Yes, I did

3 1 0
                                    


(Dedicated to: mga taong malungkot, pero wag niyo tong gawin sa ibang tao hahahah)

Lagi nalang ako nagigising pag madaling araw, lagi nalang. Di ko naman kasi kayang matulog ng mahimbing e.

Lagi kong iniisip ang problema ko.

Isa akong artista na bigla nalang nawala sa mundo ng shobiz, bigla nalang akong binash sa mga bagay na di ko naman ginawa.

Nagkalat ang mga litrato sa boung pilipinas na nagkahalikan kami sa isang lalaki.

Di lang siya basta lalaki, asawa siya ng kapatid ko.

Nakakagago lang, kung sino man ang gumawa non.

Kung sino man ang naglabas non. Sana makarma na siya. Kasi alam na niya siguro na panalong panalo na siya sa laban.

Ewan ko kung paano nila nagawa ang ang mga litrato na yun, naka hubo't hubad kaming dalawa sa loob ng isang kuwarto.

Alam kong edit lang yung at walang nangyare sa'min. Ni di nga kami close nong tao.

Kada madaling araw nalang akong umiiyak, humahagulhol dahil sa nangyare sa'kin.

At ito ngayong gabing na to pinaghandaan ko ang matagal ko nang plinano.

-------

"Wahhhhhhh!!!!!!!!!!" rinig naming sigaw ng isang kasambahay namin ng pumasok siya sa kuwarto ng kapatid ko, hanggang ngayon di ko pa din siya pinansin kasi di pa kasiguraduhan na hindi iyon totoo ang kumakalat. Wala akong pinaniwalaan, ni isa sakanila pero di ko kayang maiwasan ang manghusga kasi syempre asawa ko yun.

Pagkarinig namin ng sigaw ng kasambahay namin ay agad kaming pumasok sa kuwarto ni Ate, at nakatingala kaming lahat.

Nakita namin si ate....

Si ate na, si Ate na nakabitin habang may nakatali sa leeg niya at w-wala na siyang buhay.

Nang makita namin iyon, walang ibang ginawa si mommy kundi umiyak ng umiyak kaya naisipan namin na isang gabi lang pahlamayan ang aking kapatid na nagpakamatay dahil sa depression.

Hanggang sa araw ng libing nito yun pa din ang nangyayare iyak pa din ng iyak si mommy, hanggang sa makauwi na kmi sa bahay.

"Bakit ba nangyayare sa ate mo yun?" sabi ng ina ko habang umiiyak.

"Napakabait na tao ng ate mo," humagulhol na siya ng lubos."..napakamapagmahal at masiyahin. Wlaa siyang ibang ginawa kundi tulongan ang pamilya natin." mahabang sabi ni Mommy at ng di ko na makaya ay umalis ako sa bahay at pumunta sa bar at nagpakalasing.

Kahit anong klaseng alak iniinom ko, nagrereklamo na nga ang bartender kasi I really look wasted na daw talaga pero wala akong pake alam.

"*huk* Nawala na nga siya, *huk huk*" pinilit kong magsalita kahit na lasing na lasing na ako. "nawala na *huk* na nga siya, siya pa din iniisip ni mommy?!" sigaw ko sa bartender.

"Kailan ba ako mapapansin ng napakagaling kong ina??!!!! Kasi puro nalang si *huk huk* Ate ate ate!!!"

Tumayo ako sa upuan at saka dinala ang bote ng alak. Habang nakaharap pa din sa bartender.

"Siguro tama na yung nangyare sa kanya yun e, tama na yung pinalabas kong inagaw niya ang asawa ko! Tama na yung namatay siya dahil sa ginawa ko!"

"HAHAHAHAHA" tawa kong malademonyo.

Yes, I did. Ako ang naglabas ng mga litrato na kasama sila ng asawa ko. Ako nagkalat ng lahat ng yun sa social media!!! Kasi lagi nalang siya ang nakikita ni Mommy!! Walang ako, at higit sa lahat.... Ako dapat ang artista sa'min, ako dapat ang sikat at nakilala kasi yun ang pangarap ko, pero siya ang pinili ni Mommy, kaya tama na yung ginawa ko.

Goodbye dearest sister, sayang di tayo ulit magkikita salangit ka kasi at alam kong impyerno ako patungo. *chuckles

-blueprincess

Dahil wala akong trip, ang tawag ko sa mga magbabasa ng mga story ko kahit unti lang kayo, tatawagin ko kayo ng.....

Prinsesa!!!! Hahahaha bahala na kayo basta prinsesa tawag ko sainyo. Lovelots!!!

Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon