"Ikaw, saang source ka pagperiodical?"

6 2 3
                                    


Pumunta na ako sa harapan kasi may gagawin na naman kaming masamang magkaklase.

Lahat naman sigurong estudyante ganto, or kung hindi lahat maybe kadalasan.

Sanay na kaming ganto hahaha team work kumbaga.

"Ok, recall tayo.." simula ko. "Sabihin niyo isa isa kung san kayo naka assign, ngayong periodical."

Tumango naman sila. Dahil ako yung class monitor naging nauuna din sa lahat ng kagagohan.

"Ako, source sa science." si jenny.

"Ako, sa math." kriza.

"Sa MAPEH ako, memorization." April

"Chemistry here." Anne

Yah, tama kayo ng narining nagpapaplano kami sa pagcheat para sa periodical test na sa susunod na araw na.

And they are the sources hahahha lahat naman mag aaral e pero pag may nakalimutan dun ka sa source hihingi ng tulong, para di magulo. At di ganun kaingay.

"Ikaw ba Jane? Sa anong subject ka?" tinanong ako ng gago kong kaklase ha! Gago ba siya? Hahahaha.

"Wala." sagot ko. Na nakangiti pa hahaha ako pa.

"bat wala ka? Dapat meron, ang unfair e. Saka patanong tanong ka pa kung sinu sino ang nga source wala ka din pala." wow hahahhaa napairap nalang ako.

"Oh talaga ba? Sa periodical l, wala ako. Pero ako, ako ang source ng mga papel dito. Baka nakalimutan mo yun? 1/4, 1/2 crosswise and lengthwise, and one whole din. Kung wala yun wala kayong masusulatan ng sagot niyo na galing sa mga sources din naman."  simula ko sa sarcastic speech, kala niyo ha.

"sa ballpen, sa glue ako pa, sa ruler, coloring materials, lapis at eraser. May libreng suklay pa pag magpapaganda kayo mga depungal kayo."

"tas kayo, kayo yung may crush kaya wag ako yung hingan niyo ng liptint bumili kayo ng sainyo."

"O baka namn trip niyo ang bag ko at ang mga laman nito? Bilhin niyo na kompleto yun sa gamit. 5k lang isali mo na yng mga notes na isinulat ko dun and tinta ng ballpen."

"Aangal pa kayo?" napairap nalng ako pagkatapos kong mag speech ng napakahaba na may sarcastic pa. Hayyst.

"ok, good."

Walang makakatalo sayo kung ikaw ang source ng mga gamit. Yun ang masasabi ko.

***

\\blueprincess\\

Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon