Chapter 5

172 13 5
                                    

MONIQUE'S POV

Kilala niyo na naman ako di ba? Bestfriend ko yung babae na tanga sa story na 'to . Hihi .

Tulad ngayon mukha siyang tanga . Naka'tulala at wala sa sarili . Kahit nag lelesson .

" Hoy! "

Hindi ako pinansin . Tulala pa din .

" Psst . Cess . "

Deadma pa din . Teka nga ..

" Aray! Para saan yun? Ang sakit ah! Sadista ka!" reklamo niya . Hinampas ko kasi siya ng malakas .

" Sobrang laki ba ng problema at kailangan mo talagang mawala sa sarili mo? " sabi ko habang ina-ayos yung gamit ko . Kaka'tapos lang ng class namin eh .

" Oo . Malaki . " she frowned .

" Si Yvo nanaman ? "

" Kasi Monique , nag-usap kami ni Yvo kagabi . " She sighed .

" Oh? Anong nangyari? Break na kayo? Oh my gosh! Good news ya - - - "

" Pwede ba . Hindi kami nag break . " inis na sabi niya .

Tss . Kala ko pa naman nag break na sila .

" Ang pinag-usapan namin tungkol kay Lance . Nagseselos daw siya kay Lance . " pagpapa'tuloy niya .

" Hoy! Ang kapal naman ng mukha niya sabihin na nagseselos siya kay Lance . Kasalanan naman niya kung bakit ganito ang sitwasyon . At isa pa , nagseselos ka rin naman kay Mitchelle ah , pero hind ka naman nagrereklamo . " sermon ko kay Cess .

Ang kapal kasi talaga ng mukha ng Yvo na yan! Tuwing naririnig ko yung pangalan niya nag-iinit yung ulo ko >.< .

" Ano bang dapat kong gawin? " seryosong tanong niya 

" Edi hiwalayan mo si Yvo . Tapos subukan niyo ni Lan - - - "

" Seryoso ko . Kaya mag advice ka ng seryoso! " putol niya sa sinasabi ko

Mukha bang JOKE yung sinabi ko sa kanya?

" Seryoso din ako Cess! Ang pinaka the BEST na solusyon ay hiwalayan mo si Yvo . " totoo naman eh . Yun talaga!

" Ayoko! Hindi ko kaya . "

Hindi niya kaya? Bullshit na reason! Ang tanga talaga ng bestfriend ko .

Sarap ihulog sa hagdan o kaya ipa-lapa sa buwaya =_____= .

PRINCESS' POV

Sabi ko na nga ba eh , maling humingi ng payo kay Monique .

Pero kasi gulong-gulo na ko . Di ko alam dapat gawin .

" Ewan ko sayo Cess! May sayad ka . Ang sakit mo sa ulo . " hinulot niya yung sentido niya .

" Mahal na mahal ko lang kasi talaga si Yvo . "

Hindi siya nagsalita pero yung mukha niya , parang nasusuka na ewan .

Hayy ..

Ano bang dapat kong gawin? Ang dami-dami kong ini-isip .

Isa na dun yung pag-uusap namin ni Yvo . Hayy .. Nagseselos daw siya kay Lance , pero wala naman daw siyang magawa kasi kasalanan niya . Humingi pa nga siya sakin ng Sorry , dahil hindi niya pa daw mahiwalayan si Mitchelle . At marami pang ibang issue kaming pinag-usapan .

Tapos idagdag pa yung pangungulit ng Mommy ni Lance about sa kasal daw .

Hayy .. Ang sakit sa ulo . Feeling ko mababaliw na ko eh .

Sobrang complicated .

LANCE'S POV

Andito ko sa tapat ng school nila Princess , hini-hintay ko siyang lumabas . Sabay na kaming uuwi .

Sa totoo lang kanina pa ko dito eh . Ang tagal niya ata .

" Monique . " tawag ko nung makita ko na palabas siya ng gate .

" Oh Lance , bakit andito ka? " she ask smiling .

" Hini-hintay ko si Princess eh . Asan na ba siya ? "

Lumapad naman yung ngiti niya .

" Ayiee! Ikaw ha . Nahahalata na kita ." sabi niya gamit ang mapang-asar na tono . Maganda si Monique , maputi at parang anghel yung mukha . Ang amo eh .

" Anong nahahalata? " tanong ko .

" Na gusto mo na si Cess . Yieee! " sabi niya habang sinu-sundot yung tagiliran ko

" Hindi ah . " mabilis na sagot ko .

" Kunwari ka pa diyan eh . Kung di mo siya gusto , bakit hini-hintay mo siya ? Dati naman di ka ganito eh . " ngumisi siya ng nakaka'loko .

" Hindi nga sabi . Nagka'taon lang na napadaan ako dito . " paliwanag ko .

Nagka'taon naman talaga eh . May binili kasi ako , eh sakto naman na yung school nila is madadaanan . 

" Oo na lang Lance . " tumawa pa siya .

" Seryoso nga kasi . "

" Wag ka na mag deny . Boto naman ako sayo eh . " sabi niya habang tuma-taas'taas pa yung dalawang kilay .

Boto? Sakin? Para saan?

" Eh teka nga lang Monique , nawala na tayo sa topic eh . Asan ba si Princess? Bakit di kayo magkasama? " naiba na kasi yung topic eh .

" Hmm . Umalis na kanina pa . Sinundo siya ni Yvo . "

That's why ..

" Gusto mo mag dinner? My treat . " aya ko .

" Ikaw ha! Nagpapa'lakas ka talaga sakin . Anyway , sure . Libre mo naman eh ." tumawa siya .

- - - - -

Kakadating ko lang sa bahay . 8PM na . Almost 2hrs. din kaming nagkwentuhan ni Monique . Ang kulit ng babaeng yun at sobrang daldal .

Andito na siguro si Princess , bukas na yung mga ilaw eh .

" Andito ka na pala Lance . " bungad niya ng maka'pasok ako ng pinto . Nasa sala kasi siya at nagbabasa .

" Ah . Oo " simpleng sagot ko .

" Saan ka galing? 4PM pa tapos ng klase mo ah . " sabi niya habang di ina-alis yung tingin sa bina-basa niya .

" Hmm . Nagdinner lang with Monique . "

Nalipat yung tingin niya sakin pagka'tapos ko yang sabihin .

" Monique? Yung bestfriend ko? "

" Yep . "

Sumimangot siya . Di ko alam kung bakit .

" Itatago ko na yung pagkain . Kumain ka na kasi pala . Akala ko hindi pa . " sabi niya matapos isara yung bina-basa niya .

" Nagluto ka? "

" Hindi . Binili lang namin yan ni Yvo . Pasalubong sana sayo . Kaso naman pala , kumain ka na . " sabi niya habang nililigpit yung mga pagkain sa lamesa .

Akala ko naman nagluto siya . Psh .

Pero anong problema? Feel ko kasi Badtrip siya .

" Papasok na pala ko sa kwarto 'to . Ikaw na bahala mag lock ng mga pinto . "

Magsasalita pa sana ko , kaso ang bilis niyang naglakad papasok sa kwarto niya .

Problema nun?

PMS?

Let's Just PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon