PRINCESS' POV
Im here at my room at nagmamadali ako mag-ayos .
" Princess ano ba? Matagal ka pa ba? " sigaw nung tao sa labas .
Aish . Kanina pa siya sigaw ng sigaw . Mas lalo akong natatagalan kapag na pre'pressure eh .
" Oo na . Sandali na lang . " sigaw ko din
Nag lagay ako ng blush on at di masyadong makapal na lipstick . Di ako naglagay ng eyeshadow dahil di naman ako nagamit nun , unless kailangan lang talaga .
" Let's go . " sabi ko ng maka'labas ako sa kwarto .
Tumitig muna siya sakin at hindi nag salita .
" Oh ano? Tutunganga ka lang ba diyan? " sabi ko , kasi naman daig niya pa na stroke
" Tss . You look dreadful . " sabi niya bago tumayo sa sofa . Dun siya naghihintay kanina eh .
" Thankyou Lance . Thankyou . " sarcastic kong saad .
" You're welcome Princess . "
Aba't nakuha niya pa talagang sumagot ~__~ .
Well ano pa nga bang aasahan ko kay Lance? Never naman akong pinuri niyan .
Lumabas kami ng apartment namin . Yeah , NAMIN . Lived-in kasi kaming dalawa , almost 1 year na din .
Pero NEVER na may nangyari samin dalawa . Duh!
" Princess , mamaya baka kung ano nanaman ang sabihin sayo ni Mommy maki-ride ka na lang . Alam mo naman yun . " sabi niya while driving
" Oo na . Alam ko na yung gagawin ko . Halos 1 year na natin 'tong gina-gawa di ko pa ba yun malalaman . " sagot ko habang di naka-tingin sa kanya .
" Buti na yung malinaw . Mahirap na , baka kasi mabuko tayo ni Mommy na FAKE relationship lang ang meron tayo . "
Hindi na ko sumagot . Sa totoo lang naman kasi SAWA na ko sa ganitong sitwasyon .
Pangalawa ka sa taong mahal mo at Pekeng Girlfriend pa ko .
" Haayyy ... " napa-buntong hininga ko .
" Oh bakit parang ang lalim ng ini-isip mo? " Lance
" Wala lang 'to . "
" Tss . Ini-isip mo nanaman si Yvo? "
Nung sinabi niya yun napa-harap ako sa kanya . Sa daan pa din siya naka-tingin .
" Hindi ah . Iba ini-isip ko . At isa pa , ayos kami ni Yvo . "
" Ayos ba yung pangalawa ka lang? " bulong niya .
Nakaka-inis! Bubulong na lang yung maririnig pa .
" Dito na tayo . " sabi niya bago bumaba ng kotse
Gentleman talaga . Di man lang ako pinagbuksan ng pinto .
Nag doorbell siya at yung maid nila ang nag bukas samin .
" Si Mommy? " tanong ni Lance sa maid .
" Nasa loob po Sir Lance . "
Pumasok kami sa loob at nakita ko yung Mommy ni Lance , si Tita Cythia na nag-aayos ng dining table . Pina-punta niya kasi kami dito para mag dinner .
" Mom! "
Napa-lingon si Tita Cythia sa direksyon namin ng tawagin siya ni Lance .
" Lance , Cess andito na pala kayo . " niyakap niya muna ko at hinalikan sa pisngi at ganun din naman ang ginawa niya kay Lance .
" Na miss ko kayo . Lalo ka na Cess . " dagdag ni Tita
" Na miss ko din po kayo Tita . Sobra . " naka-smile kong sabi .
Totoo talaga na miss ko si Tita , ang bait bait niya kasi at para ko na rin siyang Mommy .
" Talaga? Mabuti naman kung ganun . Anyway , halina kayo , dinner na tayo at may importante akong sasabihin . " masayang sabi ni Tita
Bago kami tuluyan makarating sa dinning table bumulong sakin si Lance .
" Mukhang hindi maganda 'to based pa lang sa ngiti ni Mommy . "
Yun nga din ang naramdaman ko .
Sana naman mali kami ng ini-isip ni Lance .
Sana talaga .
=========================================================
Author's Note :
- Picture ni Lance na sa gilid <3
BINABASA MO ANG
Let's Just Pretend
RomanceAno ba ang pakiramdam na PANGALAWA ka lang sa taong mahal mo and at the same time isa kang FAKE girlfriend?