Lesson 10

8K 135 7
                                    

Author's Note: Became so busy with our case study! Hindi ko na nabantayan ang oras at ang panahon. Idamay niyo na ang gastos at pagod. Sorry sa mga nag-abang ng araw-araw na update. I just really have to finish my case study then I'm done! I can focus now on writing stories again!

The italicized parts are RANDOM FLASHBACKS. Kung kaninong mga alaala man yun, its for you to find out. ;)

****

Avery Rain Santillan

Hindi ko alam kung paano ko nagawang palipasin ang isang linggo sa opisina ng iniiwasan si Kyron. It kind a helped me too that he's not bothering me that much. Maybe he's busy with Amber. Nagtetext siya pero hindi ko nirereplyan. I just don't feel doing it.

"Ang lalim ng iniisip mo Avery. I thought you invited us here to enjoy pero bakit mas mukhang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" Tanong ni Joseph while enjoying the martini prepared by our bartender.

"Ewan ko din." Kibit-balikat na sagot ko sa kanya. "Maybe I just wanted to think things out. And maybe relax too?"

Tumingin sa langit si Joseph habang nilalaro ang tubig ng pool gamit ang paa niya.

"Have you ever thought that life is unfair Avery?"

His question made me look to him. He glanced my way smiling like there's no tomorrow. "Kahit sa mga mayayaman, unfair pa rin ang buhay di ba?"

He's right. May mga bagay na kahit gustuhin naming makuha, hindi para sa amin. Hindi laan para sa amin.

Parang sa pag-ibig. Kahit na gusto ko ang isang tao, hindi siya mapapasaakin dahil hindi naman ako ang mahal niya.

"Rich or not, tao pa rin yan. Pare-parehas lang tayo ng pagdadaanan. Pare-parehas tayong masasaktan, mahihirapan, magdudusa at iiyak."

I heard him chuckled kaya napalingon ako sa kanya. "What's your problem?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.

"Now you said it. Ang pessimistic ng mga sinabi mo. Masasaktan? Mahihirapan? Magdudusa? Iiyak?" Sinundan niya ulit iyon ng mahinang pagtawa. "May problema ka nga Avery. Care to share?"

Should I trust you?

Yung agad ang pumasok sa isip ko ng itanong niya yun pero nagawa kong pigilan ang sarili ko na bigkasin ang mga iyon. Pwede ko naman sigurong sabihin sa kanya. Mukha namang hindi magiging problema yun. Hindi ko na lang siguro papangalanan yung mga involved.

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang magkwento. "I liked this guy kaya lang parang hindi naman siya interesado sa akin."

"Ah, unrequited love lang pala. Simple lang yan. Ituon mo ang atensyon mo sa iba." Simpleng sagot niya na akala mo napakadaling gawin ng sinabi niya.

Well, I actually tried the things he said. Akala ko kapag inabala ko ang sarili ko sa mga bagay-bagay, mawawala sa isip ko yung katotohanan patungkol sa kanila ni Amber. I don't want to assume but its quite obvious on their part. At hindi rin naman ako magtataka kung maging sila man. Si Amber naman talaga ang gusto ni Kyron.

"Akala mo napakadaling gawin." Komento ko sa sagot niya. Dudugtungan ko pa sana yung mga sinabi ko pero naunahan ng notification tone ng phone ko ang boses ko.

Her Deceitful AdonisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon