PRINCESS' POV
Kaka'tapos lang ng 3rd subject ko at may 2 subjects pa kong natitira . Ghad! I'm bored . Hanggang 6pm pa ko dito .
Nagulat ako ng biglang mag vibrate yung cellphone ko naka'silent kasi eh . Kinuha ko sa pocket ko at pagkita ko sa screen ..
Lance Calling
" Hello "
[ Break mo di ba? ]
" Oo . Bakit? "
[ Wala naman . ]
" Nang-iinis ka ba? Tatawag ka tapos w - - - "
[ 6pm . Sa tapat ng gate ng school niyo sunduin kita . Dinner tayo . ]
" Lance , kas - - - "
toot . toot . toot .
Aba't bina-baan ako . Bastos talaga!
" Oh Cess , sino yang kausap mo? " tanong sakin ni Monique
" Si Lance . Bastos nga eh! Bina-baan ako! "
" Haha . Oh bakit daw siya tumawag? "
" May dinner daw kami mamayang 6pm . " walang ganang sagot ko
Naiinis kasi ako .
" Eh di ba tayo sabay mag di'dinner mamaya . "
" Yun na nga sana sasabihin ko kaso naman , binabaan ako . " inis na sabi ko
" Alam mo Cess , kung di lang fake ang relationship niyo bagay kayo ni Lance eh . Bakit ba di niyo na lang totohanin? "
" Duh?! BAGAY? Asa naman! At pwede ba tigilan mo ko Monique , may Yvo na ko . "
Tss . Abnormal talaga 'tong bestfriend ko . Alam na may mahal ako tapos sasabihin bakit di na lang namin seryosohin ni Lance?
" May kahati ka kay Yvo , Cess . Kay Lance wala . " she retoreted
Ito nanaman kami .
" Hindi namin mahal ni Lance ang isa't-isa . "
" Eh bakit mahal ka ba ni Yvo? " mapang-hamon na tanong niya
" O..Oo . "
" Talaga? " taas kilay na tanong niya
" Yun ang sabi niya at isa ... ano .. hmm .. nararamdaman ko naman na mahal niya ko eh . "
" Pwede ba Cess wake up! Kung mahal ka niya iiwan niya yung GF niya at ikaw ang pipiliin niya . Hindi yung dalawa-dalawa kayo . "
Hindi ako naka-imik sa sinabi ni Monique . Ewan naiinis ako! Palagi na lang siyang ganyan . Never niya talaga nagustuhan si Yvo . Against na lang siya lagi . Alam ko naman minsan may point siya eh . Pero sana kahit minsan naman suportahan niya ko .
Hindi din nagtagal natapos na lahat ng klase ko dahil 6pm na .
" Monique tara na . Baka hini-hintay na tayo ni Lance . " ang bagal kasi eh . Ayaw pa naman ni Lance na naghihintay .
" Wag ka nga excited makita si Lance , magkasama naman kayo lagi eh . "
" Tigilan mo ko Monique . "
" Joke lang . Pikon ka talaga . " natatawang sabi niya .
Naglakad na kami at ng maka'dating kami sa tapat ng gate ng school andun na nga si Lance . Naka'tayo sa tapat ng kotse niya .
Infairness gwapo si Lance at hot . Kaso minsan bipolar eh .
" Ang tagal mo ata? " Lance
" Ah si Monique kasi hinintay ko pa . Sasabay pala siya satin mag-dinner . " sabi ko
" Okay lang ba Lance? " Monique
" Yup . Okay lang . " Lance smiled
Aba't himala ngumiti ang loko . Samantalang sakin lagi yan bad vibes!
Di din nagtagal nasa Restaurant na kami .
" Order na kayo . My treat . " Lance
Eh? Seryoso ba 'tong si Lance o nagjo'joke lang? Di naman kasi yan nanlilibre .
" Cess , kay Lance ka na talaga . " bulong sakin ni Monique
" Bakit nililibre ka din naman ni Yvo ah? Pasikat lang si Lance sayo! " bulong ko din
" Hindi naman yung panlilibre ang point ko eh . "
Tss . Hindi na ko sasagot . Hahaba na naman ang usapan at sa huli , di ko na naman magugustuhan ang sasabihin niya .
" Lance , anong naisipan mo at nagyaya ka mag dinner? Sa Restaurant pa talaga at treat mo pa ." curious kasi talaga ko .
" Hmm . Wala naman . Nagsawa lang kasi ako sa ready-to-cook foods at mga ino-oreder natin sa fastfood chains . " sabi niya habang hini-hiwa yung beef sa plate niya .
" Ah . Okay . "
Kumain na lang ulit kami , walang nagsasalita . Si Monique naman di ko maintindihan kung bakit kanina pa siya naka-ngiti .
" Problema mo? " I ask Monique
" Huh? "
" Bakit ba kanina ka pa naka-ngiti? "
" Haha . Wala naman . "
Tss . Abnormal >.<
" Lance? " Monique called Lance
" Hmm? " sagot ni Lance . He's eating kasi .
" Alam mo bagay kayo ni Cess . " Monique said while smiling
Grabe lang . Halos mabuga ko yung juice na ini-inom ko . My bestfriend is Crazy!
" Monique , ano bang pinagsa - - " ako
" Talaga? " sabi ni Lance habang naka-smile
Pansin ko lang , good vibes talaga siya .
" Oo . Bakit ba di niyo na lang totohanin? Sayang naman . " Monique
Nag kibit balikat lang si Lance pero he's smiling . Todo smile pa nga eh . Tss! Siguro ini-isip nitong si Lance may topak si Monique .
" Ano ka ba Monique , ang daldal mo talaga! Wala naman sense yang sina-sabi mo . " inis na sabi ko . Kasi naman , may masabi lang eh .
" Bakit ba sina-sabi ko lang naman yung napapansin ko at opinion ko . Anong masama dun? "
" Pero kas - - - "
" Lance may masama ba sa sinabi ko? " tanong ni Monique kay Lance
" Hmm . Wala . " he smiled again
Ano bang meron? May gusto ba siya kay Monique at kanina pa siya na ngiti?
- - - - - -
Hindi na ko nagsalita . Hanggang sa matapos kaming kumain .
Hinatid namin si Monique , hanggang sa tapat ng condo niya at umuwi na din kami ni Lance .
Huminto na yung kotse sa tapat ng apartment namin ni Lance . At bago ako maka'baba ng kotse ni Lance nag salita siya
" I like Monique . " naka-ngting sabi niya
Sabi ko na nga ba eh . Kaya ganun na lang siya maka'ngiti . Psh .
Hindi ako sumagot at bumaba na lang ako . Kaso pag tingin ko sa gate , may nakita ako na isang lalaki . Naka'tayo siya dun at mukhang kanina pa nag hihintay .
" Yvo . " napa'lingon siya sa direksyon ko
" Cess . " lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi
" Bakit ka andito? Gabi na ah . "
" We need to talk Cess . " he said seriously
A.N : Si Yvo nasa side . Hihi :"> Gwapo no?
BINABASA MO ANG
Let's Just Pretend
RomantizmAno ba ang pakiramdam na PANGALAWA ka lang sa taong mahal mo and at the same time isa kang FAKE girlfriend?