The Girl Behind those Nerdy Glasses

2 1 0
                                    

[ The Girl Behind those Nerdy Glasses ]

(Part 1)

Simpleng babae lang naman ako na may malaking nunal sa gilid ng ilong ko. At may itim na kulay na mata, may bangs ako pero di naman makapal and short haired akong babae... Pero naka glasses nga lang.

At mula nong lumipat ako sa paaralang to lagi nalang akong nabubully.

Kung ano ano nalang ang ginagawa sakin. Nilalagyan ng kung ano ano ang bag ko.

Sinusulatan ang upuan ko ng 'apat ang mata' then may nakalagay pa sa desk ko na

'ako'y amoy tae'

at

'libro po ang kinakain ng mga taong walang kain sa bahay'

Nakakainis naman siya. Pero wala akong magawa kung hindi pabayaan sila.

Pagpasok ko sa classroon namin ay umupo ako sa upuan ko ng dire diretso.

At dahil wala pang teacher tumunganga nalang muna ako.

Ang saya lang isipin na mag iisang buwan na ako dito HAHAHA.

Sabi niya kasi yung pagpasom ko palang dito na di daw ako aabot ng isang linggo aalis na ako. Pero andito pa e.

Naalala ko pa yung eksaktong linya niya.

'isang apat na mata na naman ang mawawala dito bago matapos ang linggo. Hoy nerd! Lipat ka nalang ng school you're not belong here e HAHAHAHAHA'

Ang saya lang kasi di ako napaalis HEHEH.

Di naman nila ako sinasaktan physically e.

Saka wala naman silang ginawa para masira ang mga personal na gamit ko kaya ok lang.

Ang ginagawa lang nila ay verbal bullying per bat naman ako masasaktan kung di naman...di naman...di naman talaga nakakasakit ang sinasabi nila. At yung pagsusulat sa upuan ko bahala na sila diyan.

"Excuse me, sabi ni Ms. Rivera study time niyo daw muna ngayon kasi busy siya. Magstudy daw sa mga diniscuss niya these past few days kasi magbibigay siya ng long test bukas." sabi nong lalaki na siyang inutusan ng guro namin.

"Ah wait! Ok lang ba na di kami dito magstudy kasi nakakairita kasing magstudy pag nakikita namin iting babaeng dora na may apat ang mata."

Bobo may dora palang maputi? Gago.

"Ah oo pala. Pwede kayong lumabasat don magstudy."

"ok, thanks!" pagpasalamat naman niya sa nag inform samin.

Kinuha ko na bag ko at saka akmang tatayo nang mapansin ko ang may nakadikit sa likod ko at sa palda ko.

Pwersa ko itong tinanggal at tiningnan.

What the hell?!

May bubble gum sa likod ko kaya bilis ko namang tiningnan ang palda ko, meron din.

Tumawa lang ang bruhildang si Abegail at kanyang mga alipores na Gem at Cheska.

Itong si cheska akala ko magkakasundo kami kasi sabay kaming pumasok dito kaso ang sarap din palang ipakain sa pating.

"Sinong may gawa nito?" tanong ko na walang emosiyon sa mukha. Nakakabanas na sila ha. Sumusobra na.

"Ako bakit? Anong gagawin mo?" sagot naman ni Abby.

"Alam mo ba kung gaano to pinaghirpan ng ilang tao para mabou lang? Alam mo ba ilang estudyante dito ang naghirap para lang makabayad para uniporme na ito?

"Aba't sumasagot ka na ngayon dora HAHAHAHAHA to tell you honestly? Hindi ko alam, kasi di ako nabuhay na mahirap e, isa akong prinsesa sa mundo ko kaya di ko alam."

"Mayaman ka nga, wala ka namang puso. Ang hirap sa 'yo inaabuso mo ang kayamanang binigay sayo e. Di ka marunong magpahalaga." napanganga naman ang lahat ng kaklase ko sa sagot ko. Siguro ngayon lang nila ako nakitang sumagot kay Abby, kadalasan kasi pinapabayaan ko nalang.

"bakit ko naman yan papahalagahan kung napakacheap naman? HHAHAHAHAHA kung pwede lang mag civilian dito, nirarampa ko na yung mga mamahalin kong gamit. Yung pinahahalagahan ko. Yun ang pagpapahalaga, Mika."

"Matapobre ka nga talaga." Sabi ko sakanya. "Alam mo kung ano yung pagpapahalaga? Yan yung mga bagay na di mo kailangan alamin ang presyo para pahalagahan kundi ang paghihirap ng isang tao para makuha to at maibigay sayo. Yun ang pagpapahalaga." sabi ko at iniwan na siya sa kinatatayuan niyang nakanganga.

***

\\blueprincess\\

Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon