[TDS(1)] : ADLS 49

597 21 1
                                    

Chapter 49

HEARTNELLE'S POV

Halos mag tatatlong buwan na mula nung mag hiwalay si kuya at Bea. Medyo okay na si kuya ngayon, hindi katulad nung mga naunang buwan. Halos hindi siya nag sasalita. Mabuti naka recover na siya ngayon.

"Next next monday na birthday mo Heart ano balak mo?"biglang tanong ni Light

Nandito kami sa garden. Vacant ngayon eh.

"Anong anong balak ko?"tanong ko

"Anong balak mong gawin? May pa party ka ba?"-Atasha

"Anong party? Mga baliw! May pasok nun! Papasok ako syempre!"sabi ko

"Hoy ang korni mo! 18th birthday mo yun! Debut! Tas wala ka manlang celebration?"-Light

"Eh kailangan pa ba yun?"tanong ko

"Aba eh natural fshie! Sabog ka rin eh noh?"sabi ni Ali tas binatukan ako

"Grabe ka fshie bakit ka nambabatok? Tsaka isa pa, okay na sakin kahit simpleng celebration noh. Kasama ko naman kayo eh."sabi ko habang hinihimas yung batok ko

"Hindi pwedeng hindi ka mag paparty! Kailangan yun noh! Isang beses ka lang mag eeighteen eh!"-Shua

"Eh wala pa naman atang balak sila mama eh. Tsaka malayo pa yun! Atat kayo noh?"sabi ko

"Syempre kailangan pag handaan na yan! Yung gown mo! Tas yung 18 candles! Tas 18 gifts! Tas syempre yung 18 roses! Yieee!"-Twinnie

"Eh pano ako mag gaganyan? May pasok nga nun diba? Alangan naman umabsent ako? Sino naman pupunta sa party ko na yun? Eh nasa school kayo nun lahat? Kaya mas mabuti pang wag nalang noh! Dito nalang tayo sa school mag celebrate kahit simple lang. Basta sama sama!"sabi ko

Bigla naman akong binatukan nila Ali at Light.

Aba!

Ang ganda kaya nung sinabi ko! Tas babatukan lang nila ko?!

"Bakit ba kayo nambabatok?!"

"Pwede naman early celebration eh! Gaya nung debut ko nung last year. Tuesday kasi yung birthday ko nun kaya para makapag celebrate, ginawang sunday yung debut ko. Ganun lang Heart! Ikaw talaga!"-Twinnie

"Eh gastos lang yun!"

"Wag ka na umangal! For sure pinag hahandaan narin yan nila tita Therese!"-Emzey

"Oo nga naman Heart. Minsan ka lang mag dedebut, hindi mo na dapat palagpasin."-Ate Mhiexie

"Oo na oo na!"

Pero sa totoo lang may dream debut talaga ko eh! Alam niyo yung parang magical? Ganun hehehehe! Pero wag nalang! Magastos masyado! Okay na yung simple lang.

"Yown! Sa 18 candles ako! Papaiyakin kita fshie bwahahaha!"-Ali

"Sige ikaw bahala! Hindi mo ko mapapaiyak Ate Ali bleee!"sabi ko

Ako kaya pinakabata samin kaya ako bunso nila hahahaha!

"Wag mo nga kong ma ate diyan Heartnelle! Gusto mo ng batok?"sabi niya sabay amba

Pinang shield ko naman yung dalawang braso ko.

"Joke lang eh!"

"Teka asan na yung vitamilk ko? Dito ko lang yun nilapag!"sabi ko tas tumayo tas nilibot yung tingin ko sa buong paligid

Uwaaaa yung vitamilk ko!

"Ayun oh iniinom ni Selina!"sabi ni Dasha sabay turo kay Selina

Sinamaan ko naman tingin si Selina.

The Dreamers Series 1: A Dream Love StoryWhere stories live. Discover now