PRINCESS' POV
Kagabi pa ko naiinis . Hindi ko naman alam kung bakit =____= .
" Aga mo nagising ah? " bungad ko kay Lance . Kaka'labas niya lang kasi sa room niya at andito ako sa sala .
" Ah . Oo nga eh . " naka'ngiting sabi niya . Aba't mukhang good mood ang loko . Psh .
" Bakit parang masaya ka ata? " sita ko .
" Halata ba masyado? " sabi niya habang luma'lakad papunta sa kusina .
Sinundan ko siya . May mga gusto pa kasi ako itanong sa kanya eh .
" Oo . "
" Hehe . Ganun ba? Di ko lang kasi mapigilan . " natatawang sabi niya .
" Bakit ka naman masaya? " curious na tanong ko . Bihira lang kasi yan maging ganyan kasaya .
" Dahil siguro sa kagabi . " nilabas niya yung egg sa ref'
Kagabi?
" Anong meron kagabi? "
" Nag dinner lang kami ni Monique . " binuksan niya yung stove
" Yun lang? Masaya ka na? " di maka'paniwalang tanong ko . Ang babaw niya!
" Yep . Madami din kasi kaming pinag kwentuhan eh . " this time nag pri'prito na siya .
" Ang babaw mo ah . "
Napa-tingin siya sakin pagka'tapos kong sabihin yun .
" Oh bakit ganyan yang tingin mo? " Yung tingin niya kasi para bang may masama akong sinabi .
" Nagseselos ka ba? " naka-ngisi niyang sabi
Nagseselos? AKO?
" Yuck! Hindi no! Bakit naman ako mag seselos? " depensa ko .
" Talaga? Hindi ka talaga nag seselos ? " naka-ngisi pa din siya
" HINDI NGA! Wala akong paki kung magi - - - "
" Okay na . Hindi na kung hindi . Haha! Defensive ka masyado . " natatawang sabi niya . " Anyway , what do you want for breakfast? " dagdag niya .
Defensive?
" Parehas na lang tayo . " pagka-sabi ko nun lumabas na ko ng kitchen . Kasi naman , nakaka-inis si Lance! Pag bintangan daw ba kong nagseselos at defensive . Psh .
Feeler masyado .
May Yvo na ko at kay Yvo lang ako .
LANCE'S POV
Haha! Sarap talaga asarin nun , ang dali kasing MAPIKON .
Nung natapos na kong mag handa ng almusal tinawag ko na din si Princess para naman maka-kain na kami .
" Lance , sabi pala ni Tita Cynthia pumunta daw tayo sa inyo bukas . " sabi niya habang nakain kami
" Si Mommy? Bakit sayo sinabi , hindi sakin? "
Siya na ba ang anak ngayon?
" Ewan ko . Basta tinawagan lang ako kagabi eh . "
Tumango na lang ako . Ano nanaman kaya ang sasabihin ni Mommy?
- - - - -
Andito na kami sa parking lot ng school nila Princess , hindi kami parehas ng school dahil ayaw niya daw sa school ko .
" Susunduin ulit kita mamaya . Hintayin mo ko . " bilin ko kay Princess .
" Wag na . Kaya ko naman umuwi mag-isa . " sabi niya habang nag tatanggal ng seatbelt
BINABASA MO ANG
Let's Just Pretend
DragosteAno ba ang pakiramdam na PANGALAWA ka lang sa taong mahal mo and at the same time isa kang FAKE girlfriend?