Aemie mode : ON

2 1 0
                                    

P. S.

Nagawa ko po to nung nabasa ko ang MHIAMB, ang saya lang HAHAHA basahin niyo din po, My Husband is a Mafia Boss, ewan ko po kung sino writer HEHEH.

Enjoy reading!

***

'Aemie mode: ON'

Sary sa typo at wrong grammars HEHHE kung may English  jan intindihin niyo nalang

Insert ; Nanay Ley, Kuya Mc and Drake😁

Val's POV

" ano?! Di ka na ba uuwi?!  Don ka nalang titira sa bahay ng kaibigan mo ha? Gala ka ng gala tas uuwi ka lang para kumain at matulog tas kadalasan pa ay gabi ka na uuwi. Ano?! Sumagot ka Mckenzie! Hala sige dalhin mo lahat ng gamit mo sa bahay nila Drake at dun ka na tumira!" naninermon na naman si mama kay kuya ano ba yan ang ingay ingay. Ala una ng hapon ganyan siya kaingay?

"Maaa, tama na po. Wag niyo na po pagalitan si kuya, ang sakit kasi sa tenga ang lakas lakas ng boses mo ih andiyan lang naman si kuya sa harapan mo" sabi na may inis na tono. Ih kasi naman ang ingay² nagbabasa ako dito ng My Husband is a Mafia Boss ih.

" oh ikaw val ! dahil pareho kayo ng utak ng kuya mo pagsabihan mo yan, kulang nalang ih lumayas sa bahay na to, kung saan saan nalang pumupunta"

Aemie Mode: ON

Pareho kami utak ni kuya??!!! Pano nangyari yun? Kaya siguro di ko nasagutan test namin kanina kasi nasa kanya utak namin. Oo nga no? Baka schedule schedule hehe.

Tsaka layas?!!!!!!

"ma?!!!!!! Anong layas? Pano utak namin? Diba pareho kami utak ni kuya? Ang layo naman ata pag dun siya kila Drake at tsaka ma, pag pinalayas mo si kuya....." tumigil ako saglit at tumingin sa kawalan. ".....pano future ko? Diba siya magpapapaaral sakin? Sa Senior High at college? Ma ayoko mawalay kay kuya, gusto ko pong makagraduate at hanapin ang Zeke ng buhay ko. Siya ang magiging asawa ko ma, at gusto ko pong magkaroon kami ng kambal na anak. Alam kong di na niya mahal si Fiona, ako ang mahal niya ma, ako." sabi ko sabay emote. Si mama naman kasi ihhh, mawawala future ko pag pinalayas niya si kuya. Hindi naman sa selfish ako pero....

Parang ganun na nga. Hehehe

"ano bang pinagsasabi mo dyang bata ka ha? Ang tanga mo talaga..." ouch, that hurts. "....atsaka anong asawa? Hoi babae, baka nakalimutan mong kinse anyos ka pa lang? Yan ba napapala mo kakabasa ng wattpad wattpad na yan ha?---"

"ano ba yan ma /*kamot sa ulo; di ka naman inaano ni wattpad ah. Ako KALABAN mo kaya wag mo isali si wattpad. Masamang magbintang ng bagay ma, lalo na pag di ka inaano nun." sabat ko sakanya

"HA???!!!!!, iwan ko sayo. Naging advance ka na mag isip at saka lumilipad na din yang isip mo. Baka mamaya iisipin mo na mamatay ka na ih no" sabi niya.

"pfffttt... HAHAHAHAHAHAHAA" rinig na rinig ko na tawa ni kuya, nababaliw na ba siya? Kailangan ko na bang tumawag ng Ambulansya?

"m-mamatay? Ma di mo na ba ako lab?" tanong ko sakanya. Hala baka am---" MA, ampon bako?! Sino ba ang totoong kung mga magulang?!!!!! Kay ba gusto mo kong mamatay?! HUHUHHIHU waaaaaaaaahhh di na tayo bati ma!" sigaw ko sabay pasok sa kwarto. At dun na umiyak.

Waaaa di talaga ako makapaniwala.

Mckenzie's POV ( kuya ni Val )

hala?! Ano bang nangyari sa kapatid ko? Nabaliw na ata siya.

Andito pa din ako ngayon sa salas kung saan sila nagsasagutan. Nakatingin lang ako sa pinto ng kwarto ng kapatid ko, umiiyak yung isip bata na yun panigurado.

Liningon ko si mama.

Nakatingin lang din siya dun tas maya² biglang niya kong nilingon at lumapit.

"waaaaaaaa, ano bang nangyayari sa kapatid mo? Nababaliw na ba siya? Ha?! Ano tatawag na ba ako ng doktor? Nauntog ba yun sa bubong? Sang bubong ba para ipasira ko nalang sa papa mooo waaaaa. O di kaya tumawag nalang ako ng psychiatrist para mabalik sa dati yang kapatid mo?!" sabi niya habang inaalog alog ako.

"eh?"

"San ba kasi ako nagkulang? Di naman ako nadulas nong nagbubuntis pako sainyo, kumain naman ako ng mangga. Saka di ako nagpalipas ng gutom. Inalagaan naman ako ng papa niyo. San kaya ako nagkulang? /*sabay hawak pa sa baba na parang nag iisip ih wala namang isip; Baka kulang yung baon niya araw² kaya nalipasan ng gutom? dodoblehin ko na nga lang para mabalik siya sa dati." sabi niya na may sama pang buntong hininga. Hayst, pamilya ko ba to?

"kaya ayokong mag stay dito ih, ayokong mahawa sa pagiging isip bata niyo. Baka siguro ako yung ampon ano?" HALA?!! taena nahahawa na nga ako. Makaalis na nga.

"Ma, kila Drake lang ako. Babalik po ako mamaya. Byeeeeee!!!!!

****

\\blueprincess\\

Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon