nalilibang ako kapag magkasama at magkausap kami..." sagot niya rito, napangiti si Lorna sa kanya,
"Mabuti naman at naging magkaibigan kayo.. " Sagot din niya,
"Oo nga ho ang totoo, nawala na iniisip ko mula may nakakausap ako... At nagpapa-salamat ako dahil dumating si Mia..." katwiran pa niya...
"Kaya pala si Mia, ay minsan lumalabas... Hindi kasi siya pala-labas, sa akin lang siya pupunta at school.. Bihira ko lang siya makitang may mga barkada, hindi siya tulad ng ibang kabataan at dahil na rin nasanay siya mag isa lalu kapag may mga seminar ako.." mahabang sagot nito, tumango si Gus,
"Nagpapasalamat ako at may kaibigan siyang tulad mo..." dagdag pa nito, napansin na nilang nakababa na si Mia... Umupo na ito sa bakanteng upuan..."Anak kamusta pala ang piano lesson mo?" Tanong ni Lorna,
"Mabuti naman Ma... Sa sabado po pala, kasama ako sa program tutugtog ako at kakanta..." sagot niya, napatigil si Lorna dahil ang araw na yun ay kailangan niyang umatend ng seminar..
Napansin ni Mia iyon, kapag ganuon ang reaksyon ng ina alam niyang may mahalaga itong lakad..."Ayos lang Ma! Alam ko may lakad ka..." Nahulaan na ni Mia,
"I'm sorry Mia marami na akong utang sayo, 2 days akong mawawala..." paumanhin ng kanyang ina, naiintindihan naman ito ni Mia,para rin sa kanya ang ginagawa ng ina...
"Mia! Andito naman ako! Ako na lang ang pupunta sa program mo.. "Prisinta ni Gus, ngumiti si Mia sa kanya,
"Salamat Gus at sayo ko na muna ibibilin si Mia... Habang wala ako, may tiwala ako sayo.." bilin niya kay Gus, ngumiti naman si Gus at tumingin kay Mia...
Masayang masaya si Mia, pakiramdam niya tuwang-tuwa ang kanyang puso sa pagprisinta nito...
~
Nageensayo na maigi si Mia sa pag-piano, nasa bahay lang siya at pinag aaralan maigi ang mga notang itutugtog...biglang pumasok sa isipan niya si Gus...
"Sana magustuhan niya..Para sa kanya ito..." kausap niya sa sarili at nangiti...
"Aba! Iniisip siguro ang crush niya?" Nagulat si Mia at lumingon kay Gus, may dala itong meryenda sa kanya...
"A-anung sinasabi mo diyan..."nauutal niyang tanong, nilapag nito ang dala,
"Narinig ko yun ah?" biro nito at lumapit sa kanya...
"A-anung narinig?" tanong niya muli... Napangiti si Gus sa kanya,
"Uy! Namumula ka.. Hahaha.." natatawang biro nito, namula na nga si Mia kaya agad siya umiwas ng tingin dito at tumalikod...
Napansin ni Gus na tahimik ito..."Binibiro lang kita ha!" Bawi nito, lumingon si Mia...
"Ok lang..." sagot niya at tinungo ang kusina, napasunod si Gus. Nakita niyang nagtimpla ito ng juice...
"Sanay na sanay ka talaga, kahit wala mama mo..." wika ni Gus, lumingon si Mia at ngumiti lumapit ito at inabot ang juice sa kanya...
"Naalala ko nga pala... Ibinilin nga pala ako sayo ni Mama, kaya ka pala andidito.."sagot nito, ngumiti na rin si Gus at ininom ang Juice...
"Hindi ka pumasok?"tanong ni Mia,inubos muna nito ang iniinom...
"Hindi, hanggang bukas para sa program mo.." sagot niya,
Napatitig si Mia dito, may balbas at bigote lang si Gus pero kung wala ito lalu siguro gwapo ito.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"tanong ni Gus...
"Sana bukas, Wala ka nang balbas at bigote... Para hindi ka magmukhang matanda." saad nito, biglang natawa si Gus,
"Fine! Hayaan mo bukas... Gwapong Gus ang escort mo!"sagot nito na may kasamang biro..Natawa rin si Mia...
"Halika na... Mag-meryenda na tayo!"yaya ni Gus, napasunod na rin si Mia
BINABASA MO ANG
For The First Time (COMPLETED STORY)
عاطفيةIsang Gus ang darating at magpapa-tibok sa batang puso ni Mia... Si Mia na naniniwala na soulmate niya si Gus, lalu sa mga espesyal na trato nito. Isang araw ay bigla na lamang itong lumayo para hindi siya lumagpas sa limitasyon, ang pangako nito ay...