What if... I tell you?
P. S.
The writer is not perfect and so as the work.
(Part 3)
[The Reason]
Dali dali akong umalis sa kwarto at pumunta sa sasakyan ko. Randam kong nakasunod lang si Jen sakin at pumasok din siya sa sasakyan ko.
Pagkapasok na pagkapasok niya ay agad king pinaharorot ang sasakyan ko papunta sa condo ni Hammer para klaruhin kung siya ba talaga ang gumawa nito.
Pagkadating ko sa condo niya ay agaf akong pumasok.
"Hammer!!!"
"Hammery?!!!"
"Oh, ate Chinnie? Anong ginagawa mo dito?" agad niyang bungad ng makalabas ito ng kwarto.
"May tanong ako sayo." sabi ko sakanya at hinarap siya dahil malapit na din naman siya sakin.
Habang si Jen naman ay nasa labas lang ng condo niya.
"Ano po yun?"
"Anong alam mo sa balitang nagkalat ngayon tungkol sakin?"
Halata sa mukha nuya ang pagkagulat.
"W-wala po."
"Magsabi ka ng totoo. Hammery! Ayusin mo ang pagsagot mo! Kasi nakukutoban na ko sa tono pagsagot mo e. Please?"
Wala akong nakuhang sagot galing sakanya.
Sa mahigit dalawang taong pagkakasama naming dalawa nakilala ko siya.
At ang sakit lang, kasi nakikita ko yung pagsisinungaling da mukha niya.
"Hammery, sabihin mo na di ikaw please? Sabihin mo na di ikaw gumawa non." nagsimula na namang magsi agosan ang luha ko.
Wala emosiyon akong nakita sa mata niya.
"Ha! Bat ko naman sasabihin na hindi ako kung ako naman talaga?" nabigla ako sa sinabi niya kaya napanganga ako.
"Oo, ako! Ako ang nagkalat sa balitang yun! Para saan pa't itago ko kung alam mo naman na diba?"
*slap*
Di ko napigilan ang sarili kong sampalin siya.
"P-pero bakit? Anong nagawa ko sayo, Ham?" nauutal na tanong ko habang patuloy pa din yung luha ko sa pag agos.
"Anong nagawa mo sakin? Nasa iyo lang naman yung bagay na pinakagusto kong makuha, Ate Chin!"
"Ha? Di kita naiintindihan."
"Nasayo ang bagay na pinakagusto ko, nasayo si Hazer." simula niya habang umiiyak. "Nasayo ang taong mahal ko, mahal na mahal ko siya pero alam ko na di siya magiging akin kasi andiyan ka!! Ikaw ang mahal niya, ginawa niya nga lahat para magbago tingin mi sa mga lalaki e, e anong laban ko don? Wala! Wala akong laban dun, ate. Ganun ka niya ka mahal."
Mahabang tugon niya sakin.
"Pero bakit dumating sa punto na ipagkakalat mo yon, Ham?! Bakit?"
"Kasi ikaw lang ang nakikita niya! Ikaw lang at wala ng iba pa! Kaya naisip kung ikalat iyon at baka magbago tingin niya sayo!"
"Napakababa ng rason mo! Kahit saang anggulo ko tingnan your reason was never been valid!" sigaw ko sakanya. "Oo, may anak ako at yun kang ang alam mo, Ham. Di mo alam kung bakit diba?! Di mo alam, di mi alam na nagkaanak ako dahil biktima aki ng rape!" nakita ki ang pagkabigla niya sa sinabi ko. "Oo, biktima ako.."
"A-ate Chin...."
"Sinabi ko sayo lahat ng gusto kong ipaalam sayo kasi pinagkatiwalaan kita. Kasi mahal kita, at tinuring kitang kapatid pero ito lang ang ginawa mo sakin? Sinayang mo lang tiwala ko sayo, Hammery."
***
\\blueprincess\\
BINABASA MO ANG
Random Short Stories
RandomThis is a random short stories made by meeee HEHEHE. P. S. The writer is not perfect and so as the works.