PRINCESS' POV
" Princess , ano ba? Matagal ka pa ba? " sigaw ni Lance galing sa labas .
Andito ako sa kwarto ko at nagbibihis . May pasok kasi ngayon at tanghali na!
" Oo na . Sandali . Patapos na ko! "
Binutones ko na yung damit ko at dali-daling kinuha yung mga gamit ko at lumabas na ng pinto .
" Ano? " singhal ko kay Lance . Titig na titig kasi siya sakin .
" Yaan lang ang ayos mo ang tagal-tagal mo? " taas kilay na tanong niya
" Anong masama sa itsura ko? " presentable naman ah .
" Wala . Kaso naman 1hr and 30min. kang nag-ayos pero yan lang pala ang itsura mo . Akala ko naman nag make-up ka na o kung ano man . " tumalikod na siya sakin pagka-sabi niya nun .
Anong problema ng tao na 'to? Alam naman niya na hindi ako nag me make-up or what eh . Matagal lang talaga kong maligo .
" Princess . " tawag sakin ni Lance habang nagse-seatbelt ako .
" Oh? "
" Wag na lang tayong pumasok . First day pa lang naman eh . "
" Hoy ha! Wag mo kong impluwensyahan . Kung ikaw sa dating school niyo ay ganyan ang gina-gawa mo . Pwes , wag mo kong idamay . " nag cross arms pa ko .
Loko eh . Idamay ba naman ako sa kalokohan niya . Tss .
Sa University na pina-pasukan ko na siya mag-aaral , mas maganda daw na sa isang University na lang kami sabi ni Tita Cynthia .
" Hindi naman ako ganun . Ngayon lang . Tina-tamad kasi ako . " kumamot siya sa ulo niya .
" Bakit naman? "
" Madaming akong gagawin na adjustment at catch up eh . " He sighed . " At ang main reason talaga ay ayokong pumasok . " this time he chuckled .
" Saan naman tayo pupunta? "
" Kahit saan . Kung saan mo gusto . "
" Sige . Pero ngayon lang 'to ah? " I smiled
Ngumiti din naman siya ng malapad .
Hindi na kami nagpalit ng damit , ayos na daw yung suot namin at isa pa di naman kasi kami naka-uniform .
LANCE'S POV
" Saan mo pa gustong pumunta? " tanong ko kay Princess .
Sa totoo lang pagod na talaga ko eh . 8AM kami nag start mag gala at ngayon 6PM na . Kung saan-saan na kami nang galing . Sa park , mall , restaurant at pinaka-ayoko sa lahat na pinuntahan namin ay ang SALON .
Psh . Nakaka-bored dun =____= .
" Wala na . Gusto ko na mag dinner! " masiglang sabi niya
" Edi punta na lang tayo sa ***** Restaurant . "
" Ayoko . " umiling-iling siya
" Eh saan mo gusto? "
" Sa bahay . "
" Huh? Eh wala naman food dun eh . " napa-kamot ako sa ulo ko . Kasi naman parang nase-sense ko na kung anong gusto niyang mangyari .
" Meron kaya! Nag grocery tayo last time di ba? " She beamed .
Damn .
" So? "
" Cook for me ^____^ . "
What?
BINABASA MO ANG
Let's Just Pretend
RomanceAno ba ang pakiramdam na PANGALAWA ka lang sa taong mahal mo and at the same time isa kang FAKE girlfriend?